The Wedding

24 0 1
                                    

Arrianne's POV

Umaga na,dali dali akong nagtungo sa salamin , tinignan ko ang repleksyon ko

"huhuhu mukha akong bangag"

Hindi kasi ako nakatulog ng maayos kagabi dahil sa komprontasyon namin ni Drake

Tama parin ba na ituloy ko to??
Paano naman ang nararamdaman niya???

"hayyss"

Biglang bumukas ang pintuan at sumilip si Midnight

"kamusta ang bride?"

Ngumiti lang ako ng pilit , pumasok naman siya at umupo sa tabi ko

"bakit parang malungkot ka?" tanong niya

"night??tama bang ituloy ko to?alam mo naman na hiniling ko lang to kay master?hindi niya to gusto lalo na at naibalik na ang totoong mahal niya"

Tumingin lang si midnight saakin ng mataman

"hayy arrianne, hindi ko rin alam kung tama ito pero sa opinyon ko nais kong ituloy mo, sa buhay natin meron tayong one shot, kaya gamitin mo ang one shot in life para sumaya ka,masaktan ka man sa huli at least sinubukan mo"

Niyakap ko siya at napaiyak ako
Tama naman si Night susugal ako sa desisyon kong ito , manalo matalo basta sinubukan ko
Talo man ako sa huli at masaktan makakamove on naman ako at isang dahilan ng pagiging makulay ng buhay ko


"ooopss huwag ka umiyak kasal mo ngayon gusto mo ba pangit ka mamaya?"

Napatawa nalang ako , tumayo siya at palabas ng ng silid ng lingunin niya ako

"nga pala arrianne, no one can force Drake to do something if he dont want it, even the devil it self" nag wink pa siya at tuluyan ng lumabas


Huh ano daw??di ko siya ma gets
Bangag din siguro yun haha

Okay sinimulan ko ng maligo after ko mag drama fight fight fight ako sa pagmamahal ko kay Drake


Nagbabad muna ako sa bathtub then after ko maligo pumasok na sa kwarto yung mga mag aayos saakin

Hindi pala uso wedding gown dito
Yung native dress ang susuotin ko

Isang kulay puting long gown na parang damit ng goddes sa greek mythology
Bawat laylayan ay may parang nakaburda na mga texto na kulay ginto
Ng isuot ko ito nagmukha akong dyosa haha

Inayos yung buhok ko ,naka braide tapos inikot ikot nila para maging bun may pinatong sa ulo ka para siyang headband na kulay gold na ang design is dahon at tangkay

Nilagyan nila ako ng konting make up at hinayaan lang nila ang labi ko since mapula na talaga siya

Pagtingin ko sa salamin boom

Hindi ko na kilala yung sarili ko

Namamangha ako kasi ang elegante ko tignan, para akong reyna na parang diyosa nung medieval period

Lumabas na yung nag ayos sakin ng pumasok si magus

"napaka ganda mo iha "

Napangiti naman ako dahil sa shock na nakita ko sa mukha ni tito magus haha gandang ganda siya sa nakikita niya

"ready ka na ba? Anjan na ang pantas na magkakasal sainyo"

Bigla naman akong kinabahan
This is it

"ready na po ako" sabi ko

Inakay na niya ako at dumiretso kami sa enchanted garden kung saan isasagawa ang ritual ng pagiisang dibdib

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Sep 29, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Beyond RealityTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon