"Santa Clarang pinung-pino, ang pangako ko ay ganito, pagdating ko po sa Ubando, Ay magsasayaw ng pandanggo, Abaruray! abarinding!, ang pangako'y tutuparin!, Abaruray!, abarinding!, ang pangako'y tutuparin!, Santa Clarang pinong-pino, Ako po ay bigyan mo, Ng asawang labintatlo, Sa gastos ay walang reklamo!"
Sayaw sa Obando- isang pasayaw na pagdiriwang ng mga Pilipinong isinasagawa sa Obando, Bulacan, sa pangunguna ng mga Obadenyo. Buwan ng Mayo sa saliw ng tugtugin ng mga instrumentong kawayan. Sinusundan ng mga wangis ng kanilang pinipintakasing santo. Isang pinaniniwalaang ritwal na nagbibigay anak sa mag-asawang hindi nabibiyayaan, ito ay kadalasang pagdadarasal sa pamamagitan ng pagsayaw kay Santa Clara. Ngunit paano kung ito ay walang katotohanan? Maniniwala ka pa ba sa kanya?
Sa liblib na lugar sa Taytay, Rizal isang magkasintahan ang nagkaibigan at nagmamahalan ng halos limang taon na silang nagsasama. Puno ng pangarap at nagnanais ng masayang pamilya sila Romen Castillo na isang binatang tapat na sinisinta si Maria Santos, isang dalagang galing sa pamilyang may masayang at tahimik na pamumuhay.
"Alam mo Romen kapag nagkaanak tayo, gusto ko.. mga lima" pabirong sabi ng Maria kay Romen habang sila na ay nagpaplano sa kanilang nalalapit na kasal,
"Hah? Ang dami naman ng gusto mo Maria, sana kaya natin silang palakihin ng tama" wika ni Romen,
"Oo kaya natin 'yan, basta walang iwanan tayong dalawa, susuportahan natin sila at mamahalin ng walang kapalit" ang sambit naman ni Maria.
Halos ilang buwan din ang kanilang ginawang preparasyon para lamang matupad ang pinapangarap na kasal ng dalawa, ang lahat ay ayos na at ang bawat isa ay handa na. Ngunit sa di inaasahang pangyayari, hindi pa man nagsisimula ang kasal ay ang ama ni Romen ay naaksidente na siyang kinamatay nito. Pinilit dalhin ito sa ospital ngunit hindi rin umabot at binawian na rin ng buhay. Kaya naman napagdesisyonan na lamang ng magkasintahan na itigil muna ang magaganap na kasal at magsama muna sa iisang bahay.
"Pasensya na Maria kung hindi ko natupad ang isa sa mga pangarap mo" paiyak na sabi ni Romen,
"Wag ka ng mag-alala Mahal, walang may kasalanan sa nangyari, hayaan mo't lilipas din ang lahat"
Higit sa walong taon silang nagsama at nagmahalan. Ang walong taon na puno ng pagsubok at kasiyahan. Ngunit tila yata may gumagambala sa kanilang isipan at may kulang sa kanilang pagiging magkasintahan.
"Mahal, ilang taon na tayong nagsasama pero bakit di pa tayo nagkakaanak?" tanong ni Maria kay Romen.
"Iyan nga rin ang pinagtataka ko matagal na, hindi ko din alam kung bakit" sagot ni Romen
Makalipas ang ilang araw ay kumonsulta sila sa doktor, dito sinabing si Romen ay mayroong tinatawag na 'mobility problem', ang dahilan kung bakit hindi sila magkaanak. Ilang taon ding uminom ng fertility drugs si Romen ngunit hanggang sa ngayon ay hindi pa rin ito umeepekto.
Nabalitaan ng magkasintahan ang sayaw sa Obando, Bulacan tuwing ika-18 ng Mayo. Ayon sa paniniwala, sa pagsayaw kay Santa Clara, maaari kayong mabiyayaan ng supling na matagal na nilang gustong makamit. Sa tuwing sasapit ang buwan ng Mayo sila na ay pumupunta sa Obando upang makiisa sa Pista, nagbabakasakali at naniniwalang sa pamamagitan ni Santa Clara ay bibiyayaan ng anak ang dalawa. Walong taon din ang kanilang hinintay, pagod at hirap ang kanilang nadarama. Umaasang sila ay mapagbibigyan at matupad ang isa sa kanilang mga pangarap. Ngunit tila yata mapaglaro ang tadhana,
"Lahat na ginawa natin pero bakit ba pinagkakait satin ang magkaanak" galit nag alit na sigaw ni Maria,
"Maghintay lang tayo ng kaunti, may tamang panahon ang Diyos para diyan" nag-aalalang sagot ni Romen,
"Kailan 'yang tamang panahon na 'yan Romen, kapag ayoko na at hindi ko na kaya. Ngayon pa lang hirap na hirap na ako, lahat na ng pangarap ko nawala ng parang bula, itigil na natin ito Romen, mas mabuti pang maghiwalay na tayo" ang sambit ni Maria,
"Ayoko Maria huwag mo akong iwan, hindi ko kayang mabuhay ng wala ka" ang mangiyak ngiyak na sabi ni Romen,
"Ayoko na, sawang sawa na ako, magsama na kayo ng Diyos at Santa Clara mo, kasalanan niyo itong lahat" pasigaw at puno ng galit na wika ni Maria.
Pumunta muna si Maria sa kanyang magulang at doon muna siya nanuluyan at namahinga pansamantala ng dalawang linggo.
"Mahal na mahal ko si Romen, Inay, mas masakit na mawala siya sa aking piling ngayon" ang sabi ng nagsisising si Maria,
"Kung mahal mo pa din siya anak, balikan mo siya at magsama kayong muli, ituloy ninyo ang naudlot niyong kasal at bumuo muli kayo ng panibagong buhay" ang wika ng kanyang ina.
Sa kadahilanang gusto muling makita ni Maria si Romen, bumalik ito sa Taytay, Rizal. Sa di inaasahang pangyayari, si Romen ay patay na, nagpakamatay ito dahil sa depresyong nadama niya noong iniwan siya ni Maria. Pagka-ulila at puno ng sakit ang nadadama ngayon ni Maria, labis niyang sinisisi ang Diyos at si Santa Clara sa kanyang sinasapit. Bilang ganti dito, siya ay naging palaboy at binenta ang kanyang katawan sa kahit sino mang tao.
"Eto ba Santa Clara ang gusto mong mangyari sa akin, nanampalataya ako sayo at naniwalang bibigyan mo kami ng magandang buhay, pinaasa mo ako na magbabago ang aking buhay, at akala ko mabibigyang sagot ang aking mga pangarap, wala na akong anak tinanggalan mo pa ako ng kasama sa buhay, ang sasama niyo,wala kayong kwenta, kaya humanda kayo sa magiging ganti ko" ang puno ng hinagpis at galit na sabi ni Maria.
Hindi pa man naililibing si Romen ay pinasok ni Maria ang mundo ng prostitusyon. Pinapagamit niya ang kanyang katawan ng libre. Walang nakakaalam ng tungkol dito tanging siya lamang. Isang araw habang siya ay nakikipagtalik, napaduwal siya at sumakit na lamang ang kanyang tiyan, isang sintomas na si Maria ay buntis. Buo niyang akala ang ama nito ay ang kanyang nagiging customer ngunit ng siya ay nagpasuri sa ospital, dito napag-alamang si Romen ang ama ng kanyang magiging anak. Bago pa man umalis si Maria sa piling ni Romen ay nagdadalang-tao na ito, at ngayon ay magiisang buwan na itong buntis. Gumagaling na pala si Romen sa kanyang iniinda nitong sakit. Hindi pa man natatapos ang siyam na buwan, dahil sa kanyang kapabayaan, nawalang pananalig at pagmamahal, siya ay nahawaan ng STD o Sexually Transmitted Disease kaya naman pati ang bata sa sinapupunan ay nadamay din dito na siyang kinamatay nito dahil hindi ito kinaya ng bata.
Ilang buwan din ang lumipas, kasabay na paglubog at pagsibol ng araw ay ang galit na unti unti ng natatabunan at ang puso't isipan ay nababalot ng pagsisisi. Ngunit ang lahat ay mayroon ding hangganan at katapusan para kay Maria.
"O Santa Clara, instrumento ng Diyos upang magkaroon ng kasagutan ang aking mga pangarap. Patawad po sa aking nagawa. Sinubok mo ang aking pananampalataya sa Kanya. Mas lalo mong nilapit ang puso at binukasan ang aking isipan sa Diyos, labis kong pinagsisihan ang lahat-lahat, kayo na po ang bahala sa akin. Diyos na mahabagin, salamat po sa lahat" ang huling wika ni Maria bago kumalat ang sakit sa buo niyang katawan at malagutan ng hininga. Wala ng buhay.