Roy

678 54 18
                                    

Mula kina Ayen ay dumiretso si Richie sa condo unit ni Mike. Si Mike ang kaibigan ni Richie. 

"Uy pare, bakit hndi ka naka punta sa party ko kagabi?"- Richie

"Paalis na sana ako kagabi pero nakatanggap ako ng pugot na ulo ng pusang itim. Sa takot ko, hndi nalang ako pumunta sa party mo. Ayoko namang ipa alam sayo dahil baka ma istorbo ko pa ang party mo."- Mike

Napabuntong-hininga na lamang si Richie. "Pare, nagtataka ako. Bakit kami rin Ayen pinadalhan din ng ganyan?" -Richie

"M-may palagay akong si Roy ang may kagagawan nito, pare. Siya lang naman ang latest na naengkwentro ko sa korte."- Mike

    Si Roy ang kapatid ng lalaking nabangga noon ni Mike.

(FLASHBACK)

Lasing si Mike habang nagmamaneho. Sinaway ni Richie ang kaibigang si Mike sa kaniyang mabilis na pagmamaneho ngunit hindi man lang ito pinakinggan ni Mike hanggang sa nabangga nila ang isang naglalakad na lalaki. Tumilapon ang lalaki at bago pa ito bumagsak sa lupa, sumabit pa ang ulo nito sa railings na bakal na bakod sa gilid ng kalsada at sa lakas ng impact, naputol ang ulo ng lalaki. Hinding hindi makakalimutan ni Richie ang gabing iyon. Dahil narin sa yaman at kapangyarihan ng daddy ni Mike na isang congressman, napa walang sala sila. Nag-iisang testigo lamang si Richie ng krimen na iyon ngunit dahil sa kaibigan niya si Mike ay pinalabas niya na tulog siya sa kalasingan nang gabing iyon.                                                                                     

Nais ni Roy makuha ang hustisya sa pagkamatay ng kanyang kapatid. Kahit natalo siya sa kaso, hindi siya sumuko. Umapela pa siya sa mataas na hukuman ngunit tulad ng una, na uwi rin sa kabiguan ang pagpapakulong nito kay Mike. 

Bumalik sila sa realidad nang may kumatok sa pinto. Si Richie na ang tumayo para ipagbukas ang pinto ngunit walang tao maliban sa isang maliit na balikbayan box na iniwan sa tapat ng pinto. Nagkatinginan ang magkaibigan. Pagbukas nila ay tumambad sa kanila ang inuuod na ulo ng pusang itim. 

"Marahil sa ganitong paraan ay gumaganti sa akin si Roy, pare.Papatayin niya ako sa takot."- Mike

"Pero bakit pati kami ni Ayen ay dinadamay niya?"- Richie.

"Dahil ikaw lang ang nag-iisang saksi nang mangyari ang aksidenteng iyon."- Mike.

Natahimik na lamang si Richie. Alam niyang mali ang tinago niya ang tunay na nangyari ngunit ayaw niyang tumestigo laban sa kaibigan niya. 

Tatakpan na sana ni Richie ang box nang nay nakita siyang papel sa loob. Binasa niya ang nakasulat sa papel.

"Kung hindi ka tetestigo laban sa kaibigan mo. Tulad ng ginawa ko sa pusang iyan, ganyan din ang mangyayari sa inyo ng nobya mo." 

"P-para sa a-akin ito! Sinundan ako ni Roy papunta rito."- nanginginig na sigaw ni Richie.

Agad na tinawagan ni Mike ang mga guards sa lobby ng condo. 

"Harangin nyo ang lahat ng bisitang lalabas! May iniwan akong picture ni Roy sa inyo! Hulihin nyo pag nakita nyo at ipaalam nyo agad sa akin! Maliwanag? "- Mike

"O-opo sir!"- guard

Hindi pa nakuntento si Mike. Pinaakyat niya pa ang mga guards na naka assign sa buong condo na iyon.

"Na check na po sir. Pati narin ang surveillance camera pero hindi po namin nakita si Roy."- guard

"Sige. Itapon nyo na ang box na iyan! At isa-isahin nyo ang units baka natatago lang yan dito."- Mike

"Opo sir!"-guard

Bumalik ulit ang mga guards.

"Wla po talaga sir!"- guard

Napabuntung hininga nalang ang magkaibigan. Doon na lang natulog si Richie para samahan ang kaibigan.

Sino nga ba ang nanakot sa kanila? 

Ulong PugotTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon