Okay guys ready naba lahat ng gamit nyo siguraduhin nyo na walang naiwan. --- Aira
Lahat atat ng umalis. Wala muna kaming trabaho ngayon dayoff namin sa trabaho. Nag organize si Hyun ng outing.
Andyan na yung sasakyan sigaw ng isang kasamahan namin.
Nag sisakayan na lahat. Sa likod kami naka upong apat si Aira, si Michael, si Hyun at ako . Si Edrick hindi sumama aalagan nya na lang daw si Ella hindi halatang excited ng maging ama. Hindi naman masyadong mahaba ang naging byahe namin pag dating namin dun nag sibabaan agad sila. Si Michael hindi halatang excited mag swimming pagbaba pa lang sa sasakyan dala na agad ang salbabida. Si Aira palong palo sa suot nya at ako excited ng mamingwit ng isda kaya nga pag kababa ko agad sa sasakyan una kong kinuha ang pamingwit.
Lahat sila naliligo na si Hyun hindi ko alam kong asan baka nag papahinga.
Namingwit na ako.
Mga nakaka lahating oras na yata akong namimingwit wala pa rin akong nahuhuling isda naiinip na ako. Baka naman walang isda dito,
tumayo na ako para ayusin ang gamit kong dala may dumating na isang lalaki namingwit din.Hindi pa nag tatagal may nahuli na agad. Bumalik ulit ako.
Ba't ganun wala pa rin akong nahuhuling isda yung lalaki nakaka lima na yata ako wala pa rin. Maya maya ramdam ko na parang may humihila kaya tuwang tuwa ako sa wakas naka huli rin. Tinaas ko na yung pamingwit ko para kunin yung isa biglang nalaglag ulit sa tubig.Kamalas malasan naman oh! Ayoko na suko na ako! Paalis na ako ng tinawag ako nung lalaki binigyan nya ako ng isang pirasong isda kinuha ko agad at umalis na ako.
Pag dating ko nilinisan ko agad yung isda tapos niluto ko. Habang kumakain ako si Hyun dumaan hindi manlang ako pinansin. Pag tapos kong kumain pumunta ako sa tabing dagat at umupo pinanonood ko sila.
Yung iba kong mga katrabahong lalaki kapag may dumadaan na chix todo papogi at nilalabas yung muscle kahit wala naman hindi naman sila pinapansin. Teka ano itong nakikita ko "Aichel loveteam" ang sweet nila kinuha ko ang cellphone ko at pinicturan sila.
Nice perfect shot.7 pm na kaya nasa loob na sila at nag papahinga pumasok na rin ako .
Pag pasok ko sa kwarto humiga na ako ng lumapit sa akin si Aira." Sikip na kami dito tingnan mo lima na kami dito sa iba kana lang " pinag tulungan nila ako tinataboy ako talagang pinaalis ako nila. Bat ganun sila ngayon ang susungit pati Hyun hindi namamansin.
Hala wala akong mapuntahan. Yung iba puro lalaki naman kaya hindi pwede makitulog sa kanila. Kung kay Hyun naman... wag ayoko galit yata sakin yun. Hindi ko alam kong saan ako pupunta kaya pumunta na lang ako sa tabing dagat.
Habang nag lalakad ako naka salubong ko yung lalaki kanina.
Naka smile sya sa akin kaya nag smile na rin ako sa kanya. Nag kwentuhan kami siguro tumagal ng isang oras. Mabait sya. Malalim na ang gabi kaya nag paalam na rin ako sa kanya. Saan nga pala ako matutulog?Wala akong matulugan kaya sa kubo na lang ako natulog.
POV: Hyun
Saan kaya natulog ang babaeng yun?
Wala sa kwarto nina Aira imposoble naman na matulog siya kasama ang mga lalaki.Umalis agad pumunta ako sa kwarto ng boys hinanap ko wala naman sya dun saan naman yun pupunta.
Nag lakad lakad ako hanggang sa nakarating ako sa kubo may nakita akong parang tao na natutulog nilapitan ko si Jacky. Bat dito natutulog ang babaeng to' ang lamig kaya kung mag kasakit sya!Nakita ko sya na nilalamig sya kaya hinubad ko yung jacket kong suot at sinuot ko sa kanya.
POV:Jacky
Hmmm ahh ang sarap ng tulog ko.
Diretso nag hilamos na ako at nag toothbrush napahinto ako bigla naalala ko sa kubo ako natulog bakit andito ako ngayon at kanino itong suot ko?Pagtapos ko lumabas na ako nakita ko silang kumakain na kaya kumain na rin ako. Tumingin ako kay Hyun busy sa pag kain umalis na lang ako iniwan ko yung pagkain ko. Nagulat na lang sila bakit daw ako umalis at iniwan ko yung pag kain ko.
Sino ba naman ang hindi mapipikon kahapon pa ganyan yan e hindi man lang namamansin ano ba ang ginawa ko para hindi nya ako pansinin ng ganto!Sinipa ko yung lata. " Aray" narinig kong sabi napalingon ako.
Si Alsen pala.
Anong meron at umagang umaga naka simangot ka kagabi pa yan tanong nya sa akin." Kasi naman si Hyun kahapon pa sya hindi ako pinapansin wala naman akong ginagawang masama sa kanya bat ganun sya nakaka asar!"
Boyfriend mo? Manliligaw? Aswa?
Oa naman ito asawa agad mukha ba akong may asawa. Single ako single since birth.
Bakit hindi mo sya kausapin tanungin mo bakit hindi ka nya kinaka usap. Baka naman may dahilan sya kaya ginawa nya yun.
Lahat ng bagay may dahilan.Pag tapos naming mag usap pumasok ako sa loob naabutan ko silang nag kukwentuhan.
" Hyun Lee mag usap tayo ngayon na! " tapos umalis agad ako sumunod sya sa akin.
Anong meron sayo at bakit hindi mo ako pinapansin kahapon kapa! pasigaw kong sabi sa kanya.
Tahimik lang sya at naka tingin sa akin. Nakakapikon na!
Wala lang trip ko lang nakangiti nyang sagot sa akin.
Ano trip lang nya?! Ano ito lokohan?!
" Saka...nakita kita kasi kahapon may kasama kang lalaki ang sweet nyo kaya nag selos ako "
Sweet? Anong sweet dun binigyan lang ako ng isang pirasong isda sweet na agad ano kaya yun! Ang weird nya ngayon nakaka panibago sya.
POV: Michael
Nag aaway ba sila?
POV: Aira
Oo nga parang nag aaway sila tingnan mo si Jacky galit.
Girl 1
Parang hindi naman ganyan lang siguro sila mag lambingan.
Nakalagulat naman ito bigla bigla na lang sumusulpot. Dun kana nga chismisa. Akala mo hindi rin kami chismosa sa lagay na ito.
POV: Hyun
Sorry na nag selos lang talaga ako.
Hinawakan nya ang pisngi ko tapos niyakap nya ako. Ayos sulit dapat pala magalit ako lagi ako sa kanya.
BINABASA MO ANG
Because I'm Stupid
RomansaSa isang palabas may bida at kontrabida. Pero maari bang maging bida ang kontrabida sa palabas? Sa buhay natin tayo ang bida pero minsan nagiging kontrabida tayo kahit ayaw natin lalo na kung gusto nila ang isang tao. Ako si Jacky Fuentes na nangang...