Steel Sebastian Seiyou

111 4 0
                                    

Link's Pov

Awwww...
Aruuyy,napakasakit naman masaksak ng balisong oh!

"Nurse..bakit po ba kailangan gawin namin yung death race?"
Tanong ko dun sa nurse na kasalukuyang binabalutan ng benda yung parte kung saan ako natamaaa ng dagger.

"Ah...eh..tradisyon yun..ayon sa Keynaca Empire..isang paraan upang mahigitan mo ang iyong sariling limitasyon.."

Lalim :0

"Eh..kayo po ba't nagtitiis kayo magtrabaho dito?"
Ako.
Tutal wala akong makakausap dito..iinterviewhin ko muna si Ateng nurse na nakacontact lense *0*

"Hindi ako nagtitiis magtrabaho dito....sa totoo lang hawak ng Empire ang buhay ng magulang at kapatid ko..at oras na tumiwalag o kumontra ako....."
Pansin kong huminga muna siya ng malalim bago muling nagsalita.

"Papatayin nila sila...."

Grabe,ayokong sapitin  ang buhay niya *tears falling*

"Eh ikaw?..bakit ka nandito??"
Siya.

Oo nga no? Bakit nga ba ako nandito?

"Uhmm...hindi ko rin alam eh..basta may nakita na lang akong mga lalaking nakaitim tapos  may gamot..."
Bago ko pamaipagpatuloy yung sasabihin ko..nagsalita na ulet siya.

"May gagawin pa pala ako..pupunta pa ako sa opisina ng kataastaasan.."
Akmang aalis na siya ng pinigilan ko.

"T-teka..Ate ano pong pangalan niyo??"
Ako. Para kasing may kahawig siya..oo may kahawig talaga siya eh.
Bago siya sumagot ay ngumiti muna siya sa akin.

"...tawagin mo nalang akong,Ate Arami"

3rd Person's Pov

"Margarrette,ipinatatawag ka na ni Boss"
Wika ni Rui habang nagkakamot ng batok.
Waring nanlamig naman si Margarrette sa kanyang narinig. Ganun paman,nagipon siya ng lakas ng loob upang pumasok sa opisina ng kanilang pinuno.

"Nasa  Fountain lang ako"
Sambit naman ni Axle habang tinatapik ang balikat ni Margarrette na binigyan naman siya ng malumanay na ngiti.

Tuluyan nang pumasok siya sa pinakainaayawan nilang kwarto.
Ang kwarto ng pinuno.

Sa pagpasok niya sa kwarto ramdam na niya ang lamig at takot na umiikot sa paligid.

Mas lalong tumindi ang kabang nararanasan niya ng tinitigan siya nito ng diretso at tagos sa kanyang buto.

Nagsimulang pumatak ang malalamig na pawis  sa kanyang leeg.

"Give me a damn reason why did you do that to her?"
Matigas at ngunit malumanay nitong sabi. Sumasama sa sikat ng araw ang pagkapula ng buhok niya na siyang trademark nito sa lahat ng bagay.

Napalunok naman ng sunod sunod si Margarrette bagi sumagot.

"N..N-nadala lang ako,hindi ko naman yun sinasadya pero sorry..handa akong gawin lahat mapatawad niyo lang ako huhuhu"
Margarrette.

Ngumiti naman nang nakakaloko na siyang ikinabigla niya.
Saka nagsalita ng hindi niya inaasahan..

"What if...........I command you to kill yourself?.."

Napatigil naman sa paghinga si Margarrette sa gustong ipagawa ng kanilang pinuno.

**
Sa kabilang dako,nakikinig sa labas ng pinto ang ibang miyembro ng Royal Gang.
Halos magkapalit na nga ang pinto at kanilang tainga sa sobrang dikit nito na dinaig pa ang nilagyan ng stick glue.

"Anong meron??"

"Ssh..wag kang maingay paparusahan si Marg."
Wala sa loob na wika ni Rui.

"Bakit siya paparusahan?"

"Kasi,muntik na siyang makapatay"

" Sinong muntik na niyang pinatay??"

"Eh ang dami----AKIRA??!!"

Automatic silang napatingin sa babae sa kanilang likod.
Natulala ang lahat maliban kay Axle na halata mong tutok na tutok sa pakikinig sa nangyayari sa loob.

"K--kailan ka pa nandiyan?"
Wika ni Flame.

"Gusto kong pumasok.."
Walang emosyon at bagot na sabi ni Akira.

"Huh?"

Nagkatinginan naman ang mga miyembro ng Gang,sa gusto niyang gawin.

Alam nilang ayaw na ayaw ng pinuno nila ang may pumapasok na lang bastabasta sa kwarto nito lalo na kung babae.

"Gusto kong pumasok"
Mas matigas na wika nito.
Dahil doon humawi sila sa pinto at pinayagan siyang pumasok..

Saktong pagpasok nito...nadatnan ni Akira ang isang babae na may dagger at handang saksakin ang sarili.

Akira's Pov

Nagising ako dahil sa pagyugyog ng isang nurse sa akin.

"Ms. Kailangan niyo na pong inumin ang mga gamot na ito"
Sabi niya sa malambing na tinig.

Tininggnan ko lang yung gamot.

Yun yung sinasabi ni Hina,para malaman kung saan aayon ang katawan mo.

Kagaya nung una,nahirapan akong lunukin sila ng sabay sabay...pero salamat na lang at nagawa ko siya ngayon.

Kung tama ako ng pagkatanda..kulay blue,kung matalino ka....Green sa Pisikal na katawan at Red sa Stamina and Endurance.

(A/N,makikiepal muna ako..Nagkamali lang ako ng type dun sa Chapter 4 na kulay na mga gamot..ang totoo po talaga ay Blue,Green,and Red haaayssssstttt)

Habang nakatingin ako sa malayo ay may kumatok sa pinto..

Bumukas yun,at iniluwa si Ms. Nima.

"Oh-it's nice to see you na magaling na??..kamusta ang pagkapukpok sa ulo mo"

Sa tono pa lang nang pagsasalita niya halata nang nangaasar.

"Nga pala...buhay naman lahat ng nasaksak na estudiyante nung Death Race,kaya wag ka nang magtampo diyan!"

"Anong ibig mong sabihin?!"
Ako.

"Buhay lahat sila,kaya lang mababa ang points na nakuha nila sa akin...pero ikaw at si Link hindi"

Sabi niya sabay kindat sa akin.
Yuck. Tomboy yata ang teacher na ito eh.
Medyo nakahinga naman ako ng maluwag dahil sa sinabi niya.

"Wait...alam mo ba kung bakit lahat ng tao o estudiyante rito..takot marinig ang apelyedong 'Valor'??"

Napataas naman kilay ko dun.

"Pake ko?,magkaiba lang kasi mata ko kaya ganun"
Wala na akong respeto.
Pero yae yan.

"Kaugali mo talaga ate mo....."
Siya. Tumaas naman ang isang kilay ko..

"Si Saira...magaling siyang gangster,kahit hindi pa siya ineenroll sa school na to..gangster na talaga siya..,alam mo ba kung sinong pumatay sa kanya??????"

...parang gusto kong malaman ang susunod na sasabihin niya...

"Hmm...si..ano...si,Steel..
siya yung Deity,ng Royalty Gang..Ang pinaka nakakatakot sa lahat ng sections ...at tinitingala ng karamihang babae,lalo na si Chlea"
Dahil nakuha ko na ang gusto kong malaman tumayo na ako at kahit may dextrose pa ako..utay utay kong inalis yun.

Di ba ganito yung ginagawa nung mga bida sa t.v.

Aisshh...alangan namang dalhin ko pa yung dextrose pag-alis.

"Nga pala...magsuot ka kaya ng isang contact lens para hindi ka magmukhang alien dahil sa mata mo?.."
Natatawa niyang  pahabol.

Pero di ko na lang pinansin yun,kasi may kailangan pa akong unahin kesa sa mata ko.

Certified Gangster SchoolTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon