SM University: The SM Gang 4 FYAN

87 1 0
                                    

FYAN's POV

Habang tumatawag si Jessi, naglibotlibot muna ako, hinahanap ko kasi ang CD ng SNSD yung IGAB nila. Pero bigla akong hinila nung isang babae.

"Ikaw ba ang kaibigan ni Yeena?" sabi nung babae sakin, maganda naman siya kamukha siya ni Yeena at nung kuya niya. "Ooopo. Bakit po?sino po kayo?" manginig-nginig na sabi ko. "Ah wala kakilala lng ako ng pamilya nila. Sabihin mo nlang sa kanya na mag-iingat siya ha!"

Si Yeena sasabhan ko pa ba yun na mag-ingat, eh kaya na nun sarili niya mas matapang pa nga yun sakin eh. Pero sino nga ba talaga ang babaeng yun. Ewan ko ba kasi kung sino-sino to'ng mga nagpapakilala na kaibigan o kamag-anak ni Yeena. Hindi naman kasi niya ipinakilala sa amin yung mommy niya, ni picture wala daw siya. E kung sakin pa nga puno'ng puno ng pictures ni mommy at ako yung wall ng kwarto ko, at picture ng SNSD..... mahal na mahal ko si mommy. Pero kay Yeena, ayaw niya'ng pag-usapan yung mommy niya. Kung minsan nga sa pagka tsismosa ni Sunshine naririnig niya yung pag-uusap ni Yeena at nung Kuya niya.

Nag-aaway sila dahil sabi daw ng kuya nito hindi na babalik yung mama nila, pero naniniwala parin si Yeena na babalik yung mama nila. Nakikita ko nga kung minsan, umiiyak si Yeena at inaakap nito ang family picture nila. Bakit ba naman kasi iniwanan sila ng magulang nila, sa katunayan nga swerte yung nanay nila sa kanila eh, maganda si Yeena pero parang siga nga lang kung may kaaway. Matalino si Yeena, magaling rin siya sumayaw. Sana kung yung nanay ko lang yung nanay ni Yeena alam ko proud na proud yun sa kanya. At alam ko naman na kung buhay lang si mommy ngayon proud rin yun sakin. Kaso lang namatay siya sa eksaktong birthday ko nung 11 ako eh. Ayoko rin na pag-usapan yung mommy ko, sigurado iiyak lang ako nun eh. Pero hindi ko pa talaga nakikita ang nanay ni Yeena eh..... khit sa picture hindi niya pinapakita samin. Well bahala na nga sila sa buhay nila!

SM University:The SM GangTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon