A LOVE OF GOD

94 0 0
                                    

nature na nating mag mahal especially sa pamilya natin , sa kaibigan , at sa sarili natin .

pero ano ba ang pag ibig ?

- LOVE IS BLIND

- LOVE IS LIKE A ROSE THAT FULL

OF TORNS .

tara pag aralan natin ang pag-ibig ayun sa bible .

1 CORINTHIANS 13:1-13

VERSE 1 :

Kung ako'y magsalita ng mga wika ng mga tao at ng mga anghel, datapuwa't wala akong pagibig, ay ako'y naging tanso na tumutunog, o batingaw na umaalingawngaw.

VERSE 2 :

At kung magkaroon ako ng kaloob na panghuhula, at maalaman ko ang lahat ng mga hiwaga at ang lahat ng mga kaalaman; at kung magkaroon ako ng buong pananampalataya, na ano pa't mapalipat ko ang mga bundok, datapuwa't wala akong pagibig, ay wala akong kabuluhan.

VERSE 3 :

At kung ipagkaloob ko ang lahat ng aking mga tinatangkilik upang ipakain sa mga dukha, at kung ibigay ko ang aking katawan upang sunugin, datapuwa't wala akong pagibig, ay walang pakikinabangin sa akin.

VERSE 4 :

Ang pagibig ay mapagpahinuhod, at magandang-loob; ang pagibig ay hindi nananaghili; ang pagibig ay hindi nagmamapuri, hindi mapagpalalo.

VERSE 5 :

Hindi naguugaling mahalay, hindi hinahanap ang kaniyang sarili, hindi nayayamot, hindi inaalumana ang masama;

VERSE 6 :

Hindi nagagalak sa kalikuan, kundi nakikigalak sa katotohanan;

VERSE 7 :

Lahat ay binabata, lahat ay pinaniniwalaan, lahat ay inaasahan, lahat ay tinitiis.

VERSE 8 :

Ang pagibig ay hindi nagkukulang kailan man: kahit maging mga hula, ay mangatatapos; maging mga wika, ay titigil: maging kaalaman, ay mawawala.

VERSE 9 :

Sapagka't nangakakakilala tayo ng bahagya, at nanganghuhula tayo ng bahagya;

VERSE 10 :

Datapuwa't kung dumating ang, ang bahagya ay matatapos.

VERSE 11 :

Nang ako'y bata pa, ay nagsasalita akong gaya ng bata, nagdaramdam akong gaya ng bata, nagiisip akong gaya ng bata: ngayong maganap ang aking pagkatao, ay iniwan ko na ang mga bagay ng pagkabata.

VERSE 12 :

Sapagka't ngayo'y malabo tayong nakakikita sa isang salamin; nguni't pagkatapos ay makikita natin sa mukhaan: ngayo'y nakikilala ko ng bahagya, nguni't pagkatapos ay makikilala ko ng gaya naman ng pagkakilala sa akin.

VERSE 13 :

Datapuwa't ngayo'y nanatili ang tatlong ito: ang pananampalataya, ang pagasa, at ang pagibig; nguni't ang pinakadakila sa mga ito ay ang pagibig.

ANO BA ANG PAG-IBIG ?

siguro naman nabasa nyo kung ano ang pakahulugan ng panginoon sa pag ibig . madali lang naman i apply diba ?

guys isa pa kung ano man ang bagay na ginagawa mo ay kailangang bukal at galing sa puso mo .

VERSES TO REMEMBER :

VERSE 4 :

Ang pagibig ay mapagpahinuhod, at magandang-loob; ang pagibig ay hindi nananaghili; ang pagibig ay hindi nagmamapuri, hindi mapagpalalo.

VERSE 5 :

Hindi naguugaling mahalay, hindi hinahanap ang kaniyang sarili, hindi nayayamot, hindi inaalumana ang masama;

VERSE 6 :

Hindi nagagalak sa kalikuan, kundi nakikigalak sa katotohanan;

VERSE 7 :

Lahat ay binabata, lahat ay pinaniniwalaan, lahat ay inaasahan, lahat ay tinitiis.

VERSE 8 :

Ang pagibig ay hindi nagkukulang kailan man: kahit maging mga hula, ay mangatatapos; maging mga wika, ay titigil: maging kaalaman, ay mawawala.

gusto ko lang ipaalam na wala anuman o sinuman ang makakapantay sa pag ibig ng panginoon sa atin .

inalay nya ng buong puso ang buhay nya para bigyan tayo ng chance para mag bago talikdan ang mga kasalanan at kumilala sa kanya .

tiniis nya lahat ng pag papahirap at ang kamatayan sa krus para mabalik ang naputol na ugnayan natin sa amang diyos .

nang dahil sa pagmamahal kaya nya ginawa ang lahat ng bahay na di natin magagawa !!

guys wag naman sana maging bulag ang puso natin ! oras na para mahalin rin ang nag iisang dakila ang ating panginoon na si jesus ang cristo ..

maipapakita natin ito sa pamamagitan ng :

-pag hingi ng tawad sa kanya

pag puri sa kanya .

-pagtulong sa kapwa .

-pag tulong sa simpleng gawain sa

bahay .

-(ect) at marami pang iba ..

basta mabuti magugustuhan yan

ng panginoon .

ILOVEYOUGUYS **

SUBAYBAYAN NYO RIN PO PATI YUNG NEXT ..

GOD'S MESSAGETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon