First encounter

46 1 0
                                    

Year 2004 nangyari ito..

Grade 4 palang ako noon at Hindi talaga ako naniniwala sa mga multo, i think 9pm nangyari yun.. Matutulog na kami ng tita ko kasi tabi kami matulog, yung pintuan ng kwarto namin nakaharap sa bintana ng sala namin so pag nakabukas ang pintuan ng kwarto namin makikita mo talaga ang bintana ng sala namin.. Jealousy ang bintana namin kaya medyo maaninag mo yung nasa labas. Malalayo ang mga bahay samin. Matutulog na sana kami noon at nakapatay na lahat ng ilaw sa bahay. Biglang lumabas ang tita ko para umihi. Naiwan nakabukas ang pinto nkaupo ako sa kama at nagdarasal bago matulog, nakasanayan ko na kasi yun. Habang nagdarasal ako may naaninag akong nakaputi sa peripheral vision ko kaya napalingon ako sa bintana ng sala at nakita ko ang isang matandang Babae na nakaputi, nakatingin lang sya sakin, napaka puti nya.. parang iniilawan, kulot ang buhok at maiksi Hindi sya mukhang nakakatakot kaya nakipag titigan din ako sa kanya dahil Hindi ako makapaniwala sa nakikita ko. At dahil ayaw nya talaga magpatalo sa Pakikipag titigan sakin natulog na lang ako at ilang minuto pa ay nakabalik na ang tita ko. Kinabukasan kinuwento ko sa pamilya ko ang nangyari. sabi ng Lola ko baka yun yung yumao kong great grandma at Hindi na yun nagpakita pa sakin.

True horror storiesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon