v. contest

33 2 4
                                    

Nagmamadali akong pumasok sa classroom namin ng bigla akong hatakin ni Hanbin.

"Oy bat ka nagmamadali?" tanong niya sabay punas sa pawis ko. "Di ka nagsusuklay, nakaligo ka naman na?" sabay hawi sa buhok ko.

"Nagmamadali ako eh."

"Bakit?" tinignan niya ko ng naniningkit ang mata.

"Ngayon program diba? Kakanta si June."

"Ah, oo nga pala. Kakanta baebae mo. Yie~" pangaasar niya kaya binato ko sa kanya yung hawak kong suklay.

"Gago."

"Alam mo bagay talaga kayo ni June -.- palamura kayo, kung kasama ka lang namin edi araw araw ka na ring nagbabayad sa swear jar ni Jinhwanano." sabi niya, akmang sasagot ako sa kanya ng may bumatok sa kanya.

"Hoy Hanbilong! Anong Jinhwanano?!?? Baka palakihin ko pa lalo ilong mo!!!!!" sabi ni... Jinhwan?

"Joke lang naman hyung." sabay kamot sa batok niya.

"Tangina kayo, nagmamadali ako dahil kay June, anong oras ba program?!??!!" iritang sabi ko at pinagpapalo sa kanila yung envelope ko.

"A-aray teka!" sabay nilang sabi.

"Mamayang dismissal pa yun. Masyado kang atat makita si Junhoe at marinig boses niya. Di ka kasi nakikinig kahapon eh." parinig ni Yunhyeong kaya sinamaan ko rin siya ng tingin.

"Tangina kayo tatlo di ko kayo bati. Pinagtutulungan niyo ko ha!"

"Hala takot kami! Baka magsumbong ka kay Junhoe baebae mo Ri!" sabi nilang tatlo kaya sa inis ko eh pinaguntog ko silang tatlo at umalis.

---

"Hi baebae." bati ni Jun pagkapasok ko sa classroom kaya naghiyawan mga classmates namin, agad ko silang sinamaan ng tingin na nagpatahimik sa kanila.

"Handa ka na mamaya?" tanong ko at inakbayan niya ko.

"Oo sana eh, pero..."

"Pero?"

"Marunong ka mag gitara diba? Pwede bang magduet tayo tutal maganda naman boses mo Ri?" pakiusap ni Jun at inalog yung braso ko.

"Teka naman gago nahihilo ako!" saka ko hinampas yung kamay niya.

"Sorry."

"Sige payag ako, sa isang kondisyon."

"Sabi na nga ba." bulong ni Jun na narinig ko.

"Ayaw mo? Edi wag---"

"Joke lang!" hinatak niya yung kamay ko at hinarap ako sa kanya, "Ano ba yun?" tanong niya at napatawa ako.

"Treat me a gallon of ice cream." saka ako kumindat.

Napanganga naman siya.

"Deal?" sinamaan ko siya ng tingin at agad siyang napatango.

----

Nandito na kami sa stage. Handa na para kumanta. Oo matapang ako pero kinakabahan ako, pano kung di nila magustuhan boses ko? Aba naman alam kong maganda boses ni Junhoe pero...

"Okay ka na?" kinalabit ako ni Junhwe sabay abot sakin ng tubig.

"Ha? Ah eh oo. Hehe." inabot ko naman yung tubig pero di ko ininom.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Feb 07, 2016 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Sassy JunhoeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon