Sorry for the super late update!!!
____________________________________________________
Sa totoo lang..
Hindi ang dahilan ng break up namin ang talagang masakit..
Hindi rin yung part na niloko niya ako..
Hindi yung part na nagpaalam na siya..
Kung hindi yung realization na..
Hindi niyo na pwedeng gawin ang ginagawa niyo dati..
Hindi mo na siya pwedeng yakapin..
Lambingin..
Kasatin..
Halikan..
Sabihin ng "I love you.."
Sabihan ng "I miss you"
Pero sabagay pwede mo pa siyang sabihan ng "I love you" at "I miss you"
Wag ka lang aasa na sasagot siya ng "I love you too" o "I miss you too.."
Masasaktan ka lang lalo..
Masakit talaga na wala na siya sa akin..
Pero mas masakit na alam ko sa sarili ko na hindi ko na siya mababawi pang muli..
Dumating ang wednesday at nagkita na kami..
Naghihintay ako sa isang park bench, nakikinig ng music.. Nakaheadset ako, at nakikisabay pa ako sa pagkanta.. "Yeah you called me up again to break me like a promise.. So casually cruel in the name of being honest.." All Too Well, kanta ni Taylor Swift.
Biglang may humawak sa braso ko.. Napatingala ako sa kanya.. "Van.." tinanggal ko sa ears ko yung headset. "Hi, kamusta ka na?" talagang tinanong mo sa akin kung kamusta na ako?
Masaya ako, masaya dahil nagbreak na tayo..
Masaya ako dahil wala ka na sa akin..
At masaya ako dahil di mo na ako mahal!!
Ayun ba ang mga expect niya na isasagot ko?
Thinking na wala na kami makes me want to cry..
Pero I must be strong.. Pipilitin kong maging okay, papakita ko sa kanya na ayos lang ako..
"Ayos lang ako.. Bakit nagdecide ka pa ring makipagkita sa akin?" ayun talaga ang unang tanong ko sa kanya..
"I'm a man of my word.." nagpromise kasi siya sa akin na sasamahan niya ako manuod ng sine.. Kaso feeling ko magiging torture lang sa akin yun..
"Man of your word? Kung may isa kang salita hindi mo ako sasaktan ng ganito.."
Hindi niya pinansin ang sinabi ko.. Doon naman siya magaling eh, pag confrontation na ang galing niyang umiwas.. Ni-hindi ko rin nga talaga alam kung bakit siya nakipagbreak eh. Instead of answering my question ay hinatak niya ako sa malapit na coffee shop dito sa plaza at umupo kami sa isang chair.
Umorder siya ng dalawang cheesecake at dalawang hot chocolate with overflowing marshmallows on top just the way I liked it.
"Kain na," sabi niya.
"Bakit ka nakipagbreak?"
"Ayaw ko na," sabi niya.
"Dahil?"
"Basta, para rin sa atin to," sabi niya.
"Dahil?"
"Clearly this meet up is bad idea.." sabi niya. Tatayo na dapat siya kaso pinigilan ko siya.
"Please stay," maluha luha pa ako implying a different meaning on what I just said.
I wanted him to stay with me. Wag niya akong iwan pero nagiilusyon nalang ako ngayon.
"I'll stay for a couple of minutes.."
Kinain na namin ang inorder niya in silence.. After noon ay nagpaalam na siya..
Umalis siya without even looking at me just saying that he had to leave..
Pinagmasdan ko lang siya habang papalabas na siya ng coffee shop..
Sa tutuwing nakikita ko siyang nakatalikod at papalayo nasasaktan ako..
It was like we are breaking up over and over..
Ang hirap ang sakit sobrang sakit!
Hindi ako makapaniwala pero kailangan..
I stayed at the coffee shop hoping for him to come back..
[end chapter]
sana nagustuhan niyo :)
If you'll notice style ako nga pala si tanga ito
BINABASA MO ANG
All Too Well (A story of moving on and letting go)
Teen FictionLove is a sweet long ride.. but moving on is a hard adventure.. Paano ko ba nagawang mag move on taong minahal ko ng sobra sobra? -Jamie