Chapter 1

633 3 0
                                    

ANGELO REYES

"Manok na nga ang lumalapit, tukain muna! Ano ba?!" Bulyaw sakin ni Robert.

Natigil naman ako sa pagpapaypay at tinignan siya ng masama, like seriously?! Kahit manok ang lumalapit kung hindi ko naman gusto at kahit kailan ay hindi ako magkakagusto kay Jelyn Quinn! ang babaeng patay na patay sakin. Duh! Hindi ata aware ang gagang yun na bakla ako, Oo bakla ako! Gay sa salitang ingles!

"NO WAY! HINDI KAMI TALO NO!" Mataray kong wika habang nag-iirap. Napailing-iling naman siya.

Siya si Robert Hayes, kaibigan kuna siya simula nuong high school kami. Kahit bakla ako ay hindi iyun naging hadlang, mas lalu kaming naging close ngayon college dahil parehas kami ng kurso, I.T, pero sa iisang subject ay hindi kami magkaklase at iyun ang Psychology.

Andito kami ngayon sa student park kung saan madalas kami tumambay lalu na kapag vacant or free time namin, kagaya ngayon. Wala kaming guro kaya tumambay muna kami. Nagpatuloy na ako sa pagpapaypay at kinalat ang buong paningin sa paligid pero biglang nanlaki an dalawang mata ko ng makita ko ang hindi ko gustong makita.

Para akong tangang napatakip ng paypay sa mukha bigla. Napatingin naman sakin si Robert habang nakakunot ang noo, kinalat din niya ang paningin sa paligid at bigla itong natigil sa iisang direksyon at parang may sinusundan ang kanyang mata. Maya maya pa'y binalin na niya ang tingin sakin.

"Anong problema?" Takang tanong nito sakin. Unti-unti naman akong sumisilip sa taas ng paypay ko, nakahinga lang ako ng maluwag ng di ko na makita pagmumukha ng babaitang iyun.

"Wala, may nakita lang akong impokrita." Wika ko habang magkasalubong ang dalawa kong kilay.

"Alin?" Tanong uli nito.

"Yung naka black...

Si... si Jelyn Quinn yun. Yung babaeng patay na patay sakin." Saad ko. wala na kong narinig na imik galing kay Robert kaya napatingin ako sa kanya. Nakanga-nga ito habang nakatingin sakin. Kumunot naman ang aking noo.

"Bakit?" Takang tanong ko.

"Ah.. wala." Wika nito sabay iling iling at ngumiti ito sakin at tumingin sa malayo na parang may iniisip na malalim.

Hindi ako satisfy sa sagot niya, alam kong may something pero hindi ko na pipilitin kung ayaw niyang sabihin, kumbaga respetuhin ko nalang. Nasagi ng aking mata ang aking relos at nanlaki ang dalawa kong mata. 10:25 na pala, 10:30 next class namin ni Robert!

"ROBERT! TARA NA, 10:25 NA O." Sabi ko habang pinapakita ang relo ko sa kanya. Tinignan naman niya tsaka ito tumango at binuhat ang bag tsaka bag ng laptop niya at nagsimula na kaming maglakad.

Walang umiimik sa aming dalawa habang naglalakad kami. Hindi ako sanay na hindi kami nag uusap o di nag haharutan kapag naglalakad kami. Rati rati kase ay malayo palang kami ay rinig na rinig muna ang sigawan namin ni Robert. Ganun kami kalala mag harutan. Siguro may problema ang loko.

ROBERT HAYES

Hindi ko alam kung papanu ako mag re-react. Hindi ko alam kong ma o-offend ba ko o malulungkot? Napailing-iling nalang ako sabay buntong hininga.

"okay ka lang ba?" Tanong sakin ni Angelo. Tinignan ko muna ito sabay tango.

Well, hindi ako okay, papanu ako magiging okay kung yung babaeng gusto ko ay gusto ang bestfriend ko? and take note, patay na patay daw si Jelyn sa kanya. ang masaklap sa lahat ay alam kong masasaktan si Jelyn kapag nalaman niya ang trato sa kanya ni Angelo. Ang babaeng pinapangarap ko ay binabasura lang ng iba. Ang nasabing nagbabasura ay ang bestfriend ko.

So tell me, how can I deal with this kind of situation? That's bullshit!

2=#C 


Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Sep 26, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Sex and LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon