3 Years Later...
October 03, 2016
[Erica's POV]
Naglalakad ako ngayon papunta sa aming classroom. Ang sarap amoy-amuyin ng simoy ng hangin! Hay! Ang bilis naman ng panahon. Parang kamakailan lang, kakakita ko lang ng mga bago nilang mga pagmumukha. Parang kailan lang, tinataray-tarayan ko lang sila. Parang kailan lang, halos araw-araw kung tarayan ko sila, at priceless! Sobrang priceless makita ng mga pagmumukha nila 'pag tinatarayan ko sila. Parang mga tutang nakabahag ang mga buntot at maiihi na sa salwal. At ngayon, sa wakas, ilang buwan na lang ay makakaalis na ko sa paaralang 'to.
Heto na, nandito na ko sa classroom at kitang-kita ko ang mga masasaya nilang pagmumukha. So long, my dear classmates!
"Good morning, Erica!" masayang bati sakin ni Zach.
"Oh, shut up. Walang 'good' sa morning na 'to," mataray kong sabi sa kanya, at binigyan ko sya ng isang plastic na ngiti. Kitang-kita ko ang pagkakunot ng noo nya dahil sa sinabi ko. Dapat ako lang ang good vibes ngayong araw. How dare him?
Nagulat na lang ako nang may biglang humila ng buhok ko.
"Hoy, Erica. Ikaw na nga itong binati ng boyfriend ko, ikaw pa ang galit! Ang kapal ng mukha mo, ha?" at tumingin sya kay Zach. "Ikaw naman, Zach. Sabi ko sa'yo, ako lang ang babatiin mo!" Lumapit sya kay Zach at ipinulupot ang braso nya sa braso nito. "Kawawa naman ang baby ko, nasira pa tuloy ang pagka-good mood mo..."
"Hindi naman. Nandyan ka na eh..." at sinuklian sya nito ng isang matamis na ngiti.
Nagulat naman ako sa aking mga narinig at nasaksihan. "Ha?! Kelan pa?!" gulat kong tanong.
"Kagabi lang. Bakit? Aagawin mo sya sa 'kin? Sige, subukan mo at ng malaslas ko yang leeg mo!" pagbabanta ni Sasha.
"Gosh! Ang warfreak mo! Tingnan mo, oh! Ginulo mo pa tong buhok ko... Kakarebond ko lang eh..." inirapan ko sya at lumabas ng room. Kailangan ko pa kayang ayusin ulit ang buhok ko.
[Todd POV]
Heto na... Ngayon nga pala ang unang araw na magbibigay ako ng regalo. Sana naitabi nila 'yung mga papel...
Nakaka-excite rin kaya kasi sa loob ng tatlong taon, at mag-aapat na taon na, nagkasama-sama kami. Lagi ko kaya silang gustong maka-bonding. Kaso, ewan, parang ayaw nila? Hindi ko rin alam eh...
Siguro dahil sa mangilan-ngilan kong pasa sa braso... Sa kamao kong laging dumudugo... Sa band-aids ko sa katawan... I'm a warfreak? Yeah, right...
Naglalakad na ako papasok ng classroom namin... Bitbit ang regalong ibibigay ko... Sana na sa kanya pa ang papel... At sana maappreciate nya ang regalong ibibigay ko sa kanya... Well, kung wala na sa kanya ang papel, ibibigay ko pa rin naman tong regalo sa kanya eh.
Nakalagay lang naman tong regalo ko sa kanya sa isang box. Nakabalot sa gray na gift wrap. Sa pagkakaalam ko kasi mahilig syang magluto. Kaya ito na lang ang ibibigay ko.
Nandito na ko malapit sa classroom namin nang may marinig akong tili. Huh? Saan kaya nanggagaling yon? Dali-dali akong tumakbo sa loob ng room namin. Nagtataka silang nakatingin sakin... Weird naman.
At wala ang pagbibigyan ko sa kanyang upuan. Ayun pala, nakasuksok lang sa bukasan ng bag nya ang papel na kulay silver gray. Ilalagay ko na lang tong regalo sa upuan nya.
"AAAAAAHHHHH!!!" isang malakas na tili ang nagpatahimik sa napaka-ingay naming classroom. Ayan na naman ang tiling narinig ko kanina! At ngayon, sigurado akong hindi ko yon guni-guni dahil lahat ng mga kaklase ko ay nagtakbuhan palabas ng classroom, kanya-kanyang hanap sa pinanggalingan ng tili.
BINABASA MO ANG
The Graduation Gift
Mystery / Thriller20 students ang biglang makakatanggap ng isang coupon na galing sa isa sa kanila. Nguni't ang hindi nila alam ay maaaring kamatayan rin ang kanilang mga regalo.