Chapter 2

30 3 6
                                    

“No! No! Please Steve. We can still work this out” hawak-hawak ni Michelle sa may kwelyo si Steven habang umiiyak at nagmamakaawa “Please…” humugot ito ng hininga “Let’s just give it a try” tumulo na ang mga luha niya kaya niyakap niya si Steven.

      Tinanggal niya sa pagkakayakap si Michelle at hinawakan ang dalawang kamay nito. Naawa man siya sa dalaga ay wala na siyang magagawa, mahal niya rin ito ngunit ayaw niyang nakikitang nahihirapan si Michelle.

“Mich, listen to me” hinawakan niya ito sa mukha “I can’t promise you that it’ll work out. Marami na ang hindi nagtatagumpay sa long distance relationship at ayaw kong umasa ka at umasa ako na may patutunguhan pa kahit wala naman na talaga” sambit ni Steven habang pinipigilan ang kanyang mga luha.

“No! No! Steven please I love you so much, please don’t do this to me” patuloy pa rin ito sa pag-iyak “I can’t live without you” patuloy na pagmamakaawa niya rito.

“Michelle, sinasaktan mo lang ang sarili mo” buntong hininga “You’re a strong woman and I know makakaya mo din ito, sabay nating kakayanin” sambit ni Steven

“Don’t you love me anymore?” biglang tanong ni Michelle sa gitna ng pag-iyak niya.

      Matagal bago nakasagot si Stevenat tinitigan lang siya nito. Tumulo na ang mga luha ni Steven na kanina niya pa pinipigilan at ramdam ni Michelle na kahit ito ay nasasaktan din sa mga nangyayare.

     Napagdesisyunan kasi ng pamilya ni Steven na mag migrate sa Australia at doon na manirahan. Masakit man para sa dalawang taong nagmamahalan, ngunit kailangan nila itong gawin dahil ito ang nararapat. Labag sa kalooban ni Steven ang makipaghiwalay kay Michelle ngunit ito lang ang tanging paraan na nakikita niyang mas makakabuti para sakanilang dalawa.

“You know I love you so much” hinawakan niya ang kanang kamay nito “Ikaw lang at wala ng iba kaya nga ayaw kong masaktan ka at umasa na may patutunguhan pa ito sa pag-alis ko” buntong hininga “I want to set you free para masanay ka nanag wala ako… malay mo may lalake pa talagang nakalaan para sayo” pagpapaliwanag ni Steven.

      Niyakap siya ni Steven at niyakap niya rin ito pabalik. Nanatili lang sila sa ganoong posisyon ng ilang minuto. Nang mapansin ni Steven na tumigil na sa pag-iyak si Michelle ay kumalas na siya sa pagkakayakap kay Michelle at binigyan ito ng halik sa noo.

“You take care ok? We can still keep in touch” ngumiti ito “I will miss you Mich” sambit nito.

“I’ll miss you too” sambit nito at kinagat ang kanyang labi upang mapigilan ang pagtulo ng kanyang mga luha.

“So, I guess, this is goodbye” pinisil ni Steven ang mga kamay niya.

     Tumango na lamang si Michelle at yumuko. Ayaw niya man bitawan ang kamay ni Steven ay wala siyang magagawa dahil unti-unti na siya nitong pinapakawalan. Tiningnan niya si Steven habang papalayo na ito sakanya. Nang mawala na ito sakanyang paningin ay umiyak ng umiyak siya na halos hindi na niya ikahinga.

     Sobra siyang nasaktan dahil si Steven ang first love niya. Bata pa lang sila ay magkaibigan na sila at hindi nagtagal ay nagkamabutihan ng magsecond year highschool sila. For almost two years, puro saya at puno ng pagmamahal ang nararanasan nila, kaya napakasakit isipin na darating ang ganitong sitwasyon sa kanilang dalawa.

     Isang paghagod sa likod ang nagpalingon sa kaniya. Nakita niya si Enzo ana hinahagod ang kanyang likod sinyales na pinapatigil na siya nito sa pag-iyak.

 “Stop crying” suway nito kay Michelle “Maga na mga mata mo oh” sambit pa ni Enzo na mas lalo pang ikinaiyak ni Michelle kaya naman niyakap niya na ito.

     Enzo is also her childhood friend. Tatlo sila na magkababata since magkakapit-bahay lang sila. Sabay na lumaki at naging magbestfriends pero mas lamang nga lang si Steven sa puso ni Michelle. Sa tuwing may kailangan si Michelle at wala si Steven sa tabi nito, ay to the rescue agad si Enzo na laging andyan isang tawag lang niya. Hanggang sa naging sila ni Steven ay hindi ito nagbago. Mabuti na lang at hindi siya pinagseselosan ni Steven sa tuwing ito ang umaalalay kay Michelle sa tuwing wala siya. Kampante si Steven kay Enzo kaya hindi niya pinagdudahan ang concern nito kay Michelele.

“I don’t know how to face another day without him Enzo” patuloy na iyak nito. 

”Sssshhh!! You can do it Mich, because you need to do it” sagot ni Enzo

“You know how much I love him Enzo” paused “He’s my life” pinunasan ang kanyang mga luha “Now, tell me Enzo, how can I live without my life?” inis na sambit nit okay Enzo.

“Steven is so lucky having you but he’s not anymore dahil pinakawalan ka niya” sambit ni Enzo habang tinititigan si Michelle.

     Hindi kasi alam ni Michelle na may lihim din ito na pagtingin sa kaniya. Tinago-tago iyon ni Enzo sa takot na masira ang pagkakaibigan nila. Mas lalo niya itong sinarili nang sabihin sa kanya ni Michelle na may pagtingin ito kay Steven.

*Flashback*

     Naglalaro ang magkakaibigang Steven, Michelle at Enzo ng biglang magpaalam si Steven na uuwi muna para magpalit ito ng damit. Naiwan si Michelle at Enzo sa playground, at kitang-kita mi Enzo kung paano titigan ni Michelle si Steven kaya tinawag niya ito.

“Halika na, maglaro na tayo” aya ni Enzo kay Michelle

“I have a confession to make Enzo but don’t you dare tell Steven, ok?” biglang sambit niya.

 “Ok? What is it?” curious na tanong ni Enzo.

 “Don’t you think magagalit si Steven if I like him more than a friend?” inosenteng tanong niya.

       Nabigla man si Enzo sa sinabi ni Michelle ay nagawa pa din niyang umakto nang normal.

 “I…I don’t know!” nabubulol na sambit niya “Why don’t you ask him?” sagot nito.

 “I’m scared maybe he’ll get mad at me” sambit ni Michelle at yumuko.

“I don’t think so! I think he likes you too” sambit ni Enzo na dahilan para mapangiti si Michelle.

         Even before, he always wants to see Michelle smiling, ayaw na ayaw niyang nakikitang nalulungkot ito kaya naman he always made himself the clown boy to let her smile. And now, Michelle was been hurt, so Enzo will do the same things he did in the old times.

Kung Alam Mo Lang (Short Story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon