Part 8 - The Terror Prince

69 13 2
                                    

Part 8

* Terror Prince *

Daniel pov

Unti-unti kong inilapit ang mukha ko sa mukha nya

Napansin ko naman na bigla syang pumikit

Ibig sabihin gusto din nya na halikan ko sya

Sa wakas magagawa ko na rin ang binabalak ko

Hahalikan ko na sana sya ng bigla nakaranig kami ng.....

Blaggggg!!!!!!!!!!

Agad naman akong napatingin sa pinto kung saan ay dun nanggaling ang tunog

" Ano yun? " tanong ni Christine

" Aba ewan ko " sagot ko naman

" Boss anong gagawin natin dito? " galing sa labas ang boses

" Itago mo na lang yan sa loob "

Napansin kung gumagalaw yung doorknob kaya kinuha ko yung polo at t-shirt ko sabay hila kay Christine papunta sa likod ng box na lalagyanan ng mga walis

" Uy ano ba nasasaktan ako " angal nya

" Huwag ka nga munang mag-ingay " ako sabay takip sa bibig nya gamit ang mga palad ko

Kung hindi ako nagkakamali ay sila yung mga taong kinakatakutan dito sa school

Habang nagtatago kami ay sinusuot ko ang polo at t-shirt ko

Matapos kong magbihis ay nakita ko na may lalaki na unti-unting pumasok sa loob at para bang may hinihila na mabigat na bagay

Pagkapasok nung lalaki ay nakita ko na tao pala ang hinihila nya papasok

" Vin hayahan mo na yan " lalaking nakawhite

" Tulungan mo kaya akong buhatin ito para matapos na " yung lalaking nakablack na may hinihila

" Alvin tara na " lalaking nakared naman

" Pero Boss " angal naman nung nakablack

" Tara na kasi si Red na yung nagsabi oh " yung nakawhite

" Oo na nga " yung nakablack sabay labas

Pagkaalis nila ay agad akong nagmadaling pumunta sa pinto para pigilan itong sumara

" Tara na Snober, labas na tayo " mahina kong sabi, baka kasi hindi pa sila nakakalayo

" Wait pano toh? " Christine sabay turo dun sa lalaking nakaandusay sa sahig

" Hayahan mo sya mukhang ok lang naman yata yan " sagot ko

" Sandali kawawa naman kung hahayahan lang natin sya "

Kainis naman oh, kung hindi sana sila sumulpot edi sana nahalikan ko na sya

" Akala ko ba ikaw ang Busted Princess? tara na nga, ipagpatuloy na lang natin sa clinic " ako sabay hawak sa kanya palabas

" Oo nga pero hindi naman kaya ng konsensya ko na pabayahan lang itong lalaki " sya sabay piglas sa pagkakahawak ko

Haist! wrong timing naman kasi eh

Bigla syang lumapit dun sa lalaki ay sinubukan itong buhatin paangat

Pero hindi nya ito mabuhat, siguro dahil sa hindi nya kaya

" Halika nga dito at hawakan mo tong pintuan ang lampa mo naman " ako sabay bitaw dun sa pinto

Sinunod naman ni Christine ang utos ko

The Busted Princess (On-going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon