Chapter 1: Newbie

35 1 0
                                    

Ako si Nicole Ozni Javier. 15 years old, meron akong isang kapatid, Simple lang akong babae, hindi laging maayos ang buhok ko, hindi ako masyadong "girly", favorite ko ang Cobra Energy drink, Mahilig ako manuod ng PBA. (Go Ginebra!) Pero, Hindi ako tomboy! Hahaha! nagkaboyfriend na kaya ako, at take note, LIMA na! Pero kahit nakalimang BF na ko, parang wala lang. Yung parang, okay may boyfriend ako, okay nagbreak kami. Yung ganun? Hahaha! Grabehan nu? Ewan ko ba!

It's 2nd week of May 20__. Andito na kami sa Newtown City. Lumipat nanaman kami ng bahay. Actually pangalawang lipat na namin to,nung una eh nung magse-second year HS ako. Pero sana magtagal na kami dito. Ang hirap kaya maglipat lipat, knowing na sa province pa kami nanggaling? sobrang layo kaya! Sobrang nakakapagod!

At first ayoko talagang lumipat ng bahay. Knowing na incoming fourth year high school na ko. Halos mangiyak-ngiyak ako nung sinabi nila Papa sakin na lilipat kami dito sa Newtown. Hindi ako umiiyak dahil ayoko dito, umiyak ako dahil alam kong sa paglipat namin, panibagong buhay, panibagong school, panibagong mga mukha, at panibagong pakikisama nanaman ang gagawin ko.

Hayy. Buti nalang dito din nakatira sa Newtown ang tita ko. At sya pa ang presidente ng subdivision na titirhan namin! Galing di ba? Atleast may makakausap ako dito kahit papano.

So dahil May na at malapit na mag June, Kailangan ko na daw mag enrol para hindi ako mahuli. Nag suggest naman ng school na pwede kong pasukan ang tita ko para hindi na kami mahirapan maghanap pa. Dalawang school yung sinuggest ni tita. Sa ADHS at GKDHS. At dahil sa ADHS nag aaral ang pinsan kong si Lyka, sa GKDHS ako papasok. Ayoko ngang may kamag anak sa school. Awkward kaya. XD

(GKDHS)

Andito na kami ni Mama sa school na papasukan ko. Public school lang to. hindi naman kasi ganun ka afford ng mga magulang ko na sa private school ako papasukin, lalo na't meron pa akong isang kapatid na mag-aaral din.

Tinuro ng guard sa amin kung saan yung principal's office dahil dun daw kailangan mag enroll ng mga transferees. Pagpasok namin dun....O__O Nakakatakot yung itsura ng principal! Waaaaaaah!

Ok. Ang OA ko dun sa part na yon. HAHAHA! Pero hindi naman talaga ganun nakakatakot. Mukha lang kasi talagang masungit.

"Patingin ng records mo" Sabi nung parang baklang principal. Sabi ko na nga ba masungit to eh!

"Eto po" Actually handa na talaga akong magtransfer. Dala ko lahat ngrequirements. tignan ko lang kung magsungit ka pang principal ka pag nakita mo mga grades ko. :3

"Bakit ka magttranfer? Antataas ng grades mo oh! Sayang naman to."

"Kailangan lang po talaga eh"

"Ok. since transfer ka, hindi kita pwede ilagay sa section 1. Gusto mo ba ng afternoon shift?"

"ahh kung pwede po gusto ko pang umaga ako. :)" i said smiling.

"Osige dito ka sa section 3 ha. :)"

Mabait naman pala yung principal. After ko mag enroll, Sinabi ko kay mama na mauna na syang umuwi. Gusto ko kasing maglibot libot dito sa school. Para maging familiar na rin ako dito.

Naglalakad ako ngayon dito sa corridor ng PLED building. Yung mga estudyanteng nakatambay pinagtitinginan ako. Alam siguro nilang bago lang ako dito. Sana mababait sila. Hihi

Napaliko ako bigla nang may nakita akong naghahalikan sa may sulok sa ilalim ng hagdan.

"Waaaaah" Sigaw ko, Pero hindi naman  ganun kalakas. Anu ba naman yan! Hello? School ito! PUBLIC school! Hindi motel! Grabe anu kayang madadatnan ko dito sa school na to sa pasukan. Hayss

"Anu ba Miss wag ka ngang maingay dyan!" -- Sabi nung babae tska ako inirapan. Yung babae pa talaga yung nag sabi nun ah!

Tumingin lang sakin yung lalaki na parang nakakainis tska iniwan yung babae sa sulok.

"Hey Wait!" - Giit ng babae.

Umalis na ko dun. Hindi ko nalang papansinin yun, Masasayang lang oras ko. Hahaha!Makakain na nga lang! Ginutom ako sa kanila! :3

Napagpasyahan ko ng lumabas ng school at umuwi na. Pag kalabas ko ng School, May napansin akong maliit na tindahan, pagkalapit ko, Lalo akong ginutom sa nakita ko. Kwek-Kwek! Ghaaaad!

"Ate Magkano po isa?" Tanong ko dun sa tindera na parang kaedad ko lang. Medyo chubby sya.

"Piso lang ate ^_^" Piso??? WEH?

"Talaga?"

"Oo ate! Tuhog ka lang jan! ^_^" napaka Smiling face naman neto! mukang mabait!

Tumuhog ako ng Sampu. Tpos bumili ako ng isang basong gulaman. Naghanap ako ng mauupuan, Nagpalingo lingo ako pero wala akong nakita, puro occupied na ng mga grupo ng estudyante except dun sa isang table na may isang lalaking nakaupo.

At ako itong si mahiyain makipag usap, ang ginawa ko, umupo nalang ako ng hindi nagsasabi. Aba! hindi naman siguro sya ang may ari nitong lamesa no? Oo! ako na pasaway! XD

"Uhm, Miss, Hindi ka manlang ba magsasabi na uupo ka dyan? Alam ko namang gwapo ako eh. Pero sana magpaalam ka parin" Aba! Likas palang mahangin dito. -_-".

Napatingin ako sa sibabi nya. Yung tingin na parang hindi naniniwala at nagtataka. Pano ba naman kasi, ganito ba talaga mga estudyante dito? Kung hindi malalandi, mahahangin naman. Parang ako pa ata magtataguyod ng Manners Club dito ah! Hindi ko namalayan na nakatitig na pala ako sa kanya.

"Alam mo kasi Miss, Hindi kita kilala. Bago ka dito no? Iba talaga dating ko! Pati mga bagong estudyante nahuhumaling kaagad! Osya sige Miss! Nice meeting you!" Sabay alis at kuha ng isang kwek kwek galing sa plate ko. =___=

"Urrrrgggggh! Kaasar yun! Ang yabangggggg!" Mahina kong sabi ng bglang may nagsalita.

"Ganun talaga yun ate! Medyo pasaway! Ilang beses na-o-office yun kada isang school year. Buti nga pumapasa eh!" Sabi nung ateng cute na chubby na Taga tinda.

"Ah! Kilala mu pala yun! Nakakaasar sya eh! Grabehan. Lakas ng hangin eh. Hahahaha!" Mukang magkakasundo kami nito ahh.

"Oo, Kabatch ko yun eh. ^___^. Nga pala ate, Bago ka ba dito?" Tanong ni ateng chubby.

"Oo, Transferee ako :)"

"Ah kaya pala hindi ka familiar sakin.. Ako nga pala si Kisha :) Incoming 4th year na ko jan sa school na yan :) ikaw? anung year mo na?" Wow! Akalain mu yun? Sabi ko na nga ba kaedad ko lang to eh!

"4th year din ^__^"

"Wow sana maging magkaclassmate tayo! ^____^"

"Oo nga! Sana nga para hindi na ko mahirapan kasi may kakilala na ko. Hehe!  Osige Kisha! Uuwi na ko, anung oras na din eh. bye!"

Pagdating ko sa bahay, Saktong kainan na. Pagkatpos kong kumain, Umakyat na ko sa kwarto ko at natulog.

Ilang minutes ang nakalipas. 10 mins, 20 mins, 50 mins. Nako! baka excied lang ako pumasok! Haha! Excited? Hmm. Ewan ko lang ah.

Bigla kong naalala si Kisha, Sana maging classmate ko sya! :D Tekaaaa! Sabi nya kabatch nya yung bagyong lalaking yun. Edi ibig sabihin,... No way! Hindi! 12 sections meron ang 4th year!

imposible!

(A/N: Sorry po kung hindi nameet ng update ko ang expectation nyo! Hehehe. Please Comment And vote po! Dagdag Inspiration =) ThankYow!)

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: May 12, 2013 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

My first love was a CassanovaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon