Chapter 8

7 0 0
                                    

Azalea's POV

Reading this book I've got from the library last night. ughhh ang sakit kaya sa ulo!

"Telekinesis is the most powerful ability that anyone can have. This power can be only acquired by the mixture of air and blood bender's blood." Azalea loudly said.

So, that means anak ako ng taong may kakayahang mag manipulate ng Blood? Siguro si papa? pero kasi wala naman kasi silang alam tungkol sa papa ko. maybe I should ask my professor, si Sir Jaycee.

Wala akong pasok ngayon, kaya dito muna ako sa kwarto ko.

Inilipat ko sa iba pang pahina ang binabasa kong libro at nabasa ko na marami pa palang magagawa ng kapangyarihan ko kung mamamaster ko pa siya. Nakalagay dito na I can move a heavy rock from a far, at ang taong nagtataglay nito ay kaya ding mag manipula ng oras, panahon, can create thunder storms, can also use telepathy, can manipulate ones own mind through manipulating the neutron of their mind. The person that holds this ability can also use flight and most of all the person who possesses this ability can be the Most Powerful of all the human kind and can also be IMMORTAL through manipulating the cells to regenerate.

Grabe! ang dami! at sobrang makapangyarihan pala ako? aba! pero bago ko magawa 'yung mga sinabi sa libro kailangan ko munang magsananay ng mabuti.

'yun lang pala ang nakasulat dito sa libro. Putol na siya pero wala nang last page eh. Sayang naman. Pero ang dami kong natutunan.

-------

Papunta na akong library para isauli itong librong kinuha ko. Nang maisauli ko na ito, dali dali akong pumunta kay sir Jaycee.

Nakita ko siyang nagbabasa sa faculty.

Kumatok muna ako sa office niya.

"Come in ms. Freeman" sabi nito habang nilalapag ang libro sa kanyang mesa. Aba! Alam na agad ni Sir na nandito ako. Pano kaya yun? Tange! Magtataka pa ba ako? Hahaha

Lumapit ako sa harap ng table niya at umupo sa bakanteng upuan kahit walang pahintulot niyang maupo ako. Eh bakit ba? Pagod ako! Ang layo kaya ng nilakad ko.

"What can I do for you ms. Freeman?" Tanong nito ng nakangiti. Ang pogi talaga! Ang sarap reypin! Waaahh ang dumi ng utak ko!

"I just want to ask sir, may alam po ba kayo tungkol sa papa ko?" Direktang tanong ko sakanya. Mukhang nagulat siya sa tanong. Siguro ay di niya inaasahan ang tanong ko. Bakit kaya? Is there something else I don't know with my family?

Ngumiti na lang siya at mukhang bumulong. Ano kayang ginagawa niya? Baliw na ata si sir.

Mukhang nahalata niya na naweweirduhan ako sa ginawa niya. "I casted a spell na kung saan walang makakarinig sa usapan natin ngayon ms. Freeman, dahil may mga estudyanteng may kakayahang makarinig ng kahit ano kahit sa malayo pa sila." Saad nito.

Ang weird talaga bakit kaya? Confidencial ba? "Aahh hehe" sabay kamot sa batok ko.

Tumayo siya sa kinauupuan niya at lumapit sa bintana. "You're father is my bestfriend nung panahon namin. He is just a normal human. Pero napadpad siya dito sa lugar namin at 'di namin alam kung papano. Kinopkop siya ng Hari at Reyna dahil napadpad siay malapit sa kaharian. nakilala ko siya dahil ang aking mga magulang at ang Reyna at hari ay magkakaibigan. Hanggang sa nakilala niya si Aera. Isang magiting na tagapagsunod at tagapagtaguyod ng  katahimikan dito sa ating lugar. Ikinasal sila at nagkaroon ng bunga ang kanilang pag mamahalan at ikaw iyon. Dalawang taong ang lumipas at sumapit ang labanan. Ibinilin ni Aera na siyang itinakdang tatapos sa digmaan dahil siya ang Anghel, kay Sally na ilayo ka. Masakit man sa damdamin ni Sally na iwan ang iyong ina sa gitna ng labanan ngunit wala rin itong nagawa dahil ito ang kahilingan ng iyong ina. Magkasama kami ng iyong ama ng mga panahong iyon. Itinatago ko siya at pinoprotektahan dahil isa lang siyang hamak na normal na tao. Dala niya ang iyong bunsong kapatid--" naputol ang kanyang sinasabi nang mag salita ako.


"Kapatid? may kapatid ako?" di makapaniwalang tanong ko. napatayo na rin ako dahil sa laking gulat dahil sa nalaman ko.


"Oo, may kapatid ka. Ako, ang iyong ama, at ang iyong Ina lang ang nakaka-alam niyon, dahil itinago namin ito sa lahat." matalinhaga niyang saad. 


"Pero bakit po kailangan pa po itong itago?" tanong ko.


"Dahil kahit na sabihinin ko po ito, wala na ring maniniwala sa akin dahil noong digmaang iyon, inatake kami at kitang kita ng dalawa kong mga mata ang pag kasawin ng iyong ama at iyong kapatid." nagulat ako sa lahat ng mga inilahad ni sir Jaycee.


Hindi ko na namalayang umiiyak na pala ako dahil sa sinapit ng pamilya ko. Hindi ko akalaing ganito ang malalaman ko. Tapos na ang pakay ko dito, at ang alam ko lang ay dapat di ako mawalan ng pag-asa. Lalaban ako para sa nasawi kong pamilya. 


"Azalea, alam kong napakasait tanggapin, pero dapat na nating tanggapin lahat ng katotohanan. Maging ako ay di ko lubos maisip na wala na aking matalik na kaibigan. Si Noel. Noel, ang pangalan ng iyong ama." lumapit si Sir Jaycee at pinapatahan ako sa pag-iyak. Bakas din sakanyang mukha ang lungkot na nadarama niya.


Ngunit mayroon pa akong isang tanong, "Kung nakita iyo pong namatay ang aking ama at ang aking kapatid, na saan na po ang kanilang puntod?" tanong ko sakanyan habang humihikbi.


"Iyon nga ang hindi ko din lubos na maiisip, nawala na lang ang kanilang katawan nang lapitan ko sila kung saan sila binawian ng buhay. Nakapagtataka dahil ni isang buto nila ay walang natira." nagulat ako sa sinaad ni sir Jaycee.


"So, may posibilidad pa pong buhay pa an aking ama at ang aking kapatid?" makahulugang tanong ko sakanya.


"Hindi ko din alam, pero di ako pwedeng magkamali, dahil nakita ko mismo sa harap ko habang nakikipaglaban kung paano sila binawian ng buhay." pagsisiguro ni sir.


I stood up at hinarap siya "Sir, 'di po ako pwedeng maniwala na patay na po sila hangga't wala pa pong nahahanap na labi nila. Kahit na matagal na po ang pangyayaring iyon, umaasa pa po akong buhay sila" matapang na saad ko. Tama naman 'di ba? hanggat wala pang ebidensya na nagpapatunay na wala na talaga sila, di ako pwedeng mawalan ng pag-asa.


Ngumiti sa akin si sir "Sige kung iyan ang paniniwala mo, at bilang kaibigan ni Noel, susuportahan kita, pero sa ngayon, maghanda ka na para sa Show Off mamaya"


----

Hello!! Votes and comments will encourage me to UD!! hihi

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Mar 07, 2016 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Aera Academy: The Lost AngelTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon