Akala Ko...

246 23 3
                                    

Tahimik lang ako noon.Kakaunti lamang ang mga kaibigan ko ngunit sapat na iyon upang mapasaya nila ako araw araw.I was contented with my life as a normal student.


Pero nagbago lahat ng iyon.

Umuulan kasi at malapit nang mag alas sais ng gabi.Wala kang payong.Mabilis akong naglalakad nang mapansin kita.Basang basa ka at nanginginig sa lamig.

Nagdalawang isip pa ako kung pasisilungin pa ba kita o hindi na.I mean-hindi naman tayo magkakilala eh.Pero naawa kasi ako sayo.Hindi ko rin maaninang ng maayos ang mukha mo dahil nakayuko ka.

Dahan dahan akong lumapit sayo.Tumatarambol ang puso ko sa kaba dahil baka kung ano ang gawin mo sa'kin.Malapit na malapit na ako sayo kaya lang,huminto ako.

Natatakot ako.

Hahakbang na sana ako paatras pero sadyang makulit ang paa ko at nakatapak ako ng matulis na bagay at nabitawan ko ang payong.Hindi ko mapigilang mapatili kaya naman ay napalingon ka sa'kin.

Agad kang lumapit sa kinatatayuan ko at tinignan ang paa ko.Ang lapit ng mukha mo.Dinala mo ako sa clinic at doon mo ginamot ang paa ko.

"Uhh,sorry sa abala.Salamat nga pala."nakaupo ako ngayon sa upuan at nakayuko sa harap mo.Pinaglalaruan ko ang mga daliri ko dahil nahihiya ako.Nahihiya ako kasi hindi kita natulungan kanina.

"Okay lang."sagot mo naman at ngumiti. Ang gwapo mo.Nagitla ako dahil may nagtext sa akin.Tinignan ko ito at galing ito kay mama.Pinapauwi na ako.

"Uhmm,pinapauwi na pala ako ni mama.Ano nga pala ang number mo?Baka sakalin---"

"Akin cellphone mo.Isasave ko ang number mo."sabi mo at ngumiti na naman sa akin.

Ang ganda ng mata mo.Ngayon ko lang napansin.Gusto ko tumunganga nalang at tignan ang mga mata mo buong araw.

"Tapos na."Agad akong nag iwas tingin dahil baka mahuli mo ako.Baka mahuli mo ang puso ko.

---

Simula noong gabing 'yon,mas napalapit pa tayo sa isa't isa.Tanda mo pa ba noong nagkasakit ako,dinalaw mo ako sa bahay naman at inalagaan mo ako.Tuwang-tuwa ako noon.

Eh noong,nagkaperiod ako?Hindi ako nakadala ng napkin pero ikaw ang bumili para sa akin.Pulang-pula pa nga yung mukha ko kasi nga lalake ka.

Naalala ko din noong mga panahon na wala ang mga magulang ko sa mismong kaarawan ko,binilhan mo ako ng cake.Sinabi mo na wag ko na raw bayaran kasi bestfriend mo na ako eh.Bestfriend.

Araw araw mo na akong hinahatid-sundo.

Unti-unti na akong nahuhulog sayo at natatakot ako dahil dun.Natatakot na baka walang sumalo sa akin.

---

Lumipas ang mga araw,hindi na kita nakikita,nakakausap,ni ha ni ho wala.Nag-aalala na ako sayo dahil hindi ka na nagpaparamdan.Labis ang pagkatakot ko dahil dun.Ayokong mapalayo sa'yo.Ayoko.

Umuwi ako nang matamlay.Hindi ko na alam kung ano'ng nangyayari sa akin.Mababaliw na ako!Ginulo ko ang buhok ko sa sobrang pagkalito.Bakit hindi ka na nagpaparamdam?Bakit hindi ka na pumapasok?Nakakainis ka.

Humiga ako sa kama at tinignan kung may nagmessage ba sa akin sa facebook.Wala.

Nakuha ang atensyon ko nang makita ko ang status mo.

~

Justin Rae Verga
Yesterday,10:25 pm at Tagum City

I love you,Einah <3

Akala Ko... (One-shot)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon