Chapter 1

9 0 0
                                    

Betty's POV

"Drew! Sandali hintayin mo'ko! Teka!!! Drew wag mo'kong iwan!!! Hi - hindi a- ako mma- makahinga" Napabalikwas ako ng bangon mula sa panaginip ko. Palagi nalang ganito. Gabi - gabi nalang akong hindi pinapatulog ng lintik na panaginip na yun.

Ako yung sumisigaw. Pilit kong hinahabol ang isang batang nasa unahan ko at takbo ng takbo. Naisip ko nga minsan kung nangyari na ba yun o mangyayari palang sa hinaharap? Hay ewan! Sumasakit lang ang ulo ko kapag pinipilit kong isipin eh!

At dahil hindi narin naman ako makakatulog, bumaba ako sa kusina para maghanap ng pagkain.Tutal mag aalas-kwatro narin ng umaga.

Saktong pagbukas ko ng ref, may menudo, chicken, cake at marami pang iba. Iinitin ko nalang ito para may pang almusal at pang baon ako mamaya pagpasok ko sa eskwelahan.

" Bettina! Ano yan! Lumalamon ka nanaman?! Anong oras na at gising ka pa? Ano ka ba namang bata ka oh! Parang di ka pinapakain ah?" Hala naku nagising ko yata si Nanay Delia.

" Ahh ehh nagutom po ako eh hehehe" hinging paumanhin ko. Kasalanan to nung panaginip ko eh! Kung hindi lang sana yun nagparamdam eh di sana ang sarap ng tulog ko ngayon at naghihilik pa ako!

"Bettina, sabihin mo nga sakin. Napapanaginipan mo nanaman ulit ba yung dati mong panaginip?" Mausisang tanong ni Nanay Delia.

"Opo, nitong mga nakaraang araw, sunod sunod ko pong napapanaginipan yun. Ano po bang nangyayari sakin? Bakit paulit ulit nalang 'Nay?" nagtataka din kasi ako kung bakit.

" Hi - hindi ko alam. Babalik na ako sa pagtulog. Huwag mong kainin lahat ng pagkain sa ref, magtira ka. O siya sige"

" Sige po" Ang weird? Bakit parang nag iba ang ekspresyon ng mukha ni Nanay Delia nung tinanong ko siya? May nasabi ba akong hindi maganda?

"Pabayaan na nga, Kakain nalang ako!" Bulong ko.

---
Delia's POV

Labing isang taon na ang nakararaan noong magtrabaho ako bilang labandera sa isang mansyon. Sa labas ng mansyon, nakatira ang mga magsasaka ng Azucarera de Salvador at iba pang tauhan ng kanilang pamilya.

Ang lugar na iyon ay tinawag na Villa Kristina alinsunod sa pangalan ng yumaong asawa ng Gobernador na si Gng. Laura Kristina Salvador.

Mayroon silang dalawang anak na sina Ignacia at Isagani. Si Ignacia ay maagang binawian ng buhay dahil sa isang aksidente sa eroplano. Pabalik na daw ito sa Maynila, galing Madrid upang magdiwang ng kanyang kaarawan, subalit trahedya ang sinapit nito.

Kung kaya't kay Isagani napunta ang lahat ng ari - arian ng pamilya. Siya ang nagpatakbo sa buong Azucarera. Makalipas ang limang taon ay nagpakasal ito ay Catalina, isang dalagang may dugong Kastila. At agad din silang biniyayaan ng isang supling na nagngangalang Marina Isabel.

Dahil nag iisang apo at prinsesa ng mga Salvador ang anak ni Isagani, Pinalitan ang pangalan ng Azucarera. At ito ay tinawag na Azucarera de Isabela.

Labis ang pagmamahal at pag iingat nila sa apo ng gobernador. Natatakot kasi silang mapahanak ito at ayaw nilang nakikihalubilo ito sa mga mahihirap.

Hanggang dumating ang araw na nabundol ng sasakyan ang apo ng gobernador. Walang nakakaalam na nakatakas pala ito mula sa kanilang mansyon.

Nandoon ako noong panahong naliligo sa sarili niyang dugo ang kawawang bata. Hindi ako nagdalawang isip na isugod ito sa pinakamalapit na pagamutan.

Ngunit walang tumulong sa akin. Wala rin akong pera upang sumakay ng tricycle o jeep patungo sa Bayan. Naisip kong dalhin na lamang siya sa bahay ng aking tiyahin na manggagamot.

Flashback

" Tiya Esmeralda! Tulong! Nasagasaan ang batang ito!!!" Karga karga ko ang duguang apo ng gobernador.

Bakas sa mukha ni Tiya ang takot at pangamba. " Tiya ano ba? Kailangan na ng lunas ng batang ito! Bilisan mo at baka kung mapaano pa siya!!!" Natataranta na kaming dalawa kung paano gagamutin ang sugat ng bata.

"Mabuti na ang kalagayan niya, Hintayin nalang natin siyang magising. Masyadong maraming dugo ang nawala sa kanya, kaya't painumin mo siya nito" sabay abot sa akin ni Tiya ng isang tasang may halong herbal na gamot.

"Salamat ho, Tiya" ani ko.
" Anak siya ni Don Isagani tama ba? At ang kaisa - isang apo ni Gobernador Fausto Salvador, mabuting puntahan mo na ang kanyang pamilya para malaman nila kung ano ang nangyari sa bata" mahabang litanya ni Tiya.

"Hindi, Tiya. Ayokong isauli ang batang ito sa mga Salvador" buong tapang na sabi ko.

"Nahihibang ka na ba, Delia? Ano ang pumasok sa isip mo at naging ganyan ka?! Hindi ka ba naaawa sa pamilya ng batang iyan?" Sigaw ni Tiya sa akin

" BAKIT TIYA!? NAAWA BA SILA SA ATIN NANG PATAYIN NILA SINA ITAY AT DAISY? WALA SILANG MGA PUSO! LALO NA ANG AMA NG BATANG ITO!" Hindi ako galit sa batang Salvador, ngunit kailangan ko siyang gamitin para sa paghihiganti ko.

" Ipaparanas ko sa kanila ang sakit ng mawalan ng mahal sa buhay. Kukunin ko siya. Pasalamat pa sila sa akin dahil aalagaan ko ng mabuti ang Salvador na ito. Pero habangbuhay silang mangungulila at magpapakatanga kakahanap sa nawawala nilang prinsesa."

---
A/N: Nagiging maliwanag na ba ang lahat sa inyo? Hahaha sa susunod na update, malalaman niyo kung bakit ganon nalang ang galit ni Delia sa mga Salvador.

Vote, Read, Comment!
Don't forget to follow me :*

- madiesnowy

Oh Mister KupidoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon