Pilipinas Sa Loob Ng Tatlong Siglo

60 1 0
                                    

Pilipinas, Inang Bayang Sinisinta

Ika'y natatangi, Perlas ng Silangan

Sa iyong ganda'y dayuhan ay nahalina

Tinangkang kamkamin at pagsamantalahan


Unang sumubok espanyang makapangyarihan

Paunang layunin ay krus at espada

Prayle't simabahan pasakit ay karahasan

Alipusta sa Pilipino'y magugunita


Sunod na sumubok mga Amerikano

Mabuting balita,edukasyon ay handog

Subalit tunay na kulay matatanto

Unti-unti lihim na agenda ay nabunyag


Hapones, maituturing na huling nagtangka

Nagsasabing ang Asya'y para sa Asyano

Ngunit hirap at pighati sa pamilya

Naranasan ng bawat pilipino


Di nagtagal mga pilipino'y namulat

Nagising sa katotohanan at nagaklas

Tulad ni Jose Rizal na manunulat

Lupon ng Pilipino't sandatahang lakas


Dumanak ang dugo ng mga pilipino

Buhay inalay ng bayani't ninuno

para sa kalayaang nais matamo

Na hanggang sa kasalukuyan hawak mo


Pasyon At RebolusyonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon