He's The One [Short Story]

193 8 12
                                    

He’s The One [Short Story]

Written by: Heart Studies

[www.heartstudiesstories.weebly.com]

My life was so uninteresting. Hindi pa ako nagiging masaya sa tanang buhay ko. Oo, nagagawa nila akong patawanin pero sa likod ng mga tawa na yun ay sobrang lungkot ko. Pinipilit kong maging masaya para sa mga taong nasa paligid ko.

Para sa mga bilang na taong nagmamalasakit sa akin. I’ve never been so happy ever since until this man came. He makes me feel so perfect. I felt happy like I was the happiest girl that time. But he left me. He left me with our happiest memories.

Alam ko ng aalis sya nung una pa lang. Alam kong iiwanan nya rin ako at akala ko ay handa ako pag dumating ang araw na yun. Pero masakit pala. Masakit pa din kahit anong gawin ko. But I never regret that I met him.

Cause even though he’s gone. He’s always here and I can feel it. I can still feel his presence. He never really left me in the first place. Cause he’s still here in my heart. And now the day has come, the day has finally arrived. Maitutuloy na namin ang naudlot naming pagmamahalan.

***

“Lalaki, nabangga ng isang van – blah blah blah.” And daldal ni Jean habang binabasa yung head news sa dyaryo. Pwede namang hinaan ang pagbabasa, eh.

“Ano na naman yang binabasa mo?” irita kong tanong sa kanya,

“Tignan mo, oh. Ka-edad lang natin nabangga, PATAY!” sagot nya habang idinuduk-dok sa akin yung dyaryo.

“Oh? Eh so?”

“Wala lang, syang lang ang guwapo nya kasi. Teka, bakit ba ang sungit mo? Meron ka ba ngayon?”

Napaisip ako, bakit nga ba ang sungit ko ngayon? Kinuha ko yung dyrayong hawak nya at ipinamaypay ko. Ang init talaga, grabe. Nasa may school park kasi kami ngayon. One hpur break, ewan ko kung bakit pero lubusin na dahil bihira lang ang ganitong pagkakataon.

And one more thing, to be honest, meron nga ako ngayon. Pero hindi iyon ang dahilan kung bakiy mainit ang ulo ko.

“Sila Mama tsaka si Papa kasi, eh. Aalis na naman sila. Puro katulong and guards na naman ang kasama ko. Kainis!” hinampas ko ng dyaryo yung ulo ko sa sobrang asar ko.”

“It’s for your future naman, diba?” concerned si Jean.

“Naiintindihan ko naman yung side na yun pero like DUH?! Wala pa nga silang one week dito na kasama ako, eh.” Napayuko pa ako. “At wala pa kaming family bonding. :( “

“I’m sorry Tiff, ha.” Hinimas ni Jean yung likod ko.

Feeling ko nga minsan parang hindi naman nila ako mahal, eh. Pero sige, dun na lang muna ako sa sinabi ni Jean. Naiintindihan ko naman, eh at kahit na hini, I’ll force myself to understand. Buntong hininga na lang ang nagawa ko. :((

Grabe lang, ha. Nga pala, hindi ko pa pala ni-introduce ang aking sarili. Tiffany Xiara Lazaro, 18 years old, second year college in Architecture. BSBA nga yung pinakukuha sakin pero ayoko. Kung ano yung gusto ko, dun ako. Maganda ako, echoss!

Maputi, sakto lang ang height and sexy rin. XD LOL. Pahabol pa pala, single ako. NBSB? Tama! Naghihntay lang ng deserving.

Napatingin ako duon sa dyaryo. May picture yung lalaking nabangga. Tama si Jean, guwapo nga sya. Tsk tsk tsk. Sayang naman sya, ka-edad nga namin. Teka? Bigla yatang natahimik tong katabi ko? Tinignan ko sya kaso parang tulala sya. . . kay. . . Sid. =_______=

“Grabe, ka naman, lakas ng charm sayo ni Sid, ah? –ako.

“Talagang talaga. ANg guwapo kaya nya, ang bait pa! Nililigawan ka nya, diba?” –Jean.

He's The One [unedited]Where stories live. Discover now