Toby (Chapter 2)
-------------
"Come. Join us. Kain na. Marami tayong pag uusapan." Tapos bumaba na si mama Sumasayaw sayaw pa pababa ng hagdan. Tuwang tuwa. Tsss.
"May kinalaman ka ba dito?" Nang gagalaiti kong tanong kay Ryan nung naka baba na si mama.
"Wala!" Tapos natawa siya. "Seryoso. Gulat na gulat nga rin ako kanina." Tapos tumawa nanaman siya.
"Okay. Devin. Ako na bahala mamaya. Sorry. Maaayos to." Tapos bumaba na kaming tatlo.
"Finally. Come! Join us!" Pag aanyaya ni papa habang papalapit kami sa Dinning area.
"Pa? San mo naman nakuha ang Idea na Gf ko si Dev?" Agad kong tanong kahit di pako nakaka rating sa Hapag.
"Nak. Alam ko na yan. Nagawa ko na yan dati." Tapos cool na cool lang niyang pinapa luwang ang neck tie niya at sa pag a-unbotton ng sleeves niya.
"Ang lalim ng imahinasyon mo Pa. Para kang bata." Naiinis na sabi ko.
"Nak. Huwag mo ngang ikahiya yang Girlfriend mo at nakaka sakit ka. Okay ka lang ba hija?" Sabi ni mama sabay baling ng tingin kay Dev. Nakita kong iba ang ngiti ni Dev.
"Okay lang po ako tita. Sanay naman na po ako sa BOYFRIEND ko." Wait. WHAAAAT?!
"SEE?! Anak naman. Walang sikretong di nabubunyag. Alam kong nag hahanap ka lang ng tyempo. Kaya nga pinapadali na namin sayo ng mama mo." Tuwang tuwang sabi ni papa. Habang si mama naman ay maluha luha namang nilapitan si Dev.
"Okay lang ako Tita." Mahinhin na sabi ni Devil, ay este Devin. Putanggala tong babaeng to. Ano bang nais neto't kakalbuhin ko na ngayon din.
"Oh, please. Mama nalang." Tapos hinawakan ni mama sa braso ang demonyo.
Nanggagalaiti kong tinitigan ang Gaga at nag iisip nang pwedeng gawin sakanya. So far, electricution ang pinaka magandang naiisip ko.
"Kumain ka lang GIRLFRIEND para may pag kuhanan ka ng lakas mo." Gusto mo nang laro? Game.
"Okay nako BOYFRIEND, busog nako sa pag ibig mo." Putanggala. Nakita kong nasamid si Ryan dahil natawa siya na dali dali ko namang pinandilatan ng mata.
"Oo nga pala. Sarap kong mag mahal no? Mas sarap pa yan. Abangan mo lang." Bumaling naman ang tingin ko sa parents ko na parang Kinakantahan nang MGA ANGHEL SA LANGIT. Napa sign of the Cross pa si mama ko sa sobrang tuwa.
"Lagi mo akong sinu-surpresa ng pag mamahal mo." Kumikislap ang mga mata niya. Bumaling naman siya nang tingin kila mama na parang nanalo sa lotto. "Siya nga pala Tit... Mama, anniversary pala namin ngayon. Ngayon din kasi namin dapat aaminin sainyo ni boyfriend (Lingon sakin) na kami na. Natatakot lang kasi siya na baka di niyo ako tanggapin." ANGKAPAL TALAGA NG GILAGID NG WALANG HIYANG HALIPAROT AT MAKATING GARAPATANG ULUL NA PARANG NATURUKAN NG SANGKATERBANG ANESTHESIA NA SANHI NG PAGKA-MANHID NA ANG UTAK NA DI NA GUMAGANA DAHIL SA PUROL. LANGYANG KUMAG TO! PUTANGGALA!
"What? You're Perfect dear one. Nasayo na ata lahat. Ganda, talino. Walang dahilan para ayawan ko. Kaya nga nagustuhan ka nang anak ko e. Mataas paman din ang standards ng anak ko sa babae. Kaya bihira magka gf." Si mama. Natahimik ako. Wala talo na. "Bakit di mo naman sinabi samin Ryan?" dagdag niya.
Yeah. Nasakanya na lahat. Kalandian, assuming, feeling, haliparot! Arrrgh.
BINABASA MO ANG
The Stalwart (Para sa mga LGBT)
Random"Be who you are, be true to yourself, it's okay to be REAL NOBODY than to be SOMEBODY Behind the mask. People might Judge you, others might pull you down, but as long as your conscience is Clean, Remember The Big Guy above, he is Watching you, SMILI...