CHAPTER 1:
<Diane's POV>
"KKAAAMMMBBBAAALLLL!!! GGGIIISSSSIINNNNGGG NNNAAAA!" Biglang akong napabangon sa sigaw ni Terrence.
"Ano ba Terrence! Nakikita ng pagod ung tao eh!"
"Bumangon ka na kasi, malalate tayo nyan sa first day of school natin. Sige ka iwanan kita, wala ka pa namang kotse. Wahaha!"
Hay naku naman, napaka unfair talaga, buti pa itong si Terrence may regalong kotse noong 17th birthday namin, samantalang ako, heto wardrobe na puno ng high heeled shoes, dress, skirt at kung ano ano pang girly sfuffs, hay I wonder, kelan ko kaya yun magagamit.
"Oo na ito o babangon na. Lumabas ka na nga!"
"Ok kambal!! Tapos bumaba ka na after mo magbihis, sabay sabay daw tayo magbreakfast."
"OK Kambal, bait mo bigla ah."
"Syempre naman Kambal, ililibre mo ako ng lunch mamaya eh!"
"tss... alis ka nga jan! Naiinis ako sayo eh!"
Sabay takbo naman ni Terrence nang makita niya na ibabato ko sa kanya yung stuff toy na lagi kong katabi. Hay naku, makaligo na nga ako.
Pagkatapos kong maligo at magbihis ay pumunta na ako sa dining room, at ako na lang pala ang kulang. Umupo ako sa tabi ni Mommy, sa right side ko naman ay ung kakambal ko at sa harap ko naman ay si Kuya Kier. After eating our breakfast, pinagsabihan kaming apan nila Mommy at Daddy na to behave daw at to keep an eye on me. Make sure na wala daw na mambabastos sa akin. Naman, subukan lang nila, upakan ko sila. After that Mom, Dad and Kuya Vince went to Work and the four of us went to school. The boys have their own cars, at ako ito nakikisakay lang sa makulit kong kakambal.
At long last, dumating din kami sa school. Gusto pa daw ako ihatid ni Terrence sa builing namin kaso baka daw pagkaguluhan daw siya ng mga girl. Hay naku talaga, ang hangin.
"Yeah right. Sige una na ako. At saka andyan naman si Marla. May kasama naman ako."
"Di ba different course kayo?"
"Yeah, pero atleast siya naiisip ako. Sige na alis na ako."
"Sige kambal, bye bye! See yah later!"
"Yeah!" Yun na lang ang sinagot ko sa kanya. At heto ako ngayon. Mag-isang naglalakad papuntang building namin.
*bzzzz* Nagvibrate ang phone ko. Nagtext pala si Marla, mabasa ko nga.
From: Best Marlz
~Bestie, I'm sorry hindi kita masasamahan ngayong umaga, may pupuntahan muna kasi kami ni Dad. See you na lang ngayong lunch, pakilala ko sayo ung couz ko. Cge best! See yah! Take Care! ^_^
At kapag sineswerte ka nga naman talaga, ayun, mag-isa talaga ako.
Lakad hanggang makarating sa room, walang lingon lingon, deretcho lang ang tingin. At pagdating ko sa room papasok na sana ako ng room, kaso bigla ba naman sarhan ang pintuan... Natama sa mukha ko. grrr.. kung sino man yun makakatikin yun ng malakas na suntok.
Biglang may lalaki na nagbukas ng pinto,
"Ai miss, sorry ha, sabi kasi nila sarhan ko daw ung pinto eh." Ah, siya pala ang nagsara ng pinto. Nakita ko yung mga mean girls na kaklase nung high school, patawa tawa. Sila siguro yung may pakana nito. Ano ba namang lalaki ito, ang gwapo gwapo pero sumunod sa mga bruhang yun.
Hindi ko na lang pinansin yung lalaki at umupo na ako sa isang bakangteng upuan. Hay, sirang sira na talaga ang araw ko. Ano ba yan.
Dumating na yung professor namin sa unang subject at umupo na lahat. Katabi ko pala itong lalaking pinagsarhan ako ng pinto.