Ngayon masasabi ko na matatag na ako kaya ko na silang harapin at titigan na hindi pumapatak ang aking luha. Sa kabilang banda nasasaktan pa din ako pero hindi na gaanong kasakit.
Si Randell bumalik na sa Pilipinas kasama ang girlfriend nya may balak na din yata mag pakasal.
At si Hyun tinawagan ng kanyang mommy at pinababalik sa kanila.
Sabi hindi daw nya ako iiwan pero iniwan nya ako. Mag tatatlong buwan na sya dun.Ako? Sa wakas na promote din. Binuhos ko lahat ng oras ko sa trabaho at nag sipag talaga ako.
Achievement ko to'. Si Hyun hindi man lang nag rereplay sa mga text ko kahit " hi" "hello" lang. KAASAR!Pumunta sa harapan ang manager namin at nag salita.
" Finally makikilala na natin ang bago nating boss please welcome Hyun Lee "
Hyun Lee mahina kong sabi at bigla akong napatayo. Tumingin sya sa akin nag smile at nag wave ng kamay.
Habang nag sasalita ang manager namin nag ring ang cellphone ni Hyun.
" Hello baby" narinig kong sabi nya habang ako sinusundan ko sya ng tingin.
Baby? Akala ko ba kayo bakit sino yung katawagan nyang baby.? tanong ni Michael sa akin.
Tumigil ka nga dyan!!
Break na pala kayo bakit hindi mo sinabi dagdag ni Aira.
Nakaka pikon a! Yun pala ang pinag kaabalahan nya dun. Kaya hindi na nag titext!
Break time namin kasama kong kumakain sina Michael at Aira. Lumapit sa amin si Hyun at ito namang dalawa lumipat ng pwesto pinipigilan ko na nga halos mapunit na ang damit ni Michael sa higpit ng pag kahawak ko wala pa rin akong nagawa.
Tahimik akong kumakain hindi ako tumitingin sa kanya. Tapos sina Michael at Aira pasimple pang tumitingin.
Ba't ka naka simangot sabay hawak sa dalawa kong pisngi.
Hinawi ko bigla ang kamay nya. Nagulat sya sa ginawa ko.
" Galit kaba sa sakin ?" tanong nya.
Sorry na. Sorry natagalan ako hindi ko naman kasi alam na marami pala akong gagawin at inayos na papeles.
Sorry na.Ewan ko sayo mag sama kayo ng baby mo!
Baby? bigla syang tumawa ng malakas. Teka yun ba ang ikinagagalit mo ? tumawa ulit sya.
Nag seselos ka nu?Akala yata nito nakiki pagbiruan ako. Geh tawa lang! Tumahimik sya bigla at pinipigilan ang pag tawa habang naluluha ang mata. Ano kaya ang nakaka tawa sa sinabi ko at halos maiyak na sya sa pag tawa.
Narinig mo pala kanina. Yung baby na kausap ko kanina kapatid ko yun. K-a-p-a-t-i-d ko sa ina may anak sya si Babylyn ang pangalan at nickname nya baby okay na?.
Nag seselos ka yata e pang aasar nya sa akin.Ahh ganun ba. sagot ko.
Parang may nag bago sayo. Yung porma mo at yung buhok mo may kulay. Ibang iba ang dating mo ngayon dagdag kong sabi.Kinuha ko yung cellphone ko kunwari may nag text tapos nilagay ko sa camera . Naka smile sya kaya pinicturan ko sya pag shot ko biglang tumunog. Epic! Hindi ko na silent.
Naka front camera ito sabay kong sabi para lang mailusot.
Oh ba't ka nag papaliwanag sa akin.
Okay lang naman ng mag selfie ka pati bakit ka natataranta.?Hindi wala akala ko kasi alam mo na kinuhaan kita ng pictur... napa stop ako sa sinasabi ko. Umalis na lang ako bigla nakaka hiya ka Jacky stolen shot na nga lang gagawin mo hindi mo pa inalisan ng sound. Bumalik na ako sa trabaho.
Hoo!! pinag pawisan ako dun.
8 pm pauwi na ako galing sa trabaho at nag aabang ng masasakyan. Dumaan ang kotse ni Hyun kunwari hindi ko nakita naka tingin ako sa malayo napansin kong nag stop ang kotse nya sa harapan ko at bumukas ang bintana.
" Sakay na sabi nya "
Hindi na mag aabang na lang ako ng taxi sagot ko sa kanya.
" Sumakay kana sabi nya ulit"
Dali dali naman akong sumakay.
" Hindi ba nakakahiya parang pinag mumukha mo akong driver sabi nya sa akin "
Lumipat ako ng pwesto. Sa tabi nya.
Yan okay na sabi nya tapos hinawakan nya ang kamay ko. Namiss kita.
Ako rin maikli kong sagot.
Hinatid nya ako sa bahay pag katapos umalis na sya. Nagulat ako ng bigla nya akong hinalikan. Bye. Goodnight. Sabi nya tapos sumakay na sya sa kotse.
Naiwan akong tulala sa labas ng gate. Tapos nung malayo na sya nag tatalon ako.
" Hoy masyado ka namang kinikilig dyan "
Pag tingin ko si Hyun naka tingin sakin nasa loob sya ng kotse tapos bukas ang bintana. Akala ko naka alis na sya ibang kotse pala yung nakita.
Napilitan na lang akong ngumiti tapos dahan dahang umikot at pumasok sya loob. Naman Jacky nakaka dalawa kana.
May na receive akong text.
Wag kang masyadong kiligin baka anong mangyari sayo :).
Hmm. Nakaka hiya ang mga ginagawa mo Jacky. Dapat swabe lang.
Kumain na ako at natulog.
Pero hindi ako maka tulog sobrang init naka number 3 na nga yung electricfan ang init pa rin. Bumaba ako para uminom ng tubig ayon sa wakas umayos na din ang paki ramdam ko. Bumalik na ako sa higaan tapos nag basa muna ako ng mga message ngayon ko lang napansin pareho ang format ng text ni Hyun at nung unknown number. Siguro sya rin yun. Hindi kasi ako mahilig mag erase ng mga messages.
Balik normal na pala ang friendship naming tatlo. Okay na kami . Malaki na ang tyan ni Ella kaya nag leave na muna sya sa trabaho minsan dinadalaw ko sya sa new house nila talagang ready na sya sa panganganak nya. Gusto ni Edrick girl gusto naman ni Ella boy kaya minsan nag tatalo sila sa napaka liit na bagay pero kong ako ang tatanungin kong anong gusto kong maging anak ni Ella kambal girl and boy para tumigil na itong dalawa sa pag babangayan. Pinag lihian ba naman ako ni Ella sabagay cute naman ako kaya pwede na.
BINABASA MO ANG
Because I'm Stupid
RomantizmSa isang palabas may bida at kontrabida. Pero maari bang maging bida ang kontrabida sa palabas? Sa buhay natin tayo ang bida pero minsan nagiging kontrabida tayo kahit ayaw natin lalo na kung gusto nila ang isang tao. Ako si Jacky Fuentes na nangang...