Kahit pa...

45 0 0
                                    

Kahit pa, marami tayong pinagkaiba,

kahit pa, malayo ka sa piling ko sinta,

kahit pa, ang araw ditto ay gabi sa'yo,

kahit pa, napupuyat ka, napupuyat ako,

kahit pa, isip bata ako, at matigas ang ulo,

kahit pa, alam kong mahina ako pagdating sa'yo,

kahit pa maraming beses tayong nagkakatampuhan,

kahit pa, maraming kahit pang magdaan

Hindi man tayo maging matatag nang agaran,

di man pwedeng mangako ng walang hanggan,

kahit pa, bundok, bansa at kontinente ating pagitan,

mahal ko, sa'yo lang ako, at yan ay totoo...

kahit pa maraming kahit pa,

mamahalin kita, nang walang hanggang dahilan,

kahit paulit-ulit pang dumating ang salitang kahit pa,

ikaw at ako, ditto sa mundo, liligaya tayo,

dahil walang kahit pang salita

sa pag-ibig ko sayo sinta

dahil ikaw lang ang mag-iisa

sa buhay ko sa tuwina,

kahit pa, malayo ka,

kahit pa may iba kana,

kahit pa ayaw muna,

dahil ikaw ang mag-iisa...

Na minahal ko nang walang hanggang kahit pa.

- I miss you honeypiesweetypie :)

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: May 11, 2013 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Kahit pa...Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon