Part 1

10 2 0
                                    

                         Sa malayung lugar sa Kaharian ng Hamugawe, nakatira ang isang masayang pamilya. Ito ay ang pamilya ni Mang Berting at ni Gng. Cilia. Salat man pera at karangyaan hindi nila kailanman ito inisip bilang hadlang sa kanilang buhay. Sa kanilang pagsasama ay biniyayaan sila ng tatlong supling. Dalawang lalaki, si Lino labing-walong taon (18), si Melvin labing-limang taon(15), at ang bunso at nag-iisang anak na babae na si Almira labing-tatlong taon(13). Lingid sa kaalaman ng mga itosi Almira ay isa lamang ampon. Nakita lang siya nang mag-asawa sa gilid ng kweba sa gubat na nakapaloob sa lumang tela na may nakaburda na pangalang 'ALMIRA' at may isang palaso sa gilid ng pinaglagyan nito. Iyak ito ng iyak, hindi nila alam kung ano ang gagawin nila rito at kung sino ang nag-iwan sa sanggol ngunit gayunpaman, hindi nila ito iniwan. Inampon at inaruga ng mag-asawa ang sanggol at itinuring bilang kanilang sariling supling.

Hindi nagtagal, lumaki at nagka-isip si Almira kasama ang pamilyang kinalakihan niya, masaya,at puno ng pagmamahalan ang kanilang pamumuhay. Ngunit sa hindi ina-asahang pangyayari sumiklab ang labanan ng dalawang Kaharian. Bilang isang mamamayan ng Kaharian ay tungkulin nilang protektahan ang kanilang lugar. Gustohin man nila o hindi kailangan nilang tumulong sa mga Sundalo, para na din madagdagan ang bilang ng hukbo at upang hindi masakop ang kanilang Kaharian. Bago umalis sa kanilang tahanan ay kina-usap muna nila ang kanilang dalawang anak. Binigay ni Mang Berting kay Almira ang matagal na nitong gustung ibigay sa kaniya " Anak, Amira, pagkaingatan mo ito, dahil ito ang nagdala sayo saamin, sana magpakatatag ka at sana patawarin mo kami sa aming pagkukulang sa'yo . At kahit anoman ang mangyari sa laban naming ito, maging matatag kayo. Isasama naming ang inyung nakakatandang kapatid, dahil maliban sa nasa tamang edad na naman siya ay gusto talaga niyang sumama at hindi na talaga namin siya mapigilan pa. Huwag kayong aalis sa bahay hanga't hindi pa natatapos ang digmaan." Ang sabi niya sa mga ito. " Anak, mag-iingat kayo at sana mahanap mo kung ano talaga ang dahilan at kung sino ka talaga." Dugtong Mang Berting.
" Anak, kung sakaling hindi man kami makabalik hanapin mo ang larawan na nasa loob ng sobre na ito" may ibinigay na puting sobre si Inay sa akin.

;p19܍

ALMIRA (ONE SHOT) Where stories live. Discover now