Prologue: Ganto kasi yan

24 1 0
                                    


Daniel's POV

Rush hour na. Kakagaling ko lang sa shooting namin. Wala yung driver ko kaya naman kailangan ko mag-commute. Para sa akin hindi naman ganun kahirap magcommute. Naranasan ko na to dati. Wala akong driver nun dahil nagkasakit. Ayaw ako ni mama magdrive dahil, baka daw mapano ako. Hays! Ewan ko ba kay mama. Eto nga, ikwekwento ko na. Ganto kasi yan...

*flashback

"Mama!" Sigaw ko. Kailangan ngayon ay makabiyahe na ako dahil magshoshooting pa kami. Tinawag ko si mama para tanungin kung bakit wala yung driver namin.

"Oh,bakit?"

"Nasaan si manong Gerry?" Tanong ko habang nagaayos ng kwelyo sa harap ng salamin.

"Wala. May sakit" may kalungkutang sinabi ni mama. May katandaan na rin kasi si Manong Gerry, kaso gusto niya pa rin magtrabaho dahil sa may bunso pa siya na maggagraduate pa lang. Yung dalawa may asawa't anak na.

"Aahh. Ganun po ba ma? Sige, ako na lang magdadrive" kukunin ko na sana yung susi sa may cabinet ng biglang magsalita si mama.

"Wait, wait, wait! Halika dito!" Sinunod ko naman yung inutos ni mama.

"Bakit ma?"

"Hindi ka magdadrive! Baka maaksidenten ka lang!" Inabot sa akin ni mama ang dalawang 100 pesos na pera "magcocommute ka. Para masanay ka rin" kinuha ko na yung pera naibinigay ni mama at umalis.

Habang naglalakad ako,puro usok ang nasisinghot ko. Madami rin akong nakitang magjowa at shota na nagliligawan sa tabi-tabi. Sa isip-isip ko..ganyan na ba talaga ngayon? Respeto naman sa single. Wag niyo naman sana kami inggitin.

Ng makapasok ako sa isang jeep, siksikan. At Angel malas ko pa dahil ang dalawang nasa gilid ko ay puro mga pawis. Isa lang masasabi ko.. maasim. Langhap na langhap ko ang mga pinagsalo-salong amoy ng mga katabi ko. Minsan napapapunas at napapatakip na lang ako ng ilong. Paano kaya natitiis to ng mga commuters?

Sinunod kong puntahan ang LRT. Pagkapasok na pagkapasok ko na pagkapasok ko agad sa loob ay puro nakataas ang mga kamay ng mga lalaki, at ang mga babae naman ay nakaupo habang nakatakip ang ilong. Nakita ko yung babae, nasa harap niya yung isang lalaki. Nakataas yung kamay ng lalaki at ang lakas ng loob, naka-sleeveless naitim yung lalaki. Kitang kita at amoy na amoy mo ang mahahabang buhok nito sa kamay.

Kagaya ko,napapatakip at napapapunas na lang yung babae. Hahahahaha! Hindi ko maiwasan ang tumawa ng malakas. Hininaan ko n alang, baka kasi pag narinig nila ang tawa ko pagtinginan nila ako at malaman nila kung sino ako,kaya wag na lang.

Nakarating na ako sa pagshoshootingan namin.

"Oh Dj! Ba't parang medyo na late ka ata?" Umupo si Kathryn sa may tapat kong lamesa at ininom ang hawak hawak niyang Starbucks.

"Wala si manong Gerry.."

"And ..?"

"Kaya nag-commute ako"

"Whaaat??" Nakita kong napatingin naman sila manager, director at mga ibang staff. Tinignan ko naman siya ng may nanlalaki ang mata. Nagets naman niya yun kaya tumahimik na siya.

"So ano nga? Mahirap ba? Dati kasi nagcocommute ako, pero ngayon? Hindi na"

"Yep! Pero may kadalian rin. Kaso nga lang.."lumapit ako sa kanya at bumulong " Mabaho"

"Pfft. Gagsti ka talaga Daniel! Hahahaha!"

"Hala! Anong ginagawa ko sayo? Hahaha!"

"Makalait ka wagas! Pero btw, ba't hindi ka na lang nagpasundo kay manager?"

"Siguro dahil.. ikaw ang nagpasundo?" Hinampas naman niya ako gamit ang kamay niya.

"Gagsti! I mean..pwede ka naman mag pasabay ah?"

"Nakakahiya naman sayo. Kung sumabay ako, edi hindi ka na nakapunta sa pinakamamahal mong Starbucks?"

"Oo na. Ikaw na. Da beast ka eh!" Halata namang bapikon siya. Hays! Hayaan niyo yun.

Malapit lang kasi yung Starbucks sa kanila. Ang sabi ni manager pag nagpasundo daw ako sa kanya hindi bibilhan or magstastop si manager sa isang bilihan or mga coffee shop. Tsaka na lang daw dun magstastop pag nasundo na ako. And knowing Kathryn, gustong gusto niya mag Starbucks tuwing umaga. Kahit alam mong pwede namang bumili sa tinadahan ng 3 in 1 at magtimpla. Mga richkid talaga.

Mga ilang oras pang lumipas at maggagabi na, tuloy pa rin ang shooting namin.

"Hindi pa ba tayo uuwi kath?"

"Mamaya pa daw sabi ni direct eh"

Napabuntong hininga na lang ako. Pagod na ako.

6:00 pm na. Wala pa rin. Hindi pa rin kami umuuwi. Wala pa naman si manong Gerry para ihatid ako.

1hour later...

"Okay cuuutttt!!!! Break muna! Tapos maya maya aalis na. Okay?"

"Okay!"

Napa-Yes! Naman ako at yung iba rin. Si Kathryn? Ayun naguunat na. Pag katapos kasi ng break na 5 mins, siya na.

Natapos na ang lahat. Handa n ako umalis. Inayos ko na yung mga gamit ko.

Wala na akong makitang jeep or bus dito. Hays! Pagkaminamalas ka naman oh! Maya maya lang ay nakita ko ang isanf taxi. Mag tataxi na nga lang ako.

"Kuya!" Huminto naman yung taxi. Umupo ako sa may likod. Tsaka ko lang napansin, may babae pala dito. Hindi ko nakita dahil madilim at tinted yung sasakyan.

"Kuya saan ka po?" Tanong ng taxi driver.

"Sa may ********* street po"

(A/N: Hindi ko po alam kung saan nakatira banda or malapit si Daniel Padilla. Hindi po ako fan ng kathniel. Wala rin po akong maisip na address kaya yan na lang)

"Kuya saan po ba papunta to si ate?" Tinignan ko lang yung babaeng katabi ko. Mahimbing siyang natutulog. Makinis at maputi ang mga balat niya. Maganda siya.

"Mauuna siyang bumaba sa iyo iho. Pakigising na Lang"

Lumipas ang ilang minuto at malayo layo pa rin kami sa bahay namin. Maya maya lang ay bumibigat na ang talukap ng mga mata ko, hanggang sa hindi ko na napigilan.

"Sir. Nandito na po tayo" narinig kong lintanya ng isang lalaki. Dinilat ko naman yung mga mata ko.

"Oh sige po kuya, wait lang" dinukot ko yung bayad ko. Nagulat ako ng makita ko na lang ang isang bente pesos.

"Aah..hehe..kuya...wa-wala na akong--" mukhang nahalata naman ni kuya nawala na akong pera.

"Sabi ng babae kanina siya na daw magbabayad. Ang bait no?"

Tumango lang ako at bumaba na sa taxi.

Napabulong na lang ako.."grabe naman yung babaeng yun. Mayaman siguro?"

*flash back ends






Kriiinnnggg

("Hello ma?")

(Anak! Bilisan mo at umuwi ka na ha? Mapano ka pa. Rush hour na eh)

("Opo ma. Malapit na po ako jan. Yung mga kapatid ko, tulog na ba?")

(Oo, kanina pa. Basta bilisan mo diyan ah! Sige bye)

("Bye po")

Nandito na ako sa may bus pauwi na. Gaya nga ng sinabi ko, galing shooting.



Ang Babae Sa May TaxiTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon