Back to You

34 3 1
                                    

Sabi nila kahit gaano man tayo katagal na malayo sa  taong nakatakda sa atin, darating pa din ang panahon na pagtatagpuin ang inyong mga landas. Iyan ang sinasabing DESTINY...

PROLOGUE:

Ito ang huling araw ng aming bakasyon, Bukas ay balik eskwela na naman. Kasama ko ngayon ang aking apat na kapatid na lalaki at aking mga magulang, nasa airport kami ngayon, kadarating lang namin mula sa isang linggong bakasyon sa Korea.

“Dad, asan na si mommy?” Tanong na panganay na kuya ko, si Kuya Mike Vincent Lee, siya ang General Manager ng isa sa mga resort namin, graduate siya ng BS in Business Management.

“Nasa comfort room ang mommy mo, sinamahan nina Keith at Kier, masama daw kasi ang pakiramdam.”

Si Kuya keith at Kuya Kier ay Kambal ko na kapatid, Sila ay mga 5th year students sa Ateneo. Si Kuya Keith ay BS in Civil Engineering, si Kuya Kier naman ay BS in Electronic Engineering.

“Kuya Vince, look at Diane! Grabe ang jetlag! Hehehe.” Pangungutya sa akin ng kakambal ko na sobrang nakakairita. Pero minsan malambing. Pero sobra kung laitin ako, napaka nerd daw kasi na itsura ko. Sige na nga ipapakilala ko na siya sa inyo, siya si Daniel Terrence Lee, parehas kami na income freshman sa Ateneo, at ang kurso niya ay BS in Chemical Engineering. OO nerd din ang kapatid ko, pero hindi lang halata sa itsura, heartthrob pa nga siya sa campus eh. Kung gaano siya kasikat, ganun naman ako kainvisible sa campus namin, kilala lang ako bilang isang dakilang nern na may makapal na salamin at akala mo ay tomboy. Ako nga pala si si Diane Trixzell Lee, 17 years old, incoming freshman sa Ateneo, I will take up BS in Computer Engineering, at sa wakas kahit papano ay magkakalayo kami ng landas na kakambal ko.

“Stop it Terrence! Nakita na nga na masama ang pakiramdam ko iinisin mo pa, tsk!” Naiirita ko na sagot sa kanya.

“Will you just shut up the two of you!” Natahimik kami sa sigay ni masungit namin na kuya. Hay buti na lang at dumating na si mommy kasama ung dalawa ko pa na kuya.

We started to travel back home. Grabe ang pagod ko, gusto ko na talaga magpahinga. At ito naman si Terrence panay ang pangungulit sa akin, hindi tuloy ako makapahinga man lang sa kotse. Pagdating sa bahay deretso agad ako sa kwarto, naligo, nagbihis at pagkatapos tulog na.

Back to YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon