Capture Him 6

435 16 8
                                    

A/N: 

After so many many mnay many many many many days, nakapag UD din. XD Sana, magustuhan niyo to. ^^

Meahri's POV

Tapos na ko mag hugas ng mga pinag kainan. At andito ako ngayon sa kwarto ko.

NAG-IISIP. Oo nag-iisip, kayo lang ba pwede mag-isip?

Ayewan! Tch. iniisip ko kasi yung sinabi sakin ni Sehun. Anobayuuuuun? Pero sure talaga akong sinabi ko yun sakanya. 

Pero kailan?

Pero feeling ko din nung nalasing ako nasabi ko yun sakanya..

So, tama yung nadama kong binuhat niya ko kagabi..

BINUHAT NIYA KO KAGABI.

BINUHAT NIYA KO KAGABI.

BINUHAT NIYA KO KAGABI.

BINUHAT NIYA KO KAGABI.

OIUYTREWSWSDFGHJKMJNHGFDFGBH!Teka! Hindi ma'digest sa intestine ko yung mga na'conclude ko.

Ibig sabihin, siya yung nagdala sakin sa kwarto kaya pala feeling ko lumulutang ako. At yung sinabi niya kaninang Sehunnie chuchu ay sinabi ko sakanya nung panahong lasing ako. At yung sinabi niyang hinalikan ko siya, ay ginawa ko matapos kong sabihin yung mga yun sakanya.

And I therefore conclude, KAILANGAN KO NANG BURAHIN PAGKATAO KO AT MAG PALAMON SA KAHIT ANONG NILALANG NA GUSTONG LUMAMON NGAYON. ETO NA! BINIBIGAY KO NA BUONG PAGKATAO KO SAYO!WAG LANG AKO MAKITA NI SEHUN! SOBRANG NAKAKAHIYA AKO. PAKI'LAMON NA DIN YUNG BIRTH CERTIFICATE KO PARA BURADONG BURADO NA KO!

Oh, medyoOA na. Eeeeeh! Nakakahiya kasi yung ginawa ko. AKO PA TALAGA NAG FIRST MOVE. Tapos lasing pa ko, di ko man lang nadama yung halik kahit 10%.XD -_______-

Ang malas naman, ngayon pa rest day nila ng ilang araw. Iiwasan ko pa naman siya, ayokong makita niya ko. Haaaaayyy! Bahala na!

Lumabas ako ng kwarto para pumunta sa garden...

Ang fresh ng hangin, ang lamig pa. Mayamaya nakita kong padating si Sehun. Takte RED ALERT! Kailanagan na mag evacuate. Napatayo ako agad at umalis na sa lugar.

Mag tatangahalian na laya naman nag handa na ko ng mga lulutuin. Padating nanaman si Sehun. Leshe! Kung kailan naman umiiwas ngyon pa naging lapitin. Talaga namaaaaan! Umalis ulit ako. Kunyari pumunta ng cr. Nag hintay lang ako ng ialang minuto at pinakiramdaman kung wala na siya.

Saka ako lumabas para ipag'patuloy yung gagawin ko.

Matapos kong maluto yung mga pagkain, tinawag ko na sila para kumain na ng tanghalian.

Naupo na silang lahat, nahuli si Sehun dumating at saktong sa harap kong upuan nalang yung bakante. Talaga namanoooo! Kaya naman pagka'upo niya, ay bigla akong napatayo. Medyo nagulat sila. Nakipag palit ako kay D.O ng pwesto para hindi ko matanaw masyado si Sehun.

"Oh, bakit ka makikipag palit pa?" D.O

"Ah! Ano.. Mas malapit kasi sa pwesto mo yung ulam. HAHAHAHAH! Para abot ko." Potek. NAPAKA lame ng excuse ko. -_________-

"Ah ganun ba? Sige. ^^"

Habang kumakain kami, biglang nag salita si Sehun.

"Pabigay nga nung ulam." Siya

Ay! Tinamaan ng magaling sakin pala malapit yung ulam. Ayoko mag abot. Kaya naman binilisan ko yung pag kain ko at umalis na sa lamesa.

Feeling ko, na'weweirdan sila sakin. Tch. Bakit ba? Eh, sa nahihiya talaga ko kay Sehun eh.

Capturing Sehun's Heart of EXO-K OperationTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon