Chapter 2

23.2K 308 10
                                    

"HINDI naman ako seryoso mga bruha," natatawa na aniya sa mga kaibigan.

Hindi maipaliwanag ang mga mukha, gulat at pagtataka ng mga ito maliban kay Katrina na siguradong hindi isang biro ang sinabi niya dito noong isang araw.

Isang beses pa lang niyang nakita si Miguel at sigurado siya sa sarili niyang mahal na niya ito.

Love at first sight? Talaga bang nararamdaman iyon ng dalawang taong isang beses pa lang na nagkita? Mas tamang siya lang ang tinamaan sa binata.

Hindi niya gustong bigyan ng pansin at wag paniwalaan ang sarili sa nararamdaman pero iba ang tibok ng puso niya sa tuwing maiisip si Miguel at kahit banggitin o marinig lang ang pangalan ng binata.

Pasado alas-otso na ng umaga at nasa paboritong tambayan na sila, sa Café kung saan malapit ang bahay ni Christine. Wala ngayon ito dahil nasa trabaho.

Ramdam niya ang lamig sa coffee shop dala ng aircon, may mangilan-ngilan na ding kapwa customer sa nasabing cafè. Ang sarap magising ng umaga lalo pa't tatambay sa coffee shop kasama ang mga kaibigan buti nga't napapayag niya ang mga ito na makipagkita sa kanya ngayon.

Dalawang araw na simula ng makita at makilala niya si Miguel sa bahay ni Katrina.

Dalawang araw na rin siyang hindi pinapatulog ng binata dahil iniisip niya kung kailan niya ulit makikita ang lalaki. At kapag nangyari iyon kailangan niyang i-handa ang sarili kung sakaling bumaling ang atensyon sa kanya nito ay hindi na siya magpa-pakipot.

"Walang hilig si Miguel sa mga babae," wika ni Misha maya-maya. Prente itong nakasandal sa likod ng inuupuan.

Kunot-noo na napauklo siya ng bahagya upang mapalapit ng kaunti dito. "K-kilala mo talaga siya?" tanong niya marahan na pagtango ang isinagot ni Misha.

Katherine chuckled. "Kaibigan yon ni Deren at Dock malamang kilala ni Misha," umikot ang mga mata ng kambal niya ng matapos sabihin iyon.

Kasalanan niya kung minsan ay nakakalimutan niyang pinsan ni Misha ang mga yon. Wala naman kasi siyang amor sa mga Daomino.

Matagal na palang nage-exist ang isang Miguel Tudao sa paligid niya pero hindi man lang niya napansin.

Anong paglalaro ba ang meron ang tadhana at hindi niya agad nakita ang binata noon. Samantalang konektado pala sa kapatid niya ito dahil kaibigan ng dating nobyo nito na si Deren ito at kaibigan din ng kapatid niya at ni Misha.

"Nasa school si Christine?" muli ay si Misha na iniba ang usapan, saglit pa na sinipat ang relong pambisig na para bang napakahalaga ng oras dito ngayong araw.

"Oo, alam mo naman yon masyadong loyal sa pagta-trabaho, kulang nalang yon ang pakasalan," tumawa si Katherine matapos sabihin iyon.

"Hayaan niyo na si Christine, nagbabalak yon na akitin si Dock 'ah," si Czaira kanina pa hawak ang cup of coffee nito na hindi naman binabawasan.

Misha make a face. "Talaga? Seryoso gusto niya talagang sumapi sa pamilya namin, hoy Kim."

"O?" sagot niya, matapos sumimsim sa frappucino niyang order.

"Ka-trabaho ni Miguel si Christine," si Misha, siya naman ay napakunot-noo saglit matapos nanlaki ang mga mata.

"Teacher siya?" Hindi makapaniwalang tanong niya.

"Professor," pagtatama ni Misha.

"Dapat kasi nagtanong ka na sakin 'nong nasa bahay ka para napigilan yang harot mo kay Miguel," si Katrina.

Narinig naman niya ang pagtawa ni Katherine. "Si Rafael o si Miguel?" anito.

Hindi din talaga normal ang isang 'to, kung hindi lang talaga sila magka-mukha itatanggi niya na kapatid niya ang isang ito.

✔Miguel Tudao | Seducing Series 4Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon