Useless ang yaman, talino at kung ano-anong ari arian, kahit nasaiyo na lahat ng bagay sa mundo, kung 'di ka naman NAKALANTAD, Wala rin, malungkot ka parin.
-----------------
"Ay nako Tobs. Mahirap talaga yang pinaplano mo. Seryoso ka ba talaga sa gagawin mo?" Ani Ryan Eugenio. Bespren ko.
"Ito nalang ang naiisip kong paraan e. Ayaw ko pang mag pakasal. At mas ayaw ko naman sa Arranged Marriage. Ang hirap na talaga ng sitwasyon ko ngayon." Halos mabasag na ulo ko kakaisip.
"Jusko! Dalawa lang ang option mo, una, Umamin kang DARNA ang iyong puso at maaring mabugbog ka, mahighblood parents mo o di naman kaya mapalayas ka. Or, ituloy mo lang ang pag tatago sa maskara at mag pakasal sa di mo kilala and then, pwede ko nang ipag sigawan na, "And they lived Happily Ever after". Pili ka." Ang gulo din nitong si Ryan. Bespren ko ba talaga to at parang gusto akong pahirapan lalo.
"Wala bang 3rd option?" Hoping na sana nga meron. Na sana ang 3rd option e pwede ako tumawid sa Parallel Universe kalimutan ang lahat. The end. Fin. Tapos.
"Ganun ba talaga kahirap para umamin ka na bakla ka?" Tanong niya.
"Akala mo ba ganun lang kadali ang tumayo sa harap tapos sasabihin na. "Hi ma, pa. Dalaga po ang Junjun niyo. Lalaki po gusto ko. Konting support naman diyan." Akala mo madali?" Argh. Ang hirap naman kasi neto. Ano naman kaya sasabihin sakin ng relatives ko. Nag iisang anak, successor ng kampanya. Bakla pala. Di-ef. Sarap mabuhay. "O, bakit ganyan ka makatingin? Creepy mo!" Sabay batok ko sakanya. Naka ngisi ang loko. Problema ng lalaking to?
"Wala. Iniisip ko lang kung san ka pupulutin pag nagkataon." Sabay tawa niya. Langya. Ang laking tulong ng bespren ko sakin. Lesson: never kang humingi ng tulong sa kaibagan mo. Mga non sense ek ek lang ang maaari mong mapulot. Mapapa lala pa ang sitwasyon.
"Malamang, sa unit mo. Dun nalang siguro muna ako kung sakali." Ako.
"Sus. Baka ma-rape pako ng wala sa oras. Ayaw kong maitali at mag ka anak ng maaga." Tatawa tawa pa ang loko!
"As if namang mabubuntis moko!" Sinakyan ko nalang ang joke niya kasi nga alam kong wala nang patutunguhan ang usapan nato.
"Aba. Wag mo sabihing may pag nanasa ka sakin. Dapat na ba kitang layuan?" Dan.
"Sabihan mo lang ako kung kelan ako tatawa. Para naman di masayang yung laway mo't kanina ka pa dumadada." Asar na sabi ko.
"Seryoso na. Isang tanong, isang sagot. Bakla ka ba... ay mali, Lalaki ka ba?" Tanong niya. Seryoso. Mas mahirap pala na tanong ang "lalaki ka ba?" Kesa "Bakla ka ba?" Kasi yung pangalawa e naitanong na ata sa lahat ng bakla. Most asked question na nga ata e. Pwede mo lang naman kasing sagutin na hindi. Tapos! Pero kapag "lalaki ka ba?" Di mo naman pwedeng sagutin na "hindi." At mas lalo namang di mo pwedeng sagutin ng "oo". Napaka laking "weeeeeh?" Lang ang maririnig mo. Malamang. Di naman kasi nila itatanong sayo yan kung di sila confused sayo diba?
"Huy! Ano na?" Tanong niya ulit.
"Pass." Kako. Ang hirap naman neto. Mas mahirap pa sa thesis.
BINABASA MO ANG
The Stalwart (Para sa mga LGBT)
De Todo"Be who you are, be true to yourself, it's okay to be REAL NOBODY than to be SOMEBODY Behind the mask. People might Judge you, others might pull you down, but as long as your conscience is Clean, Remember The Big Guy above, he is Watching you, SMILI...