Chapter 5

22 2 0
                                    

AZALEA'S POV

Aray!! Aray! Ano ba? Sino ba yun? Kita nilang natutulog ako eh. Mga walang galang sa matabang tulog. Pano ba naman kase sinusundot sundot yung tagiliran ko ng malakas.

"Ano ba... Bakit ba kayo nanggigising? Ganito ba talaga dito? Hindi uso tulog?" Inaantok ko sabi. Nagmulat ako ng mata at kita ko si An at Althea.

"Ano ba ginagawa niyo dito? Napaka-aga pa kaya!" Sigaw ko sakanila.

"Hoy Lea! Ibangon mo na yang mabigat mong katawan dahil papasok na tayo, gusto mo bang ma late at pagtinginan yang malaki mong kaluluwa?"panlalait ni Anthea. Grabe talaga 'to huhuhu

"Oo na eto na nga tatayo na ako at pupunta na ako sa C.R. at umalis na kayo dito, dun na lang kayo sa baba mag-antay" utos ko sakanila habang naglalakad papuntang c.r.

"Ok ok dalian mo ah. Bababa na lang kami dahil nandun din si Xeno!!! Ohhmaaygahd!! He's so HOT!!"- kinikilig na sabi ni Althea. Malalandi 'tong mga 'to.

Naligo na ako at nagbihis. Maganda ganda din naman 'tong uniform kasyang kasya sa'kin. Nasaharap ako ng isang malaking salamin. Tumaba ata ako. I guess 10kg ang nadagdag. Pataba ako ng pataba. Okay lang 'yan masarap kaya kumain.

Bumaba na ako at umalis na sa bahay. 5 minutes lang nandito na kami sa harap ng gate ng school. Ang laki sobra! Feeling ko isang malaking subdivision ang laki nito eh.

Ayun si Xeno pagbaba ko kanina galing sa kwarto wala na daw siya. Haay jusko bakit ko ba iniisip yung supladong yun!

Pumasok na kami sa isang napakalaking gate.

Grabe ang galing talaga!! OMG!! May isang malaking fountain dito sa gitna. Imbis na semento eh ginawa ba namang yelo kung saan dumadaloy yung tubig. Hindi kaya 'to matunaw? 'Wag kang tanga Azalea!

"OMG!! Ang ganda ng school na 'to S-U-P-E-R!!!! SUPAH!!!" Tili ni Anthea. Parang baliw talaga 'to, muntimang lang. Hindi talaga 'to excited. HINDI TALAGA!!

"Bestie! Alam mo bang dream Academy 'to" sabi ni Althea na tuwang tuwa.

Malaki naman kasi talaga tsaka napakaganda! I don't know how to describe this but I guess as the time passes kaya ko ng i-explain.

May mga students na naglalakad na kasabayan namin. They're talking as if they really really enjoy their companies. Napakapeaceful ng mga tao dito. Makikita mo sa mga ngiti nila na parang wala silang problema sa buhay.

Ngayon nasa hallway na kami papunta sa classroom ko daw. Nagpahatid na ako kasi nga baka maligaw ako. Nasa gilid pa daw kasi yung classroom ko. Bale ang sabi ng dalawa kong kaibigan lagi daw sila dito kapag-umuuwi sila galing sa normal na mundo kaya memorize na nila ang mga pasikot sikot dito. Nasa South East Side 'yung classroom ko daw.

Pinaliwanag nila 'yung mga pasikot-sikot dito. Bale 2 classrooms sa bawat sides. May North-West side, North-East side, South-East side at South-West side. Napakalaki ng academy na 'to. Ngayon lang ako nakakita ng ganito.

Binigyan din nila ako ng mapa para maging si DORA hahaha joke lang. Sa pagitan ng SW side at NW side nandun yung cafeteria.

Sa pagitan naman ng NW side at NE side ay yung mga offices like Headmaster's office, Teacher's Office at Student Councile's pati yung library. Bihira lang daw ang mga taga lower sections na nakakapunta dun sa library at ewan nila kung bakit.

"Az, andito na tayo. Kita na lang tayo sa canteen mamaya. Okay?"sabi ni Althea. Nandito na pala kami sa tapat ng classroom ko.

"Oo na sige na! Babooohh!!" Pagpapaalam ko sakanila.

Aera Academy: The Lost AngelTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon