F O U R

127 5 1
                                    

WAR PHASE: 4

Nandito kami sa dorm, para bang, isang unit na may 6 na kwarto? Kumpleto, may kitchen, bathroom at living room, ganito ka sosyal dito! Bwahahaha.

Okay, so, back to the situation...

"Eto oh, inumin nyo yan ng makalma kayo..." Nakipag rambulan ba naman kasi tong mga to sa barkada ni Eric.. Hay, talaga naman! Di na nadala! Nako! Mala-Nanay ako nito!

"Dannie, ano to?" Tanong ni Adryna, kailangan ba i-explain? Eh nakasulat naman sa can... Hay...

"Iced Coffee." Sarcastic Mode...

"Anyway, salamat. Pero, anong plano mo at pinag-skip mo kami ng 3rd period?" Seryosong tanong ni Jen, ahh... Ano nga pala?

"OO NGA, BAKIT?" Putek, bat may back-up choir ka? Ang daya ah! Yung Insult Choir pa ang na-hire mo... Psh.

"Kasi... Ah, di nyo ba ako na pansin habang nakikipag rambulan kayo sakanila kanina?" Oo nga, di nyo manlang ako pinansin nung natapunan ako! Hmph! >__<

"HINDE." Ouch. Ang straight-forward nyo naman! Mas lalong masakit kasi sabay-sabay kayo...

TT_____TT

"Ehem... Anyway... Di nyo ba napapansin? You're all beaten up! Halatang di nyo kayang pumasok! Pasalamat kayo at dinala ko kayo sa Dorm! Kundi, baka anytime bumagsak kayo sa hallway, ako pa mamromroblema! At saka may importante akong sasabihin." Napakabait kong kaibigan no? Weh? Haha!

"WOW. WE DON'T KNOW WHAT TO SAY..." Talaga? Weh? Kailangan talaga sabay-sabay? Shy-Effect pa!

"Anyway, may napansin lang ako... Tunkol sa mga taong nakaaway nyo kanina..." Yeah, marami akong napansin... Kaya nga di ako mapakali kanina eh!

"ANO?!" Ay kalabaw! Kagulat kayo! Ang lalaki pa ng mga mata nyo! Creepy... =.= Tarsier!

"Tss. Ano... Isa-isa kayo... Kay Clara muna! Clara, walang gusto sayo si Christian, acting lang yun." Yup, napansin ko yun... Pero meron pa...

"Really? How so?" Exclusive! Heto na! Drumroll please! Drrrrrrrrrr...

"BAKLA si CHRISTIAN." Boom! Haha, pano ko nalaman? Secret!

"WHAT? HOW? HOW DID YOU KNOW?!" Si Clara kausap ko, sabay-sabay kayo nagtanong? Psh.. Insult Choir... -___-

"1st, nakapamewang sya kanina. 2nd, ang lambot ng katawan nya. 3rd, Iniwasan nya ng tingin si Maverick, naghanap sya ng iba para makalusot, nandiri sya sa sinabi nyang, gusto nya si Clara... Gets?" Kaloka, bakla si Christian, ngayon ko lang nalinaw yung hinala ko! Galing ko talaga! Di na pala secret, ayan na eh!

"SI... MAVERICK?!" Woah girls! Wag nyong tignan ng sabay sabay si Maverick baka manigas yan!

"Ack. Kadiri." Anyare sayo Maverick? Wala na! Nanigas na! Ice Cold! Yeah Babeh! Haha! Katawa!

"That was useful information, Dannie, even I, didn't knew that. Even though I've been with that dumb ass since grade school." Oo nga no? Childhood friends nga pala sila... Ka-Nosebleed, nakakaintindi ng Tagalog pero, bihira mag Tagalog depende nalang kung makikisabay sya sa Insult Choir...

"Oo na. So, next... Maverick, kaya bukas zipper ni Gerard kanina kasi..." Ayaw kong banggitin... Kadiri kasi! Ang weird kaya!

"Ano? Bat parang di maipinta yang mukha mo? Sabihin mo na, bago pa kita mabatukan." Aray, saglit lang kasi! Inhale! Exhale... Wooh! Sige eto na...

"Hindi nya pantalon yun! Kay Christian, so meaning... Si Christian at si Gerard... Uhh... Ano... YUN! Yeah! Ganun!" GAAH! Nakakautal! Di ko keri!

"HA? EH AKALA KO BA GUSTO NI CHRISTIAN SI MAVERICK?" Aray! Nabibingi ako! Saglit! Huminahon kayo!

under maintenanceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon