Isa ako sa mga taong nangangarap na mapasakin sya kahit na alam ko na pag mamay-ari na sya ng iba. Hindi naman ako martir pero sabi nga kung mahal mo sya ipag laban mo pero sabi din nga nila ano ang ipag lalaban mo kung ikaw lang ang lumalaban. Pero kung ako ang tatanungin mahal ko sya kaya ipag lalaban sya. Kahit na bestfriend ko pa ang mahal nya.
Masakit man na nakikita ko silang mag kasama at kahit paulit ulit akong nasasaktan kinakaya ko dahil mahal ko sya. Oo , isa akong ahas na kaibigan mahal ko ang mahal nya pero mahal ko rin ang bestfriend ko sa sitwasyon kong ito napaka hirap. Ito lang ang tangi kung masasabi ngayon sa bestfriend ko Ella I'm so sorry.
Isang malakas na sampal ang dumampi sa pisngi ko. Hindi ko mapigilan na tumulo luha ko. Sa tagal ng panahon na tinago ko ang raramdaman ko ngayon this is the end tapos na ang lahat, lahat ng pag papanggap.
Best sorry ang tanging lumabas sa bibig ko. Tinapon niya sa harapan ko ang isang album na may mga pictures. Bago sya umalis sinabi nya na " Kaya nga bestfriend dahil ikaw na pinaka best sa lahat ng kaibigan pero ikaw din pala ang sisira sa pag kakaibigan natin" mahinhin nyang sabi sakin.
Kahit na ganun ang pag kasabi nya tumagos sa puso ko ang mga salitang sinabi nya. Hindi ko alam kung nakita nya yung ibibigay ko sanang regalo kay Edric kaso nakita ko nag bigay ng regalo si Ella wala ng silbi ang regalo ko dahil ano pa ang silbi ng regalo kung ibibigay ko pa.
Biglang bumalik si Ella at niyakap nya ako ramdam ko ang buntong hininga at pinipigilan nyang umiyak. Bakit ba ang bait bait nya kahit na sinaktan ko sya. Nag smile sya sa akin bago umalis.
Hindi ko maintindihan bakit ganun napaka bait nya pa nya din.Nag text sya sa akin mag kita daw kami bukas ng umaga.
8:30 am nag kita kami kung saan sinabi niyang lugar. Nung nag kita kami kala mo walang nang yari kagabi balik normal ulit nag sorry pa sya sa akin dahil nasampal nya ako kagabi nabigla lang daw sya sa nalaman nya.
Pumunta kami sa mall pinamili nya ako ng mga damit. Baguhin ko na daw ang style ko sa pananamit nahuhuli na daw ako sa uso kaya wala daw nag kakagusto sa akin.
Pag tapos pumunta naman kaming salon pinaayos nya buhok ko lahat lahat na yata pinabago sakin. Hindi ko alam may blind date pala ako. Nag set sya ng date para sakin alam ko kung bakit nya ginagawa ito nilalayo nya ako kay Edick kaya sinasakyan ko na lang. Pero kahit na anong gawin ko bakit ganun lalo akong nag kakagusto sa kanya kahit pigilan ko. Gusto ko man lumayo at mapag-isa pinag tatagpo at pinag tatagpo pa rin kaming tatlo. Lumalayo na nga ako para hindi masaktan pero parang pinag tatagpo talaga kami ng tadhana. Kaya hindi ko mapigilan na mag kagusto sa kanya. Si Edrick mag kaibigan parents namin kaya nag kakilala kami naging malapit kami sa isa't isa pero hindi ko alam mag kakagusto ako sa kanya. Dahil mag kaibigan kami pinakilala ko si Ella sa kanya naging matalik kaming mag kaibigang tatlo. Dumating sa punto na hindi ko inaasahan na nag patulong manligaw si Edrick sakin una nag assume ako na ako yung liligawan nya kunwari nag papatulong sya sa akin para hindi ko malaman pero hindi pala ako yun.
Sobra akong nasaktan sa nangyari. Nag patuloy pa rin ang pag kakaibigan namin kaya patuloy din akong nasasaktan. Umabot sila ng weeks,months, at years saksi ako sa pag mamahalan nila kung may tampuhan sila ako nilalapitan.Gusto ko sya na mapasakin kaso may nag mamay ari na. Tulad na lang ngayon 3rd anniversary na nila kaya nag papatulong sakin si Edick. Ang sakit kasi nakikita na talagang mahal nya si Ella at marinig mo mismo sa kanya " hindi ko kaya na mawala sa akin si Ella mahal na mahal ko sya " ang sakit sumikip talaga ang dibdib.
Mag kasama ulit kaming tatlo nag si celebrate ng 3rd anniversary nila bakit ba kailangan nila akong isama alam naman ni Ella na masasaktan lang ako.
" Jacky wag kang mag alala yung kadate mo parating na " sabi ni Ella.
May kadate si Jacky ? tanong ni Edrick
BINABASA MO ANG
Because I'm Stupid
RomanceSa isang palabas may bida at kontrabida. Pero maari bang maging bida ang kontrabida sa palabas? Sa buhay natin tayo ang bida pero minsan nagiging kontrabida tayo kahit ayaw natin lalo na kung gusto nila ang isang tao. Ako si Jacky Fuentes na nangang...