Teaser

24 1 0
                                    

Pa'no ba ang magmove on? Ilang beses ko na itong tanong sa aking sarili. Ilang beses ko na ring hindi ito nasasagot. Masakit. Sobra. Parang mamamatay ako sa sakit dahil iniwan niya 'ko. Kasalanan ko rin naman. Alam kong hindi siya para sa akin pero heto ako, nagpapakatanga pa rin sa kanya.

Masyado lang akong umasa at nagpakabaliw sa pagmamahal sa kanya. Maybe I'm just one of those hopeless romantics na naniniwalang kapag binigay mo ang lahat, ibibigay rin ng pinagbigyan mo ang lahat sa 'yo pero mali rin siguro ako. Hindi kasi sa lahat ng pagkakataon, give and take ang pag-ibig. Madaya rin ito minsan.

Nakakabingi. Sobra. Nabibingi ako sa katahimikan. Sa galaw ng relo sa aking madilim na kwarto. Wala akong ibang ginawa kundi humikbi. Hindi ko ito pwedeng sabihin sa pamilya ko dahil alam kong itatakwil nila 'ko. Naaalala ko ang masasayang alaala na pinagsaluhan naming dalawa. Hindi ko makalimutan ang bawat expression sa mukha niya na nagbigay ng iba't ibang emosyon sa akin.

Akala ko, habang buhay ang lahat. Na hindi ito matatapos. Akala ko... akala ko... akala ko lang pala. Imposible naman ito 'di ba? Hindi naman kasi ako ang bida sa kwentong ito. I'm just the other one.

~~~~

A/N: It will take a while before I could post this story kaya teaser lang. It's a gift for a friend. I don't want to touch this issue pero sabi nga, hindi ka mag-iimprove kung hindi mo haharapin ang mga kinatatakutan mo. So thanks sa mga magbabasa. :)

The Other OneTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon