Chapter 2

0 0 0
                                    

Habang kumakain ako pakiramdaman ko pinagkaitan akong sumaya ng tadhana.

Ang sakit.

Ang saklap.

Ngayong araw na ito naranasan ko ang aking unang heartbreak sa aking unang boyfriend.

Hindi ko na namalayan ang oras.

Isang oras na pala ako dito sa Jolibee. Naka dalawang large fries din ako habang nagmumukmok.

Iniisip ko pa din kung bakit nila nagawa iyon sakin gayong kabutihan lang ang ipinakita ko sa kanila.

Minahal ko si Mike bilang boyfriend.

Minahal ko si Jane at tinuring na pinakamalapit na pinsan.

Naging bulag ba ako para hindi makita ang panluluko nila sa akin?

Nakakapagod ang araw na ito.

Kailangan kong pakalmahin ang aking sarili.

pero hindi mawala sa isipan ko na mula ng maging kami ni Mike ay umiwas akong makipag kaibigan sa kapwa ko babae.

Ayoko kasing dumating ang panahon na matulad sa mga napapanood ko sa teleserye ang love story naming dalawa. Yung naghihiwalay ang dalawang bida dahil sa nagkaroon ng relasyon ang lalaki at ang kaibigan ng babae.

Pero sa kakaiwas ko.

Higit sa kaibigan pa ang taong sumira sa pangarap ko kundi kadugo ko pa.

Kalma.

Kalma.

Pauwi na ako sa bahay at kailangang maging natural ang galaw ko.

Dapat hindi nila malamang nasaktan ako.

Hindi nila pwedeng malaman.

Ayokong isipin na tama sila.

Oo. Sinabi nilang bata pa ako para sa isang relasyon.

Masasaktan lang daw ako.

Iiyak lang daw ako.

Pag nangyari daw yun ay hindi nila mapapatawad si mike.

Naalala ko pa kung pano ko ipagtanggol si Mike.

Kung pano ko siya ibida sa mga magulang ko.

Kung pano niya ako napapangiti tuwing magkasama kaming dalawa.

Pero ako pala ang mali sa sitwasyon ngayon at sila naman ang tama.

Ano kayang magiging reaksyon nila kapag nalaman nilang si Jane ang dahilan ng pagkasira ng relasyong matagal ko ring iningatan.

halos dalawang taon din.

dalawang taon.

Gano katagal na kaya nila akong pinagmumukhang ewan?

Alam kong maraming pagbabago ang magaganap.

Lalo pa at dito sa bahay namin nakatira ang ahas na yon.

Wala siyang utang na loob.

Wala na akong maibibigay sa kanya kundi pasakit ngayon.

Magdudusa siya.

Ahas ka Jane.

Manluluko ka Mike.

May Happy Ending kaya?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon