Last part

58 5 6
                                    



*2 YEARS LATER*

Nandito ako ngayon sa cemetery para bisitahin siya.

2 years of Death Anniversary niya kasi ngayon.

Kamusta na kaya siya? Siguro masaya na siya ngayon don sa napakagandang paraiso.

Dalawang taon na din ang lumipas simula nung sinakripisyo niya ang buhay niya para sakin ..

*FLASHBACK*

Minulat ko ang mga mata ko at liwanag ang bumungad sakin. Pero unti unti ko din naaninag ang paligid ko. Nakangiti sila mommy, daddy, Troy at .. Cheska.

Bakit siya nandito? Nasan si Mark?

Tinignan ko sila at nagtataka akong tumingin sa palagid na parang may hinahanap.

Nang biglang lumapit sakin si Cheska at may inabot na maliit na envelope kaya nagtataka akong tumingin sakanya.

"Ano 'to?" tanong ko sakanya.

"Buksan mo." Nakangiti niyang sabi sa akin kaya binuksan ko na lang at may nakuha akong isang letter.

Kaya sinimulan ko ng basahin ito.

"Hi Ann! Kung nababasa mo man to ngayon ibig sabihin naging successful ang heart surgery mo. Ibig sabihin, naging matagumpay ang heart transplant mo."

Gulat akong napatitig kay Cheska. Gusto kong tanungin kung anong ibig sabihin ng sulat na ito pero hindi na lang ako nagtanong at pinagpatuloy ko na lang ang pagbabasa.

"First of all gusto kong sabihin sayo na masaya akong dumating ka sa buhay ko. Salamat kasi ikaw yung babaeng nagpasaya sakin kahit sa mga simpleng ginagawa mo. Humihingi na din ako ng tawad sa lahat ng kasalanan na naibigay ko sayo, lalo na sa sakit na ipinaranas ko. Ang tanga tanga ko dahil pinakawalan pa kita pero lagi mong tatandaan nandito lang ako para sayo ay kaso wala na ko"

Natigilan ako at napahigpit ang hawak ko sa papel na hawak ko. Hindi ko alam pero kinakabahan ako sa binabasa ko.

"Si Mark to Ann. I donated my heart to you. Kaya kung nababasa mo man to ngayon, ibig sabihin nasayo na yung puso ko. Ingatan mo yung puso ko ha? Alagaan mo yan. Sabi ko naman kase sayo babawe ako diba? Wag mong pababayaan yan ha?. Live your life to the fullest, Ann. You must reach your goals in life. Gamitin mo ang puso ko para matupad mo lahat ng pangarap mo. Wag kang malulungkot ha? Gusto ko lagi kang masaya. Hindi ko binigay ang puso ko sayo para maging malungkot ka lang. Huwag kang mamuhay sa nakaraan Ann. Maybe were not really meant to be. Palinawagin mo lang ang puso't isipan mo Ann, malay mo nasa tabi tabi lang pala yung talagang para sayo. Basta pagnakita mo na siya, huwag ng magpaligoy ligoy pa ha? This is your second life, just don't waste it. Ingat ka palagi ha? Wag mong pababayaan ang sarili mo. Wag mong sasayangin ang puso ko. I love you Ann always and forever"

Pagkatapos kong basahin ang sulat ni Mark sunod sunod na hikbi na lang ang tangi kong nagawa habang umiiyak.

*END OF FLASHBACK*

At pinunasan ko ang luhang tumulo sa mata ko.

Sa lahat ng ginawa mo sakin Mark, baweng bawe kana sobra sobra pa.

"Haay Mark thank you talaga" Nakangiti ko sabi sa lapida niya.

Si Mark na ngayon ay isa na talagang alaala ..

Isang magandang alaala :)

And Cheska? She's doing fine with her family. Balita ko may boyfriend na nga din yon e? Sana tuluyan na nyang buksan ang puso nya para sa iba. :))

MemoriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon