Pagbabayad ng kasalanan

576 53 33
                                    

Pagkaalis ng kaibigan ay naisipang isuot ni Mike ang Barong Tagalog na gagamitin niya bilang bestman. Humarap siya sa salamin. Napalis ang ngiti ng makita niya si Roy sa salamin --- nakatayo lang sa likuran niya. Lalo pa siyang nasindak nang makita niyang bitbit ni Roy ang ulo ng lalaking nabangga niya. 

Nang lingunin niya ay wala namang tao. Pero bukas ang pintuan. Kinuha ni Mike ang baril at patakbong lumbas. Pasigaw na tinwag niya ang pangalan ni Roy ngunit hindi man lang siya nilingon ni Roy. Nakita niyang tumigil si Roy sa dulo ng hallway pababa ng hagdan. Pagdating niya doon ay wala siyang nakita. Lumingon siya sa likuran niya. Napa upo siya nang makita si Roy. Galit na galit ang mukha nito at lumulutang lang ito.

Sa takot, napa atras si Mike at hindi niya namalayan na sa likod niya pala ay hagdan. 

Isang malagim na flash report ang napanood ni Sheena at Ayen.

"Nahulog mula sa 16th floor ang anak ng congressman na nagngangalang Mike. Sumabit pa ang ulo nito sa barandilyong bakal ng balkonahe na nasa 2nd floor. Sa lakas ng impact, napugot ang ulo nito bago pa man tuluyang bumasak ang katawan sa lupa. Ayon sa salaysay ng residents sa 16th floor. Nakita raw nila si Mike na mag-isang tumatakbo sa hallway. "Roy" ang sinisigaw niyang pangalan. Pagdating sa dulo ng hallway ay napa upo ito at parang may kinatatakutan. Umatras ito nang umatras hanggang sa nahulog ito sa hagdan."

Pumunta si Richie sa condo ng nobya. 

"Hindi ko kayang ipaliwanag ang nangyari kay Mike, love"- Richie

"Nagbago na ang isip ko. Napagtanto ko na mahalaga talaga si Mike sa iyo kaya mo siya pinagtakpan."- Ayen.

"Patawad, love. - Richie

"Patwad rin, Rich."- Ayen

"Siningil na si Mike para pagbayaran ang kasalanang ginawa. Hindi napigilan ng salapi at kapangyarihan ng ama niya upang pagbayaran ang kasalanang ginawa niya."- Richie.

Masayang nagyakapang ang dalawa. :D

------------------------------------------WAKAS-----------------------------------------------------------

Ayan, Huwag na huwag po kayong mag mamaneho ng lasing at baka matulad rin kayo kay Mike.

At isa pa, hindi talaga mabibili ng pera ang hustisya para sa isang tao. Sana po may natutunan kayo. 

Thankyou po! 

Ulong PugotTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon