Bata pa lang ako, namulat na ako sa katotohanang hindi totoo si "Mister Kupido" at ito ay gawa lamang ng malilikot na imahinasyon ng tao.
Hindi ko pa alam ang salitang "Crush" noon dahil wala akong ibang inatupag kundi mag - aral ng mag - aral at magbasa ng sandamakmak na libro. Kaya tuloy lumabo ang paningin ko at kinailangan ko nang magsalamin.
Hindi ko naranasan ang makipaglaro sa mga gusgusing bata sa kalsada dahil ayaw ng mga magulang ko. Hindi ko naranasan mag piko, mag batuhan bola at magbente uno dahil puro ballet lessons, art class, voice lessons at kung ano - ano pang kaek - ekan ang sinalihan ko noon... Hindi ko naman yun ginusto.
Hanggang sa isang araw, naisipan kong tumakas upang makipaglaro sa ibang bata sa labas ng Villa. Pitong taong gulang ako noong mga panahong iyon. Walang nakapansin ni isa na nakapuslit ako. Masayang masaya ako dahil sa wakas ay nagawa ko din ang gusto ko at wala akong kasamang yaya o body guard. Tumakbo ako palabas dahil sa sobrang kasabikan na makipaglaro.
Pero nangyari ang hindi inaasahan...
nabundol ako ng isang kotse...
Dahil sa aksidenteng ito, nabago ang BUHAY KO......
_____
Copyright © 2015
All rights Reserved.
Ang mga nakasaad na pangalan, lugar, pangyayari at kung ano - ano pa ay mula lamang sa matabang utak ng Author. Nakikiusap din po ako na huwag gayahin, kopyahin at angkinin ang aking gawa sapagkat ito ay labag sa batas.Nakasaad ito sa Intellectual Property Code of the Philippines
Ayon sa batas na ito iligal ang pangongopya at panggagaya ng Intellectual Property na pag-aari ng isang tao. Kabilang na dito ang mga sumusunod:
Section 177.1 - Reproduction of the work or substantial portion of the work.
Section 177.2 - Dramatization, translation, adaptation, abrigdement, arrangement or other transformation of the work.
Section 177.5 - Public display of the original or a copy of the work.
Please Respect, That's all. Thanks! :)
BINABASA MO ANG
Oh Mister Kupido
Teen FictionHindi ako naniniwala kay Kupido. Hindi ako naniniwala sa love at first sight. Ni hindi ko nga pinapansin kapag sasapit ang araw ng mga puso eh. Para sakin wala kang mapapala kapag inaksaya mo ang oras mo kakahanap sa "The ONE" na yan. Hindi pa ako n...