That Wall On Your Room

1K 15 4
                                    

Naranasan mo na bang magmukmok at magkulong sa kwarto mo dahil nalulungkot at nagdurusa ka? Naranasan mo na bang katukin ng mga kasama mo sa bahay para kumain na pero hindi ka pa rin lumalabas.

Pinapakinggan mo lang ang kanta na pinakanakaka-relate ka ng pa-ulit ulit. Yung kanta na may message na "come back to me," o "What had happened?" o "Why?" Na may tendency na magkaroon rin ng message na "I still love you" at " I still miss you"

Naranasan mo na bang umiyak lang sa sulok ng kwarto mo habang suot suot mo ang T-shirt na naiwan niya sa bahay mo.

Suot-suot mo ang T-shirt niya para maramdaman mong nandiyan pa rin siya. Yakap yakap ka at pinapangako na magiging ayos rin ang lahat. Mawawala rin ang sakit at kalungkutan.

Pero lahat ng iyon ay pag-iilusyon mo lang. Pagumabot sa point na ma-empty na ang cellphone mo, at tumigil na ang music player na nakalagay sa repeat sa kantang sobrang nakakarelate ka. Katahimikan nalang ang maririnig mo.

Sobrang tahimik na maaalala mo nanaman ang lahat, mula sa simula hanggang sa katapusan. Luluha ka nanaman at iiyak.

Kakausapin mo pa siya kahit wala naman siya doon.

"Ano ang nangyari? Bakit mo ako iniwan?"

"Sabi mo mahal mo ako. Sabi mo forever na tayo. Sabi mo hindi na tayo maghihiwalay."

Gulung-gulo ka at napakaraming tanong sa isipan mo. Tapos sesermonan mo na ang sarili mo.

"Tama na wag ka nang umiyak.. Tama na." pero iyak ka pa rin ng iyak.

"Tama na please tumahan ka na... ang sakit sakit na."

"Wag ka nang magpakatanga.. Wag ka nang magpakatanga.."

"Iniwan ka na niya.."

"Hindi ka na niya mahal."

"Wala na siya.. Kalimutan mo na siya.."

Pilit mong pinapatahan ang sarili mo pero iyak ka pa rin ng iyak.

"Tama na please.. Ayoko na.."

At magsi-sink in na rin sa iyo ang katotohanan.

"Mahal na mahal pa rin kita.."

"Mahal kita.."

"Ang sakit.."

"Sobrang sakit.."

Sasambitin mo ang pangalan niya ng paulit ulit.

"Van.. Van.. Mahal kita Van.. Van Mikael Agustin mahal na mahal pa rin kita."

Tapos puro paghikbi at pagluha mo nalang maririnig sa buong kwarto mo.

Gabi gabi kang ganyan.. Gabi gabi mong hinaharap ang kalungkutan ng pagiging mag-isa. Gabi gabi mong hinaharap ang katotohanan na wala na siya.

Minsan hinihiling mo na mas mabuti pang namatay nalang siya, mas matatanggap mo pa iyon kaysa iniwan ka niya ng hindi mo alam ang tunay na dahilan. Mas matatanggap mo pang nawala at pumanaw nalang siya kaysa araw araw mo siyang nakikita sa eskwelahan at mas lalo ka lang nasasaktan.

Pero kahit hinihiling mo na sana nawala na lang siya.

Mas hinihiling mo pa rin na sana bumalik nalang siya sa iyo.

All Too Well (A story of moving on and letting go)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon