MY PLEASURE GUILT
CHAPTER 2
Ang tagal naman ng bus, kuya Harold(president supreme student council) sino ba ina-sign mu para sa transpo? Baka gabihin na tayo nyan papuntang venue,,6 hours kaya papuntang Zambales, tanong ko sa president sa SSC president.
Uhhmmm..ayun yung nag share ng idea nung meeting natin ee,yung cute na freshman na president ng BSED 1-B, wait tingnan ko lang sa record, ahh si Mark haha, nagtext na siya malapit na daw yung bus, sagot ni kuya Harold.
Ayan na pala yung bus ee, buti naman at nakarating na kala ko mamumulaklak na kami kakahintay, sigaw ni Lyn.
Rency, buhatin mu na nga tong mga gamit mo..ang dami mo kasing dala par aka namang maglalayas nyan, bilisan mu tabi tayo ahh , aya pa ni Lyn.
Wait, wait wala po munang aakyat sa loob ng bus kasi we have some rules for the activities at dahil teambuilding ang ating gagawin everyone needs to socialized with other officers on other courses at para mangyari yun bubunot ang bawat isa sa inyo ng kulay upang magkaroon ang bawat isa ng partner na makakatabi niyo for the whole trip at makakasama nyo rin sa room dahil good for two person ang na-avail na room ng school naten, malinaw na pagkaka instruct ni kuya Harold.
At bumunot na kaming lahat para magka-partner..
Sinong hindi pa nakakabunot may isa pa dito, tanong ni kuya harold.
At biglang may bumaba sa tricycle nan aka-shades, white shorts and see through t-shirt.
Damn! Si Mark, grabe ang pogi niya talaga lalo pang na-emphasized yung hubog ng matikas at makisig niyang katawandahil sa suot nyang see through t-shirt.
Hi guys! Sorry late ako,ok anung meron? Tanong ni Mark.
Nagbunutan kami ng magiging partner namen for the activity, kunin mo na tong natira kasi late ka na, sagot ni kuya Harold.
Ok guys, buksan nyo na yung mga papel na binunut nyo at may makikita kayong kulay jan, at hanapin nyo yung kapareha ng kulay nyo at sila yung magiging ka partner nyo, wika ni kuya Harold.
Pagbuklat ko ng papel, red yung kulay ng akin.” Nice favorite color ko pa yung napunta sakin, sabi ko sa sarili.
Lyn, anong color sayo? Tanong ko.
Urrggghhh!!!violet… sagot ni lyn.
Hala hindi tayo magkapareha, ang malas mo namang bumunot , tara hanatin yung yung kapareha naten, sabi ko.
Anong kulay ng inyo? Tanong namen sa ibang officer.
Violet anyone? Sigaw ni lyka na classmate Mark.
Me! Sagot ni lyn, ikaw pala partner ko’buti nalang..haha…
Rency, nahanap ko na partner ko, ikaw ba?tanong ni Lyn.
Hindi pa nga e, natanong ko na nga lahat ng officer e, sagot ko.
Weeh? Hindi ka pa kaya nagtatanong sa freshmen. Bilisan mu na at aalis na yung bus. Sabi ni Lyn.