Iyak ng sanggol

24 2 0
                                    

1st year high school palang ako nun at kakalipat ko palang sa bahay ng aking auntie dahil mas malapit lang ang highschool sa bahay nila at para makatipid na rin sa pamasahe dahil walking distance lng yung bahay nila auntie mula sa school samantalang yung bahay namin sasakay ka pa ng trysikel.. kaya lumipat ako sa kanila.

Maraming nagsasabi na may multo dun sa bahay nila at parang daanan daw yun ng mga ispiritu...nanggaling pa kasi sa lola ng cousin ko yung bahay nila at pinagiba lang tsaka pinagtayuan ng bagong bahay ng auntie ko..sa pagkakatanda ko may dating punso sa gitna ng bahay nila pinagiba din yun.. Maliit pa kasi ako nung pinagawa yung bagong bahay..pero binalewala ko na lamang yun.

Bago pa lamang ako sa kanila nun at mag-isa lang ako sa bahay.

6pm na yun at Hindi pa dumadating ang auntie ko at uncle ko at yung cousin ko dahil may business sila sa bayan at gabi na sila kung Umuwi andun din palagi yung cousin ko pag tapos na yung klase nila dahil malapit lang ang elementary sa bayan at elementary pa lamang nun ang cousin ko.

So habang mag-isa lang ako nun kumakain ako sa kusina.. Yung kusina nila nasa baba at yung sala naman nasa taas. Bago ka makarating sa kusina kelangan mo muna bumaba sa hagdan.

Kaya habang sarap na sarap ako sa pagkain..

Bigla nalang akong may narinig na iyak ng sanggol sa sala mismo kaya sinilip ko iyon mula sa kusina Hindi naman kasi ganun kataas yung hagdan mga 4 steps lang.

Wala namang tao at imposible naman na may pumasok kasi maririnig mo talaga yung ingay ng gate nila..

Hinayaan ko nalang dahil baka sa kabilang bahay lang yung iyak..

Maya-maya dumating na rin sina auntie..

Tinanong ko agad sya kung merong anak na sanggol yung mga kapitbahay nila malapit samin pero sabi nito ay wala..

Kaya medyo ang weird sa feeling dahil narinig ko talaga yun

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Sep 26, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

True horror storiesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon