The Busted Princess
Written By
Newstoryoflove
Mahirap umibig sa isang tao na imbis "True Love" ang ipadama ay "Pain" ang ipinakita
One hundred percent ay ibinigay ko sa kanya kasi mahal ko sya
Pero dahil sa inakala kong hindi mangyayari sa akin ang nangyari sa mga magulang ko ay nasaktan ako
Hindi ko inisip na pwede rin palang mangyari sa akin ang nangyari sa kanila
Kaya ito ako, simula ngayon ay isinara ko na ang puso ko para sa mga lalaki
Mga lalaking mahilig magsabi ng "I Love You" pero wala naman sa gawa
Mga lalaking walang ibang alam kundi paikutin kami
At higit sa lahat
Mga lalaking ginamit kami at itinapon sa huli
Part 1
* I'm BP *
---
" Stop Daniel! ayoko ng marinig ang mga salitang iyan dahil minsan na akong nasaktan sa piling ng iba kaya ayoko ng muling maranasan iyon dahil pakiramdam ko ay mamamatay ako sa sobrang sakit kaya please lang, iba na lang ang mahalin mo " - Christine Kay Feleciano
" Kung nasaktan ka noon sa piling ng iba ay huwag kang matakot na magmahal ulit dahil hindi lahat ng lalaki ay marunong manakit ng damdamin, bakit hindi mo subukan magmahal ulit? sabi nga nila kung may first love never die mayroon din namang love is much better in a second time " - Daniel Villanueva
---
Bago nga pala ang lahat ay magpapakilala muna ako sa inyo
Im Christine Kay Feleciano, 16 years old and 1st year college sa "Stanford Academy"
Ang course ko ay HRM, Hindi mahirap pero may kaya naman
Hindi ko nga pala kilala ang papa ko dahil sabi sakin ng mama ko ay nakipag hiwalay sya kasi niloloko lang naman sya
Bali mag-isa si mama na nag-aalaga sa akin
Pero kahit ganun ay minsan hiniling ko na sana makilala ko man lang sya
Wala pala akong kapatid kaya ako lang mag-isa
Nakalimutan ko palang sabihin na
Minsan ang tawag nga pala nila sakin ay
TinTin
Kay
At higit sa lahat
BP
BP? alamin nyo na lang po mamaya
Ok back to story na po tayo
" FRESHMEN ka diba? " tanong sakin ng isang Teacher
" Ah opo, bakit po? " tanong ko
" Wala naman, sige pumasok ka na sa klase mo at baka malate ka pa "
BINABASA MO ANG
The Busted Princess (On-going)
Teen FictionBabaeng mahilig mam Busted sa mga Lalaki kaya tinawag sya bilang "The Busted Princess" pero paano kung makilala nya ang "The Playboy Prince?" Sa tingin nyo magagawang baguhin ni Playboy Prince si Busted Princess? o tuluyan na talaga syang magiging B...