chapter one

76 1 0
                                    

Ivy’s POV

Waah. Nakakapagod. Kakatapos lang ng training.

Bugbog na naman katawan ko.

“wag po please. Wag po.”

Mukang may naaamoy akong trouble.  Laban to oh, kaso pagod na ko. Medyo nalulula pa ko. Bakit naman kasi hindi ako kumain eh. Tsk. Pasaway.

“parang awa nyo na. wala po akong maibibigay sa inyo.”

Lumapit ako sa eskinita kung asan nandun yung naririnig ko.

“wala naman akong kukuhanin sayo. Gusto lang kitang pagpraktisan.”

Tsk. Yabang ng bakulaw na to ah.

Isinout ko na yung black mask ko at tuluyan nang pumasok sa eskinita, nakita ko yung lalaking medyo matagkad, nakatalikod sakin.

Hawak hawak nya yung kwelyo nung binatang payatot.

“please po, parang awa nyo  na.” pagmamakaawa nung lalaki.

Sumandal ako sa pader at inilagay yung mga kamay ko sa bulsa ng jogging pants ko. Ang angas ko din eh.

“oi, bakulaw! Kung gusto mung magpraktis. Humanap ka ng kasize mu!” sabat ko.

Humarap si bakulaw at..

At..

At.

Pucha! Ang gwapong bakulaw nito!

Ah. ah.

Pero syempre di ako nagpahalata. Alam ko namang hindi nya ako nakikita ng ayos kasi naka-mask ako.

“wag kang nakikialam dito!”

Nkita kong medyo lumuwag yung kapit nya kay payatot kaya naman….

“oy, payatot! Takbo na!” sabi ko

At biglang tumakbo na nga, dahilan para maiwan kaming dalawa.

“fuck!” sabi nya.

“tss. Kala ko ba magpapraktis ka? anu tara?” sabi ko habang lumalapit sa kanya.

At pucha talaga. ang gwapo nya sa malapitan.kaso naka-all black. Emo ba to o ano?

“shut the fvck up! Hindi mo alam ang ginawa mo. Pakialamera! pasalamat ka hindi ako pumapatol sa mga babae! “ sabi nya sabay talikod.

“kaso ako pumapatol sa lalaki!” sabi ko, sabay hila sa braso nya pagharap nya sinuntok ko agad sya.

Napaatras naman ako, mejo napaurong sya eh. Napalakas ata ang suntok ko. Sayang ang gwwapo nyang muka!

“fvck! Hinahamon mu talaga ako ha!”

Umabante sya, susugod papunta sakin. Nkataas yung fist nya at akmang susuntukin ako pero nailagan ko kagad iyon. Attack lang sya nang attack. Ako naman defense lang ng defense.

Sa kalagitnaan nang labanan namin, nakaramdam ako ng hilo, kaya hindi ko  nailagan yung suntok nya  at tinamaan ako sa bandang tyan.

“shit!”

sabi nya. Tanga lang. ako ang tinamaan tapos sya ang nag-cuss! Bobo!

Napaupo naman ako sa sakit.

Nung palapit na sya, sinipa ko nang malakas yung binti nya dahilan para matumba din sya sa harap ko.

Tumayo agad ako para atakin sya. kaso everything went black.

Nagising nalang ako na puti lahat nang nakikita ko.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Mar 20, 2016 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

the gangster's first loveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon