Naging mailap ako sa lalaki mula ng niloko ako ni Mike. Parang sa paningin ko lahat sila ay manloloko na.
Gusto kong isigaw ang katarungan para sa mga kababaihang niloko at sinaktan ng mga lalaki.
Hindi ko kasi talaga matanggap na yung inakala kong almost perfect relationship ay masisira lang ng ganun kadali.
Flashback :
Naglalakad ako sa park ng nahagip ng mga mata ko ang hindi ka aya ayang bagay.
May popo kasi ng aso na nakakalat doon. Grabe lang sa park pa talaga nagbawas yung aso.
Pero hindi pa yun nagtapos dun. Nakita ko si Mike sa bench nakaupo.
Wala naman kaming usapan na magkikita ngayon.
Bakit kaya siya nandito?
Alam niya kayang pupunta ako dito?
Para sakin kaya ang mga roses na dala niya?
Lalapit na ako sa kanya ng naramdaman ko ang isang bagay sa ilalim ng sapatos ko.
Hay naku natapakan ko ang hindi ka aya ayang bagay.
Agad naman akong naghanap ng papel sa bag ko.
Kapag sinuswerte ako. Dala ko ang testpaper ko na may markang malaking failed.
Kinuha ko agad iyon at ipinampunas sa dapat na tanggalin ng mapatingin ako kay mike.
Parang may hinihintay siya.
Hindi ako nagkamali.
Dumating ang taong hndi ko inaashahang dadating.
Taong hindi ko inaasahang makikipagkita sa boyfriend ko.
Taong malapit din sa akin.
Bakit nga ba kung sino yun malalapit at mahahalaga sakin. Sila pang mananakit sa akin?
Nakita ko ang pinsan ko na hinalikan sa pisnge ang boyfriend ko.
Wow oh Wow!
Ibinagay naman ng boyfriend ko ang dala niyang roses.
Wow ulit.
Ang sweet!
Pinigilan ko ang sarili ko na huwag maiyak.
Hindi ako iiyak.
Hindi.
Pinili kong lumapit sa kanilang dalawa.
Kahit alam kong masakit.
Kahit alam kong mas masasaktan pa ako.
Pero kailangan kong gawin to.
Lumapit ako at nagsalita para makuha ko ang atensyon nila.
"Mabuti dito kayo nagkita para makita ko naman ang pang wawalang hiya ninyo sa akin. Masaya ba kayo? Bakit ninyo ako niloko?"
Napatingin silang dalawa sa akin.
Parang naputulan sila ng dila.
Agad naman akong tumakbo dahil taksil ang aking mga luhang kusang nagsipatak.
Naramdaman ko na hinahabol ako ni mike.
Kahit anong gawin niya hindi niya ako maabutan.
Champion ako sa running.
Nang makarating ako sa kanto ay agad akong pumara ng tricycle.
"San ka bababa,neng?"
"Jolibee po."
Kailangan kong kumain.
Gusto ko ng fries.
Large na fries.
Hindi ko inaakala na fries ang magiging takbuhan ko sa aking unang heartbreak.
I love u french fries.
BINABASA MO ANG
May Happy Ending kaya?
Teen FictionWalang sinuman ang nakaka alam ng totoong dahilan kung bakit mapaglaro ang tadhana, kung bakit palaging may nasasaktan.