Chapter 2

109 6 1
                                    

A/N:

Hello po ulit...

Thanks for reading this story...

BTW, first part pa lang 'to...

Marami pang mangyayari kaya wait lang po... hehe...

Marami pang tawanan at kilig scenes...

At yung picture sa right------->

hehe... yan yung... sige basahin nyo na lang...

So, BTW, yung girl na kasama si Sulli yan yung Bestfriend niya...

And, yeah, yun lang...

Thanks po! ^____^

P.S. 

Sorry kung short lang yung chap na toh.

_____________________________________________________________________

Hay...

Hindi pa ako naka-get over sa dreams ko....

Hihihihi...

Akalain mo nga naman, ako yung pinakaunang nakatapos sa test namin, tapos ako pa ang pinakahuling nakasubmit ng testpaper...

Kaloka ng buhay...

At bukas na irerelease yung results...

^___^

Wala lang, excited lang.

Hindi ba pwede?

At oo nga pala...

Malapit na grad namin....

Ay, hindi pala grad... yung end of classes lang pala... ^___^

Sorry tao lang po....

Hihihi... kala nyo kung sinong 4th year na ako....

First Year pa lang ata 'to, no.

First Year pero isip batang makulit....

That's me!

Mga ilang weeks na lang....

I will leave this school... ah, este, university.

Ewan ko ba, pero pag 2nd year ko raw, lipat na ako sa American Sosyales University....

Ah, basta, di ko maalala yung pangalan...

Yung natatandaan ko lang, pangalan pa lang, sossy na... 

Tapos nung pinakita ni Parents yung pics ng loob ng university...

Ay, ewan.

Di ko ma explain... ^__^

Grabe... parang yung mga sosyal at mayayaman lang yung pwede dun....

Ay, sori... mayaman nga pala kami.

Pero kahit ganoon, pinalaki ako nina parents nang hindi "spoiled"

Bata pa lang ako, tinuruan na ako nilang magtipid and stuf, kaya, ayun...

Marunong akong tumipid.

hehe. Joke. 

Dahil doon, hindi ako yung mga gastanggerang shopping lang ang alam sa buhay.

Hindi rin ako mayabang na pinapakita sa lahat yung 1000 everyday na baon nila.

At mas lalong hindi ako yung taong nanglilibre ng buong barangay para ipaalam sa lahat na marami kaming pera.

At... hindi ako yung taong tamad mag-aral dahil sa kaalamang hindi na kailangan ang edukasyon sapagkat mayaman na kami.

Hindi ako isang mayamang taong laki sa yaman.

Ang gulo-gulo, no?

haha. 

Huwag mo nang intindihin...

BTW, andito na pala kami sa canteen.

"Bes, anong masarap kainin dito?"

"Eto, o. Ah, eto. Hindi, eto. Eto na lang, o. Ay, hindi eto. Hindi yan eh, eto. Ay! Eto, eto, masarap to. At eto rin. Ay, mali, e---"

"Ako na nga lang ang pipili. Psh."

"Ate, isang Piattos, isang PikNik, isang Mr. Chips, isang Chippy... yung malaki, ha, tapos tatlong Happy, isang Rinbee, isang hotdog on bun, ias ring hotdog on stick, tapos.... hmmmm...."

Ano pa kaya?

Andami na yata nga nakuha ko, eh.

Ay! Oo nga pala, DRINKS!

"At isa ring Mogu-mogu. ^___^"

Tinignan ako ni ate sa canteen.

O____O

Tapos tinignan o yung lahat ng pinamili ko.

"M-magkano ho lahat?"

"Ah, eh...." *kuha ng calculator*

"Kung alam ko lang presyo ng mga to, ni-mental math ko na yan eh...." bulong ko sa sarili.... -___-

"Uhm, ah,  155 lahat."

K. P155.

Wait....

"ONE HUNDRED FIFTY FIVE PESOS??????!!!!!!!!" 

(A/N: Uy, hindi hula yan, ha, sinolve ko talaga yan, kala nyo.... ^___^)

Binayaran ko.

O______________O

 "Hindi mo man lang babawasan?" Tanong ni Ate.

"Ay, hehe, huwag po kayong mag-alala Ate, mauubos ko, to. Ako pa!"

At, hindi lang pala si Ate yung nakatingin.

Lahat ng bumibili.

"Uy, bes, ok ka lang? Kaya mo ba?"

" EH IKAW NAMAN KASI, EH! TINATANONG KITA KUNG ALIN YUNG MASARAP? EH ANDAMI MONG PINILI! NACONFUSE TULOY AKO! EDI LAHAT BINILI KO!!!!!!" 

O.o

"Ah, e, ganoon pala? Ah, edi, kunin mo na... ah, hehe... uhm, A-Ate, pa plastic na lang po, ah, hehe, sige, alis na kami... halika na!" sabay hila sa akin.

Pagdating sa table, doon ko lang narealize.

 ...

Hindi ko mauubos toh. T^T

You Were Just A DreamTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon