'Mahal Kita, Di lang talaga halata'

48 0 0
                                    

'Mahal Kita, Di lang talaga halata'

Oo, MAHAL KITA! Di nga lang obvious. Oo nga, nagsasabi ako ng totoo. Ewan ko, Pagdating kasi sayo hindi ako showy na tao. Hindi ko nga matandaan kung nasabihan na kita ng 'I Love You' . SERYOSO. Nasabihan na ba kita? Wala kasi akong matandaan. Siguro sa letter oo, pero sa personal hindi pa. Kung bakit? Ewan ko. Hindi ko lang siguro nakasanayan. Wala kasi sa routine natin ang magsabihan ng 'I Love You' Nahihiya siguro ako. Hindi ko rin alam. Basta ang weird lang kasi.

Kahit kailan hindi tayo magkasundo. Sabi nga ni tita para tayong aso't pusa, parati kasi tayong mag-away. Kahit maliit na bagay lang, basta hindi tayo nagkasundo mag-aaway tayo. Ganun talaga kasi tayo. UNIQUE  Ikaw nga daw ang 'Mortal Enemy No. 1' ko. No need to explain, nasabi ko na. Kaaway kasi kita sa lahat ng bagay. Pero sanay na ko. Hindi nga natatapos ang isang araw na hindi tayo nag-aaway. Bonding Moments na nga natin yun. Ang mag-away. Kakaiba diba? Sabi ko nga, UNIQUE TAYO.

Hindi rin tayo close, open kasi tayo. Hahaha  Joke lang. Pero seryoso, hindi tayo close. Alam mo yan  Ewan ko ba. Kakaiba talaga tayo no? Hindi pa ko nakakapag-open up sayo o kahit simpleng kwento lang. Para kasing may barrier, kasi nga hindi tayo close. Ganun talaga, Kakaiba kasi tayo. Pero kapag may time, nagkukwento naman ako. Kapag kumakain, nanonood ng tv o kahit ano pang ginagawa natin. Infairness nakikinig ka naman. Yan ang silbi ng kadaldalan ko :)) Pero kahit ganun, MAHAL KITA. Di mababago yun

OBSERVANT KA RIN. Lahat na napansin mo. Apple of The Eye mo nga ako eh. Parati na lang kasing AKO. Pero lahat naman kasi ng napapansin mo totoo. 'TAMAD AKO' yan ang number one. Aminado naman ako. Hindi ako proud na tamad ako ah, umaamin lang. Sinusubukan ko namang maging masipag. Ayoko na rin naman na palagi na lang nating pinag'aawayan ang pagiging tamad ko. Marami ka pang napapansin, kapag nilagay ko lahat dito aabutin ako ng bukas bago ko to matapos. Ganun ako kapasaway, alam ko. SORRY. sinusubukan ko namang magbago. para hindi na tayo mag-away.

Super caring ka. Alagang-alaga kami sayo. para nga kaming baby. Sabi mo nga, ang swerte namin. Wala kaming ginagawa masyado sa bahay, super gaan lang ng mga pinapagawa mo. Sobrang simple, hindi naman nakakapagod masyado. sadyang tamad lang kami. Kaya, 'THANK YOU' kasi parati kang andyan para samin. We owe you a lot. Thanks kasi kahit na ang tanda ko na, inaalagaan mo pa rin ako. kaya 'MAHAL KITA EH'

MAMA, kahit na ganto ako (pasaway, makulit, di nakikinig etc.) MAHAL KITA. Kahit hindi halata. Thank you po sa lahat-lahat. Sorry for my short comings. ayoko nang mag-reason out. nawawala yung sense ng sorry. again, I LOVE YOU MAMA.

*********************************************************************************

HAHAHA :D mother's day gift kay mama

XOXO

'Sheeny

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: May 12, 2013 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

'Mahal Kita, Di lang talaga halata'Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon