Betty's POV
Masaya akong naglalakad patungo sa eskwelahan nang may mabangga akong.....
Poste? Ang tigas eh. Pero parang hindi? Bakit mabango?
" Fuck!"
At nagsasalita? O.O"
Hala omy! Tao! Tao ang nabangga ko?!!
" Aahh Sorry po. Sorry po hindi ko sinasadya uhm pasensiya na talaga" Naku! Bakit ba ang boplogs ko? Huhu T_T
" May magagawa pa ba yang Sorry mo? Tss Stupid. " aba! Ayos to ah! Nag sorry na nga ako ano pa bang gusto nito? Wow ha.
" Ehem, Sir, I am sincerely apologizing for what I have done earlier. I am so sorry for that. But you don't have the right to call me STUPID. And If you are happy to mock someone, then you shouldn't mess up with me." Nag i- english talaga ako kapag umiinit ang ulo ko eh. Grabe napaka hambog nitong lalaking 'to. Hmmp! Malayasan na nga! Anong akala niya? Porke ganito lang ang itsura ko gaganunin na niya ako? Pwes hindi noh!
Gwapo sana siya kaya lang napaka bastos at mayabang! HMMMPPPPP!!!
Dumiretso muna ako sa faculty office para i - submit kay Ma'am Ara yung excuse letter ko, mag aabsent kasi ako simula bukas para pumunta sa Villa Kristina. Dadalawin namin si Lola.
" Ahh, Ma'am pasensiya na po sa istorbo. Pero pwede ko po ba kayong makausap?" hayyy kung hindi lang talaga nagkasakit si Lola Esmeralda e di hindi sana ako makakapag - absent ng isang linggo.
" Sure Ms. Hidalgo, tungkol saan ba ito?" sabi ni Ma'am Ara.
" Ma'am, mag aabsent po sana ako ng isang linggo. Uuwi po kasi kami sa probinsya para dalawin yung lola kong may sakit. Wala po kasing ibang mag aalaga sa kanya, kami lang po ng nanay ko ang natitira niyang kamag - anak. " Siguro matatagalan pa kami bago umuwi. Hindi kami makakaalis hangga't hindi maayos ang kondisyon ni Lola Esme.
" I'm sorry to hear that. But, what will you do Ms. Hidalgo? Papalapit na ang finals at kailangan mong mag - aral. Baka mawala ang scholarship mo niyan Hija!"
" Hindi ko naman po pababayaan ang pag- aaral ko Ma'am. Dadalhin ko po sa probinsya ang mga libro at gamit pang - eskwela ko. Bale mag sself - study po muna ako para nang sa ganun ay maka cope - up ako sa mga lessons.. Pagbalik ko po, sinisigurado ko sa inyo na may maisasagot po ako sa test" Dobleng hirap 'to hay sana kayanin ko.
" Okay, Fine. Because I trust you, I will approve your 1 week absence in my class. But make sure that when you come back, you will not disappoint me. Is that clear?" Napangiti ako nang sinabi iyon ni Ma'am Ara. Sabi na nga ba't bibigay din 'to eh. Lakas ko talaga hihihi.
" Opo, Ma'am. Thank you po!!!" agad akong umalis sa Faculty office. At dahil may 1 hour vacant pa ako, susulitin ko muna yun para panoorin si Jake sa kanyang training. Hmmm, siguro nasa gym na sila? hihiiieee makapunta nga muna sa aking Fafa J!!!
Jake's POV
Maaga akong pumunta sa gym para mag training. Malapit na kasi ang Championship sa Basketball kaya kailangan naming mag training palagi.
Inayos ko muna ang bag ko at nagpalit na ako ng damit. Nang nagsisintas na ako ng sapatos, may biglang kumalabit sa akin.
" Oh Brad ba't ang aga mo? Akala ko ba may lakad ka? " sabi ni Bettina. Tsk bakit ba nandito 'tong babaeng to?
" Bakit nandito ka? Umalis ka na. May training pa ako. " malamig kong tugon.
" Vacant time ko kasi. Mamaya pa ang klase ko. Ayoko nga! Kakarating ko pa lang pinapaalis mo na ako? Grabe ka naman! " Ang tigas talaga ng ulo nitong babaeng 'to. Tsk wala na siyang ginawa kundi sumunod nang sumunod sa akin na parang tuta.
" Betty, pwede ba iwan mo muna ako? Ayokong may istorbo! Hindi ako makapag - concentrate. Tsaka parating na sila coach dito. Mabuti pa't umalis kana. Baka kung ano pang isipin nung mga yun" Ayoko sanang sabihin yun pero nakakairita na kasi siya. Lagi nalang siyang ganyan. At kung iniisip niyo na may namamagitan saming dalawa, nagkakamali kayo. Hindi ko priority ang love life. Gusto ko muna maging successful para sa future ko. Ayoko ng commitment kaya ayoko ng girlfriend.
" Jake " sambit niya sa mahinang boses
" Ano ba Betty? Wala akong time para-- " hindi ko na natapos ang sasabihin ko dahil nagsalita siya.
" Uuwi muna kami sa probinsya. Kaya di mo muna ako makikita. " napahinto ako sa sinabi niya. Uuwi siya sa probinsya? Bakit?
" May sakit kasi si Lola Esme. Wala namang mag aalaga sa kanya doon. Kaya luluwas muna kami para mabantayan siya. Susubukan kong makabalik pagtapos ng isang linggo para narin makahabol ako sa finals. "
Parang bigla akong nalungkot sa sinabi niya. Pero di ko pinahalata. Tutal gusto ko namang umalis siya, ayan wish granted." Ah ganun ba? Sige ingat. " iyon lang ang nasabi ko.
" Mami-miss kita. Wala munang mang iistorbo sayo dahil wala ako. " Hindi ko alam kung matutuwa o malulungkot ako sa sinabi niya eh. Tinulak ko siya ng bahagya para sabihing..
" Bettina, tigilan mo na 'to. Tama na. Kahit anong gawin mo hindi ko masusuklian ang pagmamahal at effort na binibigay mo para sakin. Wag nang gawing kawawa ang sarili mo. " nagulat siya sa sinabi ko. Pero hindi parin siya nagsalita. Ayoko sanang gawin 'to pero ayoko ding umasa siya habang buhay.
" May girlfriend na ako..."
" H- ha h-hahaha nakakatawa ka Jake h- haha ikaw may girlfriend? Weh? Kailan pa? " naiiyak niyang sabi
" Kahapon lang. "
" Ta - talaga ba? Si - sino? Sino s- siya? " nauutal na sabi niya
" Si Gail. "
" Si G- Gail? Yung k- kaklase mong m - model?"
" Siya nga. "
"A- ahh ganun ba? Sige, mauna na'ko. Bye " patakbo siyang umalis sa gym. At naiwan akong mag isa.
Sa pag alis niyang iyon, alam kong nasaktan ko siya. Siguro sapat na yun para layuan na niya ako. Mabuti pang kamuhian niya ako kesa maghintay siya sa akin. Wala na akong ibang paraan kaya ginawa ko yun...
Sorry Bettina, Patawarin mo sana ako......
------
A/N Hello Amiga's! Eto na ang Chapter 3! Enjoy!!!Don't forget to Vote, Follow and comment! XOXO
BINABASA MO ANG
Oh Mister Kupido
Teen FictionHindi ako naniniwala kay Kupido. Hindi ako naniniwala sa love at first sight. Ni hindi ko nga pinapansin kapag sasapit ang araw ng mga puso eh. Para sakin wala kang mapapala kapag inaksaya mo ang oras mo kakahanap sa "The ONE" na yan. Hindi pa ako n...