Chapter 19

8.3K 206 21
                                    

"BAKIT niyo kasi hinayaang mag-pambuno yung dalawa?" Narinig ni Kimberlyn na boses ni Deren. Nasa labas siya ng clinic. "Ikaw, Raf. Dapat sayo sinusuntok namin, e. Para maalog yang betlog mong gago ka," dugtong pa nito.

She heard Kristoffer laughed. "Nagpunta ka lang ata dito sa BIP para manuntok. Yung kaibigan natin hindi magising pinatay mo na yata."

Napahinto siya sa sanang muling pagpasok sa loob ng clinic dahil sa narinig.

Nagtaka siya. Why Rafael is with them?

"Bakit kailangan mong puruhan 'tong si Miguel?" Tinig naman iyon ni Cloud.

"Kasalanan ko?" Tumawa ito ng pakla. "Kasalanan ko nanaman. Tang*na ako nanaman yung masama sa paningin niyo. Sinong unang sumuntok? Nakita niyo. Bigla nalang niya akong nilapitan kanina! He punched me straight. Sa mukha ko. Hindi niyo ba nakikita 'tong mukha ko? Maga," mariin na boses ni Rafael at galit.

Napalunok siya. Hindi sigurado kung tutuloy pa ba sa pagpasok sa loob para makita si Miguel.

"Hirap sa inyo ako lagi nakikita niyong may mali. Ako na nga yung sinuntok gumanti lang ako," muli ay boses ni Rafael.

Ayon sa kapatid ni Misha na si Duke ay kanina ang nangyaring suntukan.

Hindi niya alam. Nagulat nalang daw ang mga ito ng bumalik si Miguel sa salo-salo at sinugod si Rafael. Doon na nag-simulang magsuntukan ang dalawa.

"Bagay lang sayo yan. Manunuhog ka kasi," boses iyon ni Dock.

Narinig niyang nagmura si Rafael, may diin sa bawat pagmumura niyon. Narinig din niyang nagtawanan sila Deren. Wala talagang pagbabago si Rafael, laging galit.

Namayani ang katahimikan sa loob. Kinakabahan siya. Naalala niya kasama niya ang mga kaibigan niya.

Nilingon niya ang mga ito.

"Papasok ka ba? O hihintayin muna natin na maghingalo si Miguel, para mataranta ka ulit?" Si Misha iyon.

"Gusto mo i-video call ko nalang si Dock? Tapos videohan nalang si Miguel?" Si Christine na nangingisi.

Si Czaira, Katrina at Katherine ay natawa nalang.

Naghihintay lang din ang mga ito kung papasok ba siya sa loob at susunod ang mga ito. Gusto niyang makita si Miguel, matingnan ang kalagayan nito at bantayan.

Tuluyan na silang pumasok sa loob ng clinic. Clinic daw ito ni Duke Alexander, napasulyap sa gawi ni Rafael, nakayuko ito. Nakaupo sa isang grey sofa. Malalim na ang iniisip may mga pasà rin ito sa mukha.

Nasa sahig ang paningin nito at hindi napansin ang presensiya niya. Nasa tabi naman nito ang babaeng pamilyar sa kanya.

Si Veronica. Ito nga ang kasama ni Rafael noon sa mall. Hawak nito ang isang kamay ni Rafael na may nakapulupot na gasa.

Bakit nandito ang dalawang ito Nag-iwas siya ng tingin sa dalawa ng mapansin ng mga ito na nakatingin siya.

Dumako ang mga mata niya sa kinaroroonan ni Miguel. Dinaluhan niya agad ang binata ng makita. May pasà ito sa mukha at galos.

Nakahiga ito sa isang maliit na kama at ang suot nito kanina ay ang suot din nito sa salo-salo, hindi pa nakapag-palit.

Hinaplos niya ang mukha ng huli. Halos nag-violet na malapit sa mata nito ang pasà.

"Raf, tawag ka ni Vil. Magusap daw kayo," Si Cloud iyon matapos patayin ang ilaw sa screen ng cellphone nito marahil nagtext ang nabanggit nito. "Trina, Babe sama ka sakin," dugtong nito kay Katrina na nakatuon ang paningin, nakangiti.

✔Miguel Tudao | Seducing Series 4Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon