Part 9
* Stupid *
Raiven pov
Ano na kayang nangyari sa kanya?
Tapos na ang break time at wala pa rin sya
Si Daniel kasi hinila pa sya palabas
Yan tuloy pati sya nadamay
Sana naman ayos lang sya at sana hindi rin gawin ni Daniel yung mga ginagawa nya sa mga babae
" Prince Raiven " Rachel sabay tingin sa akin patalikod
" Bakit? " tanong ko
" Bakit hanggang ngayon wala pa rin sina Kay? " tanong nya rin
" Sorry pero hindi ko rin kasi alam ang dahilan " sagot ko
" Ganun ba, sige thanks na lang " Rachel sabay harap
Kinuha ko naman yung cellphone sa bulsa ko para tawagan si Daniel pero cannot be reach
Sinubukan ko naman contact-in si Aldian pero hindi naman nya sinasagot
" Prince Raiven pansin ko lang, bakit parang kanina ka pa nag-aalala may problema ba? " tanong sa akin ng katabi ko na si Eli
" Huwag mo na lang akong pansinin "
" Ok, sabi mo "
Siguro mas mabuting hanapin ko na silang dalawa
Tumayo na ako at lumabas ng room
Wala pa naman yung next prof namin
Christine pov
Habang naglalakad ako palabas ng building ay bigla akong huminto
Huminto rin naman sa paglalakad si Daniel
" Oh bakit ka huminto? may problema ba? " tanong nya sa akin
" Wala naman, aayusin ko lang sintas ng sapatos ko " sagot ko
" Okay " sya na pinagpatuloy ang paglalakad
Yumuko muna ako saglit para ayusin ang sintas ng sapatos ko
Matapos kong ayusin ay tumayo na ako at naglakad na
Habang papasok ng ibang building si Daniel para puntahan ang room namin ay may napansin akong tao sa rooftop
Kitang-kita ko naman na yung taong iyon ay may hawak na paso at binitawan ito
Narealize ko naman na yung pasong inilaglag nung lalaki sa rooftop ay tatama kay Daniel
Kaya mabilis akong tumakbo palapit sa kanya, pagkalapit ko ay agad ko syang hinila palayo
Bigla naman akong naout-balance kaya natumba kaming dalawa sa sahig
Bali, nasa ibabaw ko sya at nasa ilalim naman ako
Nagkatitigan kaming dalawa at bigla na lang bumilis ang tibok ng puso ko
Ewan ko ba kung ano itong nangyayari sa akin
Mahigit 4 years na rin ang nakakalipas ng maramdaman ko ito
Habang magkatitigan kami ay napansin ko na may tao sa harapan namin kaya tinignan ko ito
Pagkatingin ko ay nakatayo lang si Raiven na para bang tulala
Bigla naman itong tumakbo paalis
Ano naman kayang problema nun?
Hindi man lang kami tinulungan makatayo ay ewan ko sa kanya
BINABASA MO ANG
The Busted Princess (On-going)
Teen FictionBabaeng mahilig mam Busted sa mga Lalaki kaya tinawag sya bilang "The Busted Princess" pero paano kung makilala nya ang "The Playboy Prince?" Sa tingin nyo magagawang baguhin ni Playboy Prince si Busted Princess? o tuluyan na talaga syang magiging B...