Nag-tataka man sa gusting iparating ng Hari ay agad na nagbihis ang dalawa at pumunta sa Palasyo. Masaya nilang hinanap ang kanilang mga magulang at ang kapataid. Ngunit bigo sila ng Makita nila na isa nalamang itong malamig na bangkay.
Umiiyak na si Almira kahit hindi pa sila nakalapit sa bangkay. Gustohin mang umiyak ni Melvin ay ayaw niyang ipakita sa kapatid na mahina siya sa halip ay niyakap na lamang niya ito. Biglang may nagsalita kanilang likuran. " Patawad aking munting kaibigan" Nagulat sila sa nagsalita sa kanilang likuran. " Huwag ho kayong humingi ng tawad aming mahal na Hari. Hindi niyo ho kasalanan ang kamatayan ng aking mga magulang at kapatid. Masakit man hong sabihin, ito ho siguro talaga ang kanilang tadhana. Ang pumanaw na may karangalan at tapat na makapag-lingkod sa inyong kaharian." Ngumiti lang siya ng malungkot sa Hari. " Alam niyo ba na si Berting ay aking kaibigan." Pag-mamalaki ng Hari. Nagulat man sa sinabi nito ay ngumiti nalamang sila rito. " At sa harap niyo sasabihin ko, hindi ko man kayu maiagtanggol lahat, pero pinapangako poprotektahan ko kayo sa ibang mga bagay."
Nagpalakpakan naman ang mga tao sa lugar. Totoo nga ang sinabi ng kanilang mga magulang tungkol sa Hari nila. Hindi ito swapang sa kapangyarihan, matulongin ito at higit sa lahat ay mapagkumbaba pa ito. Dahil sa pangyayaring ito ay nagbago ang pananaw nila sa buhay. Kinalimutan nila ang pagiging buhay bata, laro, at ang pagigingbinata at dalaga na karaniwang inaatopag ng mga kagaya nila. Inubos nila lahat ng oras nila sa pag-iinsayo, at mapabuti ang kanilang pamumuhay.Lumipas ang siyam na taon (9) ay nagging matagumpay sila. Nagkaroon ng pangalan sa kanilang lugar at hinahangaan ng karamihan dahil sa taglay nialang magandang kalooban at maayos na pakikitungo sa mga tao. Lingid sa kanilang kaalaman unti-unti ng nasisira ang harang na giwa ng mga dyos at dyosa na pomoprotekta sa kanilang kaharian. Naglilinis si Almira ng kaniyang silid ng may mapansin siyang itim na kahon. Kinuha niya ito at binuksan. Nagtaka siya ng makakita siya ng itim at puting sobre. Naalaa niya ang huling pag-uusap nila ng kanyang magulang. "tama! Ito nga ang makakasagot sa aking mga katanongan."
binuksan niya ang sobre na kulay itim. "ano ito?" biglang lumiwanag sa buong silid.
nagulat na lamang siya na iba na ang kaniyang ayos. May nakasuot ng baluti sa kanyang katawan, hindi pa roon nagtatapos ang kaniyang pag-kagualat. Biglang may lumabas na usok mula sa sobre at mag biglang lumitaw na itim na pigura ng isang lalaki at babae. " magandang araw sa iyo anak." Nakangiting sabi lalaki sa kanya. "Anak?" nagtataka niyang tanong. " sigoroy malaki kana sa panahon ngayun at naisipan mo ng buksan ang itim na sobre. Masaya ako at nagtagumpay ka sa lahat ng pag-subok sa iyong buhay."
" panahon na para malaman mo ang katotohanan.Huwag ka sanang mabibigla sa aking sasabihin, kami ang iyong tunay na mga magulang. Isa ka sa mga supling na aming inilabas sa mundo ng Glerio upang mailigtas ka sa mga bruha at mga mangkukulam (witch, sorcerer). Sana'y maintindihan mo ito at sana'y mapatawad mo kami."
Ang huli niyang narinig bago mawala ang mga pigura nito. Sila ang aking mga magulang, kayaba ba ganito yung mga nagyayari sa akin? Mabilis makapag-isip ng mga paraan kapag may laban at magaling mag isip ng mga istratihiya. Dahil isa akong dyosa? Isa ako sa kanila. Sunod niyang binuksan ang puting sobre nabigla siya sa litrato na nalaglag. Kung gano'n totoo nga. May dalawang litrato ang nalaglag. Litrato ng mga totoo niyang magulang at ang
"litrato ng Hari!?"
anong ibig sabihin nito. Bigla naman niyang naalala ang sinabi ng kanyang ina.
"Ibig-sabihin sa Hari ako magtatanong.".
sa pag-iisip ay hindi niya napansin ang oras. Biglang lumindol at nabiyak ang mga lupa, umihip ng malakas ang hangin at kumikidlat gayong wala naming ulan, unti-unting dumulim ang lugar. Napatakbo na lamang siya sa ibaba. May nakita siyang mga tao na nagtatakbuhan at nagkakagulo. Biglang sumolpot ang isang bagay sa kanyang harapan, isang matandang babae na nakasakay sa walis at lumulutang sa ere.
"Ikaw !. Ikaw nga! Humanda ka sa iyong kamatayan. Ikaw nalang ang natitira Sa kanila!!!. Papatayin ka namin!>"
sigaw ng nilalang na ito. Hindi paman siya nakakahakbang ay biglang nag-sulpotan ang ibat-ibang nilalang sa kaniyang harapan. Kailangan na niyang komilos kung ayaw niyang mamatay at mawalang halaga ang kanyang pag-iinsayo ng matagal.
Nakipaglaban siya sa mga ito gusto man niyang tumakbo, magtago na, at sumoko na lamang, ngunit may isang munting tinig siyang narinig. "Lakasan mo ang iyong tiwala sa sarili Almira. Kasama mo kaming lalaban.". Dahil dito ay muli siyang nagkaroon ng lakas ng loob. Buong tapang niyang hinarap ang mga ito at totoo nga sa bawat isang tira niya ng palaso inisip niya kung ilan at kung sino ang patatamaan nito ay sapol sa dibdib. Marami na siyang sugat ngunit hindi niya ito ini-inda. Huling palaso na ang hawak niya, pumikit siya at inisip niya ang lahat ng nangyare sa buhay niya bago niya binitawan ang pagkakahawak rito. Ng dumilat siya ay siya na lamang ang nakatayo.
YOU ARE READING
ALMIRA (ONE SHOT)
Teen FictionAlmira a not so ordinary girl who have journey on saving theire kingdom. Let as all join her journey.................